Chapter 80

628 39 5
                                    

Heaven's POV

We're kidnapping you.

Ha! Puta. Gusto ko matawa. Seryoso? Ano bang gusto nilang mangyare?

“Tsk. Dahil kinidnap niyo ako, siguro naman, wala na tayo sa Pilipinas?” Nang kinuha ako kanina ng kupal na yun ay may tinurok siya sa'kin upang mawalan ako ng malay at ilang oras din bago ako nagising. At dito ngang sa kwartong ito na puno ng maganda kong mukha ako naroon.

“Nasa Russia tayo. Sa palasyo ng isang Mafia Lord.” usal ni Kill. Para siyang makina na walang buhay ngunit malamig ang presensya. Simula ng makita namin siya ni twin, hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Cold but Coolest. Gusto mo pa ba ng strawberry?” tanong niya sa'kin. Napansin niya sigurong nakatulala lang ako sa mangkok na wala ng laman. Dahan dahan akong tumango. Malalim ang iniisip ko ngayon dahil hindi ko maiwasang mag-alala kanila Worth. Ayaw ko pa namang makita iyon ng wala sa sarili kakaisip sa'kin.
“Madam Snake, ikuha mo pa nga ng mga strawberries si Heaven.” utos niya kay Miss Ekans. Agad naman itong sumunod at lumabas dito sa silid.

“Alam mo bang bawal ako tumungtong dito sa Russia?” tanong ko kay Kill. Pinagkrus niya ang mga braso niya at sumandal sa sofang inuupuan niya na nasa gilid nitong kama.

“As one of your admirers, I know all about you, Heaven.” hindi ko maiwasang ngumiwi sa sinabi niya saka sumimangot na sumandal sa headboard nitong kama.

“Talaga lang huh? Kung may nakakilala man sa'kin ay walang iba kundi si Worth lang yun.” I said. He smirked cold as ice. Hindi ako nag-iwas ng tingin sa kanya, gusto kong malaman niya na mali sila ng taong dinakip. Psh. Saan ka makakita ng kinidnap pero kanina pa utos ng utos ng kung ano ano? Hahahahahaha! Like, paggising ko kanina, nagutom ako at kailangan ko ng fresh vegetables at prutas na kakainin. Nanglalagkit ako kaya kailangan ko ring maligo dahil may kabaitan din naman si Miss Ekans ayun tinulungan niya akong maligo. Tsk. Takot lang nilang matakasan. Tapos, nag-crave pa ako ng Ice cream na gawa dapat ng Pinas kaya ayun binilhan nila ako. Kung, tutuusin, stress na stress na sila sa'kin dahil nakikita ko iyon sa mata ni Miss Ekans, hahahhahaha! Kulang na lang gusto niya na akong patayin kaso di niya magawa dahil bantay sarado sa'kin si Kill.

“Tss. Tiwalang tiwala ka kay Worth Galvez pero hanggang ngayon wala pa rin siya upang iligtas ka.” umingos ako at nagbaba ng tingin sa mga paa kong may kadena pa rin. Nakaka-irita, kailan ba nila tatanggalin iyang burloluy sa paa ko. Hindi ko naman sila tatakasan kaya hindi ko kailangan ang electric chained na yan. Haist, una sa lahat kailangang malaman ko kung sino ang Mafia Lord nila na tinutukoy ni Owen.

“Nandito kami sa Pilipinas, upang isagawa ang isang mission, iyon ay ang dakipin ka, Ate Heaven. Sumusunod lang kami sa utos ng Mafia Lord namin.” pag-aamin ni Owen sa'min. Pumarito siya sa mansion namin kasama ang kapatid niyang si Sandara. Sakto namang kaming dalawa lang ni twin dito ngayon dahil nasa Huntress University pa ang mga kasamahan namin.

“Mapapahamak ka sa pag-aamin mo, dapat hindi mo na sinabi sa'min.” saad ni Godee. Tumango ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon.

“Ayos lang po iyon sa'kin, hindi ko naman po akalain na makaramdam ako ng konsensya sa mission naming ito. Sa lahat ng mission namin ay ito ang unang beses na nakaramdam ako ng konsensya.” aniya.

“Anong klaseng tao ba ang Mafia Lord niyo?” tanong ko.

“A merciless leader who've been doing Human Trafficking”

“Human Trafficking? What do you mean?”

“He's freak, nasisiyahan siya sa tuwing may pinapahirapan siyang tao especially women. Kilala ka niya ate Heaven, obsess na obsess siya sayo. At nais ka niyang makuha.”

Akala ko noong una, si Kill ang tinutukoy niya pero hindi. Nalaman din naming, hindi pala sila magakakapatid lahat dahil iniligtas sila ni Miss Ekans mula sa malupit nilang amo. Naging tauhan sila ng Mafia Lord na iyon dahil na rin sa tulong ni Miss Ekans. Siya kase ang kanang kamay ng boss nila o sabihin na nating nakakabatang kapatid niya ang Mafia Lord na iyon. Medyo magulo pa ang takbo ng pamilyang ito dahil hindi pa naman namin sila lubos na kilala.

