Chapter 45 - Last Fall Of The Curtain

217 14 71
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE - LAST FALL OF THE CURTAIN

Nakahanap ako ng upuan. Doon muna ako habang pinapakalma ko ang sarili ko. I stared at the Diary. Mukhang matandang matanda na talaga 'to tapos yung mga pages, halatang nasoak in water at natuyo lang.

Mahigpit parin ang paghawak ko rito hanggang sa napagdesisyunan kong buksan ito.

Sa mga first pages nito, yung ink na ginamit dito, parang nagsmudge dahil narin siguro sa napasukan ito ng tubig. I recognized my old hand writing. Ito 'yun at parang t*nga ako rito na humihikbi sabay punas ng luha while turning the pages of this old book.

After all the smudged handwriting, hindi ko inexpect ang sumunod dito. Sinulatan ni Rice yung Diary ko? "Kulangot t-talaga." Tapos, napapunas ulit ako ng luha.

December 16, 2008

[Insert Author's Note: Nagkamali ako sa dates, don't mind it much nalang muna. *Peace* Tsaka isipin niyong nasa future sila... basta current day April 6, 2019 Sakyan niyo nlng trip ko]

Dear Journal,

Dear Journal?! yun yung panimula niya? I swear mas maganda kung Dear Diary. Haist, Kulangot ka talaga kahit kailan. Tumulo na naman yung p*steng mga luha ko kaya wala akong nagawa kundi punasan ito ulit.

I'm sorry nahulog kita sa tubig under the bridge. Nagalit tuloy si Saoirse sa 'kin. I'm sorry that I have to find you after ko siyang nawala. I'm so sorry, sana ako nalang ang namatay at hindi siya.

Tapos, may mga droplets ata ng mga tubig doon na natuyo kasi may pagkasmudge yung natuluan. I ran my fingers through it. Umiiyak ba si Neil habang nagsusulat sa Diary ko?

Sa sumunod na pages, hindi na Dear Journal ang nabasa ko roon kundi pangalan ko.

December 15, 2011

Dear Saoirse,

It's been years. Namimiss na kita. I'm really sorry. All these girls na nakilala ko, hinding-hindi ka mapapalitan. Saoirse, si mom at si dad nag-away na naman. Bumalik na naman ang galit ko sa kay mom. Bakit ganito lahat ng mga babae? Bakit iba sila sa 'yo?!

Tapos sa sumunod na pages, mga 1 year or months yung mga agwat bago ang next entry. Imbes ang Journal ang sinusulatan niya, naka-address sa 'kin yung sulat. Ako yung sinusulatan niya.

February 14, 2012

Dear Saoirse,

Happy Birthday, kung nandito ka sana edi sabay nating naicelebrate yung 11th birthday mo. O ayan, pareho na tayo ng edad just like what you always tell me. Hindi ako madalas magkwento pero gusto ko lang malaman mo na nagpapacelebrate parin yung mga Sandoval ng birthday party kahit wala ka, just a reminder of you.

Hai, Naalala ko that time, alam kong totoong birthday ko 'to pero pinilit ko 'yung kalimutan. I told myself na April na ang bagong birthday ko, well it's Lorraine's actually.

June 11, 2012

Dear Saoirse,

Pasukan na at hanggang ngayon, hindi ko parin nakukumbinsi sina mom at dad na itigil ang paghohomeschool ko. Mabuti pa si Ray, nasa PA na. Sinunod ko naman ang sinabi mo noon e, pero palaging pare-parehong mainit ang ulo namin ng mga magulang ko. Ayoko na talaga sa bahay, puro away. Sana nandito ka para may escape ako sa impyernong bahay na 'to.

December 15, 2012

Dear Saoirse,

I miss you so much. Kamusta ka na? Alam kong hindi mo ako kakamustahin pabalik dahil galit ka sa 'kin pero I'm not fine at all. I killed someone and it's you. Sa lahat ng tao, ikaw pa. Itinago ko 'yun kina mom at dad at sa lahat. Pero ano mang pilit ko, hindi parin mawala-wala sa isip ko na ako yung dahilan kung bakit ka namatay. Pero sabi ni Carlos, dapat magmove on na raw ako dahil 4 years na ang nakalipas. Well, I'm trying.

Love Behind A Thousand LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon