Prologue

1.9K 132 97
                                    

PROLOGUE

Sabi nga ng marami, "Liars go to hell" daw. Eh kung totoo man 'yun edi lahat na tayo napunta na roon. Hindi naman siguro posible na hindi ka nagsinungaling kahit isang moment lang sa buhay mo. Ano ka, si Miss Honesty?

Sabi ng mas marami, "It's better to be slapped by the truth than to be kissed by a lie." Masasampal ka, masasaktan ka. Ano'ng better doon? Siguro hindi ko alam kasi ako yung nagsisinungaling. Ako yung nagpapanggap dahil lang sa may gusto akong makuha.

Pwes, kasalanan ko ba kung ipinanganak akong mahiyain at hindi ko kayang kilalanin si crush personally? Gusto ko lang naman kilalanin siya, kasalanan na ba yun? Siguro nga, dahil what you do on to others will do on to you. Ako yata nabiktima e. Nagcross kasi yung landas namin ni Mr. Fibber.

Isang poging nilalang na mahilig din magsinungaling at higit sa lahat, mahilig makipagpatayan sa'kin. Kaya ayan, a liar versus a liar. Simula ng dumating siya sa buhay ko, maraming nang nag-iba. Ang invisible normal life ko, nagkagulo-gulo na.

I think that's exactly what happens when Miss Fabulist meets Mr. Fibber. That's what happens when two liars collided with fate and met in the most impossible way history has ever encountered.

Love Behind A Thousand LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon