Chapter 72

716 41 10
                                    

Godee's POV

"Lima raw silang magkapatid, bunso ata si Sandara."
Saad ni Twin sa'min. Sinulyapan ko si Owen na kanina pa nakatingin kay Heaven. Fanboy din ata ni Twin ang batang ito.

"Edi, ayain din nating mag-swimming ang mga kapatid nila."
Usal ni Dawn. Kasalukuyan naming inaayos ang kakainin namin mamaya at magkakaroon din kami ng Drinking session.

"Busy daw"

"Sus, hindi yan. Tara, puntahan natin."
Inakbayan ko si twin at nilapitan namin si Owen na parang nababalisa at bigla siyang lumubog sa tubig pero yung ulo niya ay nakalutang at nakatingin siya kay Heaven.

"Samahan mo kami sa mansion niyo, Owen." nakangiting saad ni Twin sa kanya. Hindi ito gumalaw pero yung mata niya ay naglilikot hindi makatingin ng deretso kay Heaven.

"Ah... Eh... Ba--bakit po?"
Nauutal niyang tanong ng umahon siya sa tubig. Hindi nakaligtas sa'kin ang namumula niyang pisngi nang nilagyan ni Heaven ang ulo niya ng towel at pinusan ang basa niyang buhok.

"Ayain natin ang mga kapatid niyo."
Saad ni Twin kay Owen na mangingisay na yata sa kilig. Ang pula pula na ng pisngi niya.

"Ah... Eh... Hi---hindi ko po...a--alam kung papayag sila kuya at ate."

"Hmm? Mahihindian kaya nila ang tulad naming maganda? Hahahahahahaha! Basta kami na bahala doon. Samahan mo na lang kami."
Sabi ko sa kanya at hinawakan ang pulsohan niya upang lumabas. Tatawa tawang sumunod sa'min si twin.

Dumating kami sa labas ng mansion nila na walang kabuhay buhay. Sobrang dilim ng paligid. Tulog na ata mga kapatid nila.

Nag-door bell si Owen ng dalawang beses at mga tatlong minuto din kaming naghintay bago bumukas ang gate. Isang lalaking matangkad, business man ang tindig, abong mga mata, at ready to kill kung tumingin ang niluwa ng gate.

"What do you want?"
Malamig nitong tanong sa'min. Napalunok kami ng laway ni twin dahil sa kakaibang presensya nito. Coldness overload. Malamig kung tumingin. Malamig ang awrang nakapalibot. At malamig pa ang boses.

"Kuya Kill, gusto po nilang ayain kayo mag-swimming."
Kill? Patayin? Weird naman ng pangalan ng lalaking ito. Dapat, Mr. Cold na lang o di kaya Mr. Ice. Palipat lipat ang tingin nito sa'min pero kay Heaven huminto ang malalamig niyang mata. Grrrr. So cold.

"Wala akong oras para magsaya. Umalis na kayo at Owen umuwe na kayo rito sa bahay. Maaga pa kayong papasok bukas."
Malamig nitong utos sa kapatid. Sinulyapan ko si Owen na malungkot na tumango sa kuya nito.

"Opo, kuya."

"Wala pa nga silang isang oras mag-swimming papauwiin mo na agad? Tss. You're killjoy, Kill."
Sambit ni Heaven at nakangisi pang tumingin kay Kill na siya namang hindi nagbabago ang malamig nitong awra.

"Tsk. Fine, susunduin ko sila mamaya. May tatapusin lang akong gawain bago pupunta sa inyo."

"Join us in Drinking session."

"Depends in my damn mood."

"Hahahahaha! Sige."

Tumalikod na si twin upang umalis at inakbayan pa nito si Owen saka sabay silang naglakad. Sinulyapan ko si Kill na parang papatay na tinignan ang kapatid niya. Wirdo naman nito. Tinalikuran ko na rin siya at sumunod kanila twin. Umakbay rin ako kay Owen. Pfffftttt. Ang liit niya kasi. Hanggang balikat lang namin siya ni twin.

"Ah... Eh... Magkakilala po ba kayo ni Kuya Kill?"
Tanong ni Owen sa kapatid ko. Tinignan ko rin si Heaven at hinihintay ang sagot niya.

