Chapter 70

723 43 11
                                    

Dana's POV

"Baby, Can you felt someone na nagmamasid dito sa Mansion niyo?"
Tinignan ko ng masama si Venom ng lumapit siya sa'min ng kapatid kong si Deisiree. Nasa gilid kami ng pool na nagtatampisaw ng mga paa sa tubig ng lumapit ang isip batang ito sa'min nakasakay ito sa salbabidang bilog na may desinyong Spongebob Squarepants cartoon character. Halos lahat sila ay may mga salbabida. At kay Venomous ang agaw pansin dahil Barbie ang design nito.

"Baby mo mukha mo, huwag mo ngang tawagin ang kapatid ko na baby. Hindi siya kabilang sa mga babae mo, Venom!" singhal ko sa kanya. Halos lahat ng mga comrades naming lalaki ay chick magnet at womanizer pa. Hindi ko naman sila masisisi dahil talaga namang pinagpala lahat ang mga pagmumukha nila.

"Seriously? Comrades, I'm not a womanizer like Kazunari Jun?"

"Hey! Hindi siya babaero noh! Pilyo lang siya tulad mo! Letche! Lumayo layo ka nga sa'min baka masipa pa kita!"

"Hahahahahah! Ang taray mo talaga, Ate Dana."

"Ewwww!!! Don't call me that! Hindi tayo magkapatid!"

"Well soon, magiging brother-in-law mo na ako. Soon, Ate Dana. Hahahahhaha!"

"Duhhhh ayaw kong magkaroon ng pamangkin na may dugong Hunterose. Kanila Heaven pa lang ay na-i-stress na ako. And then, dadagdag ka pa. Sa iba ka na lang pumorma, Venom. Wag sa kapatid ko."

"Aish. Mainit talaga ang dugo mo sa'ming mga Hunterose. Eh, pasalamat ka nga, nakakasama mo ang tulad naming pinagpala ng kalangitan, comrades."

"Ayyy ewan ko sayo. Chu! Chu! Doon ka na nga!"
Tinalsikan ko siya ng tubig gamit ang paa ko pero wala lang sa kanya iyon dahil hinila niya si Deisiree. Fuckshit! 13th ft. ang lalim nitong pool nila Blade. Galit kong tinignan si Venom ng lumubog ang kapatid ko sa tubig. Kinabahan pa ako ng hindi ko pa umaahon ang kapatid ko. Sisigaw na sana ako upang humingi ng saklolo ng lumutang si Deisiree doon sa kabilang side. Nagplo-floating siya.

"Wow. She's amazing, comrade"
Puri ni Venom. At pinuntahan si Deisiree.

"Ayaw mo bang mag-swimming?"
Tanong sa'kin ni Jun. Tumabi siya ng upo sa'kin at pinatong niya rin sa balikat ko ang dala niyang towel.

"Hmm, wala ako sa mood at saka malamig ang tubig."
Mahinang saad ko ngunit nasa tono ko pa rin ng papanalita ko ang pagiging mataray. Inborn na yun at hindi na mawawala.

"It's Blade's fault. Ayaw niyang ipa-hot spring itong swimming pool."

"He's annoyed kasi sa mga comrades namin. Dapat nga raw, cold water ang dito sa swimming pool para mangisay ang mga isip batang yan."

"Hindi ko pa sila kilala maliban doon kay Silversmith. Nakikita ko siya rito palagi sa Skyline Village doon sa Mansion ng mga Imperial."

"Butler siya ng mga Imperial."

"Hmm"
Sinulyapan ko si Jun saglit saka tumingin sa mga paa naming nakatampisaw sa tubig. Mga ordinaryong mamamayan na kasama ang mga kakaibang tao. Wala silang alam sa mundo ng aming ginagalawan. Sinali sila ni Blade sa magulo naming mundo. Kami nila Heaven na tanging kalayaan ang nais ngunit pinagkait iyon sa amin hanggang sa ngayon. Ang mga taong nasa dilim na siyang nagbabantay sa'min. Lumalabas sa oras ng pahamakan. Me? Threece Helion one of the Destroyer Weapon of World Government. I will be the enemy of this companions, once the chip inside me is activated. Hindi ako parte ng Monstrous Trio Squad. Hindi nila ako kagrupo. Nagkataon lang na naging kaibigan ko si Heaven doon sa Hailstone Prison Cell at siya ang tumulong sa'kin upang makalaya sa impyernong nagyeyelong lugar na iyon. She's my guardian angel. Our Commander. Who sacrificed herself para lamang makalaya kami.

The Badass TwinsWhere stories live. Discover now