Chapter 05 - The New Phone

952 56 74
                                    

CHAPTER FIVE - THE NEW PHONE

Mamaya na ang Christmas Choral Singing Presentation kaya nagkakandarapa na yung mga estudyante for the last-minute preparations, lalo na yung leader namin, lumuluhod na sa sahig as kakadasal.

Grabe, ganito ba talaga kaimportante sa kanya ang Christmas Presentation? I mean wala naman 'tong price eh, presentation nga eh. Siguro title lang, kung sino yung Champion, 1st runner up, 2nd runner up, etchetera, etchetera, etchetera.

Basta, siguro gusto ng leader namin maging champion man lang at makahabol sa top five. Nakafour consecutive wins kasi yung batch before namin, yung mga fourth year. Oo, gusto ng leader namin na mabawi yung corona, psssh, walakanang pag-asa dude, Monday lang tayo nagsimula ng practice at Thursday ngayon - ERASE, hala, ang negative ko naman. MMMM.

"Lola, nakamake-up ka na? Halika, memake-upan kita."

"Naku, make-up...ah...eh, Hindi ako sanay sa ma ganyan, Isabel." Himala, kinausap ako ni Isabel?

"Hindi pwede, halika na dito." Tapos hinigit niya yung kamay ko papunta sa teacher's table. Hep! Teacher's table na walang teacher. Walang class kasi ngayon kasi nga diba, busy ang mga estudyante.

Well anyway, sa teacher's table kasi nakalagay yung mga make-up kits nila, doon din minimake-upan yung mga girls. At, nandoon din si Cathlyn, naglalagay ng kung ano-anong echeng sa mukha.

Help! Help! ayokong maging kamukha si Cathlyn! Kapal-kapal ng blush ons niya, para siyang red apple monster na may mga rainbows sa ibabaw ng mata!

"Eh... umm, pwede wag mong kapalan masyado, nasa likuran lang naman kasi ako ng formation eh." Totoo naman eh, 'yun yung palaging nanotice ko. Kapag may group presentation or whatsoever, ako yung palaging nasa likuran, PALAGI, ako yung extra. Higit pa doon, nasa likuran na nga, nasa pinakadulo at pinakaside pa. Kainis!

"Oy, Princess Cathy, ang kapal ng make-up mo."

"Shatap, Princess Isabel, mas makapal yung mukha mo."

"No, you shatap, b*tch, makapal both yung make-up at mukha mo, hahaha." Sabay silang nagtatawanan at naghahampasan. Pero hindi naman todo yung pagkahampas nila sa isa't isa, parang light lang. Pang friendly ba. Grabe, close na close talaga sila, na-o-OP ako tuloy.

~♡~♡~♡~♡~♡~

*Applause* Nagpapalakpakan na ang mga estudyante as Gymnasium ng school namin. Ang sikip sikip talaga. Nandito na kasi lahat ng mga high school students e'.

"Go Seniors!" Sigaw ng mga estudyante sa likod namin. Kakatapos lang kasing magperform nung 4th year. Hala, isang class nalang tapos kami na magperperform, naiihi pa ako.

Ano ba 'to, wrong timing naman e'. Hindi na ako makapagpigil, I need a comfort room to comfort me, may time pa naman diba.

Pumasok na sa stage yung freshmen class section-I-don't-care. Nagstart na silang magperform, after nila, kami na ang susunod. Pakshet! Naiihi na ako like urghh.

Di ko na talaga kaya, kailangan ko talagang pumunta sa girl's CR.

"Uy, tayo na sa backstage, tayo na ang susunod." Nag-announce yung leader namin at nagsimula na kaming tumayo. Pinuntahan ko siya, makapagpaalam man lang kasi ihing-ihi na ako dito, konti nalang at magkakapond sa loob ng gym.

"Psst, pwede magCR, promise mabilis lang."

"Ughh,"Irita niyang sinabi. "Bilisan mo!" Sabi niya sa akin in an irritated way.

Tapos, I rushed to the gym's girl's CR. Pag-open ko ng door. The Fudge?!

Andaming estudyante, puno lahat ng cubicle, at may nakalinya pa. Wala na akong pag-asa sa gym's CR. Doon nalang ako sa CR malapit sa Gym, well that is. Ahh, sa may Computer building!

Love Behind A Thousand LiesWhere stories live. Discover now