“The Mafia Lord of yours, kasapi ba siya sa World Government?” tanong ko kay Kill. Tumango siya sa'kin. I know it. I just need confirmation. “Isa siya sa mga nagpapatupad ng batas pero siya itong gumagawa ng kalokohan. Human Trafficking huh?” naikuyom ko ang kamao ko. Hindi maaaring magpadala ako sa nararamdaman kong galit. Bawal akong mastress dahil nakakasama iyon sa katawan ko. Kailangan ko pa ring mag-ingat at manatiling kalmado. Kahit papaano ay kampante ako dahil nandito si Kill kahit na alam kong tauhan din siya ng Mafia Lord na yun. Ewan ko ba, may tiwala pa rin ako sa kanya kaya nga hinayaan ko lang na dakipin niya ako. “Sila, Sandara at Owen?” tanong ko.

“Ikaw ang kapalit sa kalayaan ng dalawang batang yun.”

“Ok good.”
Sang-ayon ko at humiga sa kama. Tumayo si Kill at kinumutan ako. Pagkatapos niyang gawin iyon ay wala siyang imik na lumabas sa silid na ito. Tumingin ako sa kisame na may pinta ng mukha ko. Tinitigan ko ang mata nito at ngumisi sabay pag-taas ng gitnang daliri ko.

Fuck you.

Hindi ako tanga para hindi mapansin ang mga nagkalat na invisible dots dito sa silid na ito. Parehong pareho ito doon sa mansion namin. Bawal tanggalin iyon dahil sa oras na gawin namin iyon. May sasabog. Kapalit ay mga buhay. Magaling si Kill dahil naisagawa niya ang maglagay ng mga camera devices sa mansion namin ng hindi namin alam. Nakakaramdam na naman ako ng antok. Humikab ako at pumikit muna.

Sana pagmulat ko ay kasama ko na si Worth.

Godee's POV

“Sana sinabi niyo agad sa'min ang nangyare! Tsk. Kasalukuyang tini-trace ni Tokyo ang mga bombang nagkalat dito sa Skyline Village kaya wag niyo ng alahanin iyon.” wika ni Venomous. Hindi na ako nagtaka kung bakit sila napasugod dito sa mansion dahil kusang mag emergency alert ang Headquarters namin sa oras na nasa panganib si twin.

“Pasensya na, nahuli ako ng dating. May Basketball Tournament sa I. U. kanina kaya naging abala ako.” saad ni Silversmith na kakarating lang. “Nasa Russia ang location ni Commander. At alam na rin ng mom niyo na nandoon siya.” haist. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat maunahan nila Worth sila mom na makahanap kay Twin. Kundi, malilintikan kaming lahat. Pati, na yung taong nangkidnap kay twin.

“Dapat kasi hinintay na lang ni Kill na mag 21 kami bago niya dinakip si Twin. Tsk. Pati siya, malilintikan kay mom.” inis kong usal.

“Mas nag-aalala ka pa kay Kill kaysa kay Heaven? You're nonsense.” mas inis na saad ni Ryder. Tinignan ko siya ng masama dahil sinabihan niya na naman akong nonsense.

“Beautiful Ryder, alam mo naman kung paano magalit ang mom namin sa oras na hindi masunod ang utos niya. She doesn't care who you are, kahit isa ka pang mamatay tao pero sinuway mo ang utos niya, Well, goodbye life ka na lang. Siya na mismo ang tatapos sa buhay mo.”

“Yeah, creepy as you.”
Bakla! Ano bang nakain na naman nito at nagsusungit na naman sa'kin. Hmp! Kanina pa siya wala sa mood.

“I wonder how, I wonder why? Kukukukummm lemon tree.”
Lahat sila ngumiwing tumingin sa'kin kaya kunwareng tumingin ako sa laptop na kinukulikot ni Venom. Desktop wallpaper niya pa ang picture ni Desdes. Well, inuwi niya na rin sa wakas dito sila Desdes at Ozi. Parang wala namang nangyare sa kanila maliban kay Ozi dahil mukhang natuto na ata itong mag combat. Sa Hunterose Academy ba naman sila dinala, sinong hindi matutong makipaglaban doon? It's an school of fighters after all.

“Good news, as always, the flash of ACES Worth Galvez, nasa location na siya ni Commander. But there's bad news, kasabay niyang dumating ang Queen.” anunsyo ni Ocean mula sa kabilang linya. Siya ang sumundo kay Worth dito sa Pilipinas.

“Naku po, paktay na.” usal ng ilan sa'min.



The Badass TwinsWhere stories live. Discover now