Chapter 8

1.4K 62 0
                                    


Heaven's POV

FOUR DAYS LATER so today is freaky Friday. MAPEH lang ang subject namin ngayon. As in Music, Art, Physical Education, and Health. Yan lang ang ituturo ng guro namin no more subject.

~~~Art Classroom~~~

"Class, go to your particular area."
Anang guro namin sa Art sub. Si Professor Santos.

Pumunta ang mga kaklase namin sa kanila kanilang pwesto habang kami ni Twin nakahalukipkip lang dito sa isang tabi.

Tuwing MAPEH pala dito ay lumilipat kami ng room.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong Art room. So many paintings, small sculptures, animal figures, mosaic tile, abstract and more. Pamilyar sa'kin ang ilan sa mga paintings at sa mga nag-paint nito.

Pagdating naman sa mga pwesto ng mga estudyante may mga nakalaan na sa kanila na mga sketch pad na kasing laki ng cartolina at mga gamit sa pang-drawing o pang-paint. Kompleto na lahat.

"Twins, ano pang tinutunganga niyo diyan? Oh I forgot, wala pala kayong pwesto dito."

Saad ni Dana. Psh. Wala pa rin namang nagbago sa kanya still maarte at witch pa rin. Hinahayaan na lang namin siya sa pag-uugali niya dahil masaya naman siyang pagtripan  eh. Saka tang*na sobrang bida-bida niya.
Sa loob ng isang linggo namin dito ni Twin sa Huntress University. Masaya. Masayang pagtripan sila kuya at mga ka-grupo niya. Lalo pa't nalaman namin na sila pala ang mga SSG officer dito sa H.U.

Then ang mga estudyante naman dito is sobrang kay babait at nakakasundo rin namin sila ni Twin na siya namang ikinatuwa nila dahil akala raw nila  snober kami ni Twin.
Mabait kami sa kanila maliban sa mga SSG.

"Heaven, dito ka na lang sa pwesto ko. Share tayo."
Nakangiting saad sa'kin ni DK.

"Godee, ikaw din dito ka na lang din sa pwesto ko. Pwede naman sigurong mag-share ng gamit eh."
Ani naman ni Song kay Twin.

Pareho kaming umiling ni Twin. Sumimangot sila. Sa grupo ni kuya silang dalawa ang ka-good vibes namin pati na rin sina Desiree, Ozi, at si Jun. Mababait naman kasi sila kaya hindi namin sila pinagtritripan.

"Twins, pumunta na kayo sa area niyo."
Sabi ni kuya sa'min.

"Tsk. Nakakatamad mag-drawing eh."
Ani ko. Tumango naman si Twin saka kami nagpunta sa pwesto namin. As asual, nasa pinakadulo at malapit sa bintana.

"Remember Dana, it's our brother's school so we always have a place here."
Wika pa ni Twin ng madaanan namin ang pwesto ni Dana. Tinarayan niya lang kami. Bruha talaga.

"Okey, today you need to paint anything or a scenario that important to you."
Sabi ni Prof. Santos.

"And then, ang may pinakamagandang painting ay masasali sa Best Artwork at madi-display ito sa Museum natin dito sa H.U."
Saad pa niya.
Nagbubulungan naman ang mga kaklase namin.

"Sigurado si VP Dana na naman ang mangunguna sa Best Artwork."

"Kaya nga eh. Magaling siya pagdating sa pagpaint o drawing pa yan."

Tumingin kami kay Dana na pangiti ngiti lang sa harap ng sketch pad niya. Kang tanga lang. Feel na feel ng Bruha ang papuri sa kanya.

"And class, Bawal tumingin sa painting ng mga kaklase niyo. Ang top ten na mapipili namin ng mga kapwa ko Art prof. ay makikita niyo sa monday doon sa Museum's Best Artwork. Now, you have 45 minutes to finish your works."

The Badass TwinsWhere stories live. Discover now