"Kasamahan ko siya dati. Estudyante siya ng Grandmaster namin sa Combat Skills." Kumunot ang noo ko kung may naging estudyante ba si lolo na Kill Guevara? Hmm.

"Hindi ko maalala na naging estudyante siya ni lolo"
Saad ko kay twin.

"Well, hindi mo kasi siya naaabutan kapag nagsisimula na ang klase ni lolo. Palagi kang late dati pagdating sa Combat lesson ni tanda. Wala ka nga yatang kilala sa mga maging estudyante ni lolo eh maliban sa mga pinsan natin."
oo nga pala. Aish. Poor me.

"Ah... Eh... Matagal na rin po pala kayong magkakilala ni Kuya Kill?"

"Not really. Bigla na lang kasi siyang huminto sa pagiging estudyante ni lolo. Dahil lumipat ang pamilya niyo sa ibang bansa. Ang huli naming pagkikita ay nasa Hailstone na ako hahahahaha! Di ko nga akalain na ang laki ng pagbabago niya. Alam mo bang, parehong pareho kayo ng kuya Kill mo sa tuwing kakausapin niya ako dati ay nauutal din siya at nagba-blush pa yung pisngi niya. Tss. Tapos ngayon, nasobrahan sa siya sa lamig." pailing-iling na usal ni Heaven. Pero, pansin ko ang kalungkutan sa mata niya. Kasalanan niya ba?

"Ah... Eh... Ma---may... Problema lang po talaga si Kuya Kill na kinakaharap ngayon kaya ganun ang pakikitungo niya sa inyo. Mabait po at maalahanin, maski nga po lamok ay ayaw niyang mapadapuan sa'min ng kapatid kong si Sandara."

"Hmm, mabuti naman at hindi siya strikto sa inyo."
Saad ko kay Owen.

"Minsan po hahahahah pero ayus lang yun."
Pffffttt... Gusto kong tumawa dahil hindi siya nauutal sa'kin pero pagdating kay twin. Namumula mula pa ang pisngi niya.

Ryder's POV

"Help! Help! Help! I'm gonna die! I'm gonna die!"
Sumakit ang ulo namin ng tumingin sa mga isip bata sa swimming pool. Nagkukunwareng nalulunod si Silversmith. Eh, nakasakay naman siya sa salbabida niyang si Peppa pig ang design.

"Helpppppp meeeee tooooo!!! Nalulunodddddd ang paa koooo!!!"
Sunod na sigaw ni Tokyo. Akala namin walang papansin sa dalawa pero ganun na lang ang gulat namin ng tumalon si Sandara sa pool at nilangoy ang pwesto ng dalawang nagsusumigaw ng tulong. Tumigil lang sila ng mapansin ang dalagang hinawakan ang pulsohan nila at hinila sila papunta rito sa gilid ng pool.

"Uhm, ah, ayos na po ba kayo?"
Inosenteng tanong nito kanila Tokyo at Silversmith na nakatulala lang sa kanya at hindi nakapaniwala sa ginawa niya. Natataranta ang bata ng hindi sumagot ang dalawa.

"Patay na ba sila?"
Inosente nitong tanong sa'min. nanginginig ang kamay niya at anytime gusto niya ng umiyak.

"Hindi ko sila naligtas? Nalunod na sila. They're already dead." inosente niyang usal pero para na talaga siyang maiiyak.

"Hoy! Magsalita nga kayo! Mga kupal amp." bigla sabi ni Godee sa dalawang isip bata.

"Hala hahahahaha! Thanks sa pagsagip, baby girl."
Sabay na bigkas nila Tokyo at Silversmith. Umahon na rin sila sa tubig at pinat ang ulo ni Sandara na lumiwanag na ulit ang mukha.

"Nailigtas ko sila, Kuya Owen!"
Tuwang tuwa nitong sambit sa kapatid na nginitian lang nito.

"That's your achievement, Dara."
Sabay naming nilingon lahat ng may magsalita mula sa bukana nitong pool.

"Kill..."
Usal namin nila Worth at Blade sa lalaking daig pa ang yelo sa sobrang lamig nito.

"My Heaven invited me for this Night Swimming party."
Malamig niyang saad habang nakangising nakatingin kay Worth. Nagtatagisan sila ng masamang malamig na tingin.

The Badass TwinsWhere stories live. Discover now