Chapter 42

939 45 5
                                    

Heaven's POV

Bakit naman sinabi ni tanda yun? Papayag kaya si Godee? Bago umalis si Geezer may sinabi siya sa'min ni kuya. Magkakaroon na raw ng Fiance si Godee at dito lang daw yun nakatira sa Skyline Village. Kaming dalawa lang ni kuya ang nakaka-alam tungkol sa magiging fiance niya. Tsk. Matigas pa naman ng ulo ng twin ko. I'm sure, hindi siya papayag. Kahit nga si Kuya Blade ay against sa fiance thingy na yan kaso wala siyang magawa dahil kautusan iyon mula sa taas na kailangan sundin.

"Twin, may race na magaganap mamayang 10:OO PM sa Race Track. Bigbike Race Level. In ka ba?"
Saad ni Godee ng makapasok siya dito sa kwarto namin. "Inaabangan ka rin ng lahat na sumali." aniya pa. Kumunot ang noo ko. Bakit biglaang may karera sa Underground Society?

"Wala pang Race Tournament bakit may karera sa Race Track?"
Race Track ito ang lugar kung saan ginaganap ang mga karera nahati ito sa dalawang division ang Sports Car Race Level at Bigbike Race Level. Each theme kami ang nangunguna ni Twin.

"Ewan ko. Alam mo namang hawak ng World Government ang Race Track kaya sila lang ang nakakaalam." Sila ang nasa itaas na nagpapatupad ng mga batas sa bawat bansa. Ang pamahalaan. "Though, nalaman na yata nila na mga Hunterose tayo simula ng lumipat tayo sa School ni Kuya." The only name we use are Sky Heaven and Sky Godee. Kaya akala ng mga taga World Government 'Sky' ang surname namin ni Twin. Kaya minsan naiinis kami kay Kuya kapag tinatawag niya kami sa buo naming pangalan. Nagmamayabang kase amp.

"I'm in"
Tamad kong wika.

"You sure? Hindi kita masasamahan ngayon dahil may gagawin pa ako."
Psh. Sabihin mo tinatamad ka lang.

"Weh?"

"Oo nga hahahahahaha! Kailangan kong mag aral ng maigi sa Accounting, twin. Utos sa'kin ni tanda na inutos naman sa kanya ni mom." Pffffttt... Kaya pala hahahaha! Kung may kinakatakutan man si Godee ay walang iba kundi ang aming ina. Hahahahahaha!

"Ok sige, solo fight ko pala ngayon."

"Hmm, ganun na nga hahahahaha! Pasensya ka na, wala akong laban sa commander natin eh hahahaha! Boss pa naman ni Satanas yun."
Pareho kaming nagtawanan ni twin sa sinabi niya. "Wait, si Worth na lang ang isama mo, twin." suggestion niya pero umiling ako.

"Hindi pwede baka pagbawalan pa akong mag race non."
Ngumisi ng nakakaloko si Godee.

"Wews, bukod sa inang reyna natin. Sumusunod ka rin kay Worth hahahahaha! Whipped!"

"Lul, hindi naman sa ganun. Alam mo naman buhay ko ang taong yun hahahahaha ayaw ko lang siyang madamay sa payapa nating mundo hahahahahaha!"

"Matagal na siyang nasa magulong mundo twin. Sperm pa lang siya ng tatay niya magulo na ang mundo natin hahahhahaha!"

"Pakyu hahahahaha!"

"Pakyu too twin, hahahahhaha!"

Age of 15, nagawa namin ni Godee na mabuhay bilang independent na mga babae. Paalis - alis kami dito sa mansion dati dahil madami ngang batas sa pamilya namin at nakakayamot intindihin iyon. Ang hindi rin namin maintindihan ay bawal kaming lumabas dito sa bansa. Age of 15 hanggang ngayon na 20 na kami ay hindi pa rin kami nakabalik sa Russia which is halos lahat ng mga Hunterose ay nandoon nakatira at lumaki. May family reunion kami buwan buwan ngunit ginaganap iyon dito sa bansa. Minsan naman doon sa Russia kaso si Kuya lang ang palaging nakaka-attend. At syempre may pagka-isip bata si Godee kaya naisipan niyang lumayas kami dito sa Mansion ng tatlong taon. Hahahhahaha! Masaya rin ang adventure naming iyon. Tipong stress na stress si kuya sa'min kakahanap. Sabi pa nga nila, muntikan ng ma-depressed yun dahil nangungulila na siya sa'min. Sobrang miss niya na kami. Hahahahahahha! Tatlong taon ba naman kaming hindi nagpakita sa kanya pero siya araw araw naming nakikita. Tambayan namin noon ang Main Headquarter ng ACES at tuwing pumupunta kami doon ni twin hindi kami napapansin ni kuya. At saka, minsan lang din siya pumupunta doon dahil nga busy siya sa eskwelahan niya at sa mga negosyo niya. Ang palagi niyang pinapapunta doon ay sina Worth at Ryder for urgent meeting and Reports.

"Anong gagamitin mong bigbike, twin?"
Tanong sa'kin ni Godee. Hinahanda niya ang susuotin kong damit para sa karera.

"My Black Kawasaki Ninja H2R. Nga pala, si Ozi pakitignan kung ayos na ba siya."

"Pfffttt... Ikaw naman kase hahahahaha! Alam ko mabuti na ang lagay niya ngayon. Binabantayan siya ni Desdes."

"Cool"

Pagpatak ng alas nuebe, aalis na ako sa mansion. Bumugtong hininga ako at nagtungo sa kusina upang mag timpla ng kape. Saka ako pumunta sa kwarto ni Worth. Hindi na ako kumatok at agad na akong pumasok. Naabutan ko siyang may binabasa sa Study table niya. Nilapag ko ang isang tasa ng kape para sa kanya.

"Good evening."
Tamad kong bati sa kanya. Tumigil siya sa pagbabasa at tiningala ako saka siya ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila paupo sa kandungan niya paharap. Agad kong kinawit ang mga braso ko sa batok niya. "Anong binabasa mo?" Tanong ko. Magkalapit ang mukha naming dalawa kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. I love the smell of his breath. Mint and Freshy.

"Book of Economics, Mì Amoŕe. Ikaw, tapos ka na ba?" tamad akong tumango. Sabi sa'min ni kuya may Test kami bukas sa Economics at Accounting kaya kailangan naming basahin ang isang libro ng mga ito.

"Si Godee hindi pa siya tapos magbasa sa Accounting. Paulit-ulit niyang iniintindi."

"Me too, inuulit ko rin ang pagbabasa. Mahirap ang formulas ng Accounting, Mi Amoŕe. At ito namang sa Economics mahahaba ang mga meaning. Iba kase magpa-test ang lecturer natin sa subject na ito kaya kailangan intindihin ng mabuti upang may masagot sa exam."

"Okayyyyyy"

"Aish. Tinatamad ka bang mag-aral? Gusto mo sabay tayo. Dito ka na sa kwarto ko."

"Hahahahhahaha! No need, baby. Tapos na ako. Ayaw ko ng paulit-ulit kapag nag aaral ako. Once na nabasa ko na ito. Ayos na yun sa'kin."

"Naintindihan mo naman?"

"Oo naman hahahahaha!"

"Let's see, kung hindi mo ma-perfect ang exam bukas lagot ka sa'kin. If, ma-perfect mo na naman, ikaw na bahalang magbigay ng punishment sa'kin."

"Hmmm, punishment pala ah. Game!"

"Bakit? May naisip ka na agad na parusa?"

"Meron na hahahahahha!"

"Give me a hint, Mì Amoŕe"

"Hmmm, tatanggalan mo ng kulangot si kuya."

"What? Gusto mo bang magsapakan kami ni Blade?"

"Oo syempre! gustong gusto ko yun hahahhaha!"

"Another punishment, Mì Amoŕe. Wag na yun."

"Tatawa at ngingiti ka magdamag sa klase natin."

"Nope. Ang ngiti at tawa ko ay para sayo lang. Ayaw kong ipakita sa iba, Mì Amoŕe."

Nagsalubong ang kilay ko at nag-iisip ng mga punishment para kay Worth. Pwede rin namang...

'Finger and lick'n good'

Napa-iling ako sa naisip ko. Hindi yun pwede dahil buong puso niya iyong tatanggapin.

"Basta! Humanda ka na lang bukas, Galvez. Magpapatagisan tayo ng talino."

"Hahahahahha! Opo, Mì Amoŕe."

The Badass TwinsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora