Chapter 2

2K 72 4
                                    

Godee's POV

Napabuntong hininga kami ng kambal ko dahil sa ka-OA-han ng mga kasama namin dito sa office. Talagang sila pa ang nagulat ng sabihin ni Tita Solar na doon na kami sa Huntress University mag-aaral. Lalo na yung Dana na napatayo pa sa gulat. Tsk. Witch.

"Pero... Mrs. Sullivan, Bakit po sa school namin sila mag-aaral? Alam nating lahat na bawal sila roon."

"Dana, hindi ako nagdesisyon nito. May nag-utos lang sa'kin na ipatransfer sila sa H.U."

"Duh! Basta! Hindi sila nababagay doon kahit nga dito sa Sullivan University hindi sila karapat dapat dito eh. They are low profile."

Natutuliglig ang tainga ko sa ka-artehan nitong ni Dana. Umalis ako sa pagkakasandal sa pader saka lumapit sa kanya. Binatukan ko siya! Na sobrang lakas na muntik niya ng ikasubsob sa sahig kung hindi lang siya nasalo nong lalaki na pumangko sa kanya kanina.

"Ouch!!! Who the hell are you para batukan ako?!"

"Tang*na... Manahimik ka nga!"

Saad ng kambal ko na lumapit din pala rito saka tinulak niya si Dana dahilan para bumagsak ito sa sahig kasama yung lalaki na naka-alalay sa kanya.

"Weak"

Nakangisi naming saad ni Twin saka kami lumabas sa office ni Tita.

"Twins, wait...sandali!"

Huminto kami ni Twin saka nilingon yong sumigaw. Dalawang lalaki sa exchange students. Different sizes. Isang payatot. Isang chubby. Pero pareho silang cute.

"Bakit?"

"Ahm... Ano... Kami na ang humihingi ng tawad sa sinabi ni Dana sa inyo kanina. Pagpasensyahan niyo na ang ugali niya."

Kumunot ang noo ko. Bakit sila pa ang humihingi ng tawad eh kami nga yong may ginawa sa kanila. Tsk.

"Okey lang yun, hindi naman kami na-offend sa sinabi niya eh."

Nakangiting saad ni Twin. Pansin ko pang parang nagliwanag yung mukha nong payatot este hindi naman talaga siya payatot tama lang ang size ng katawan niya sa edad niya.

"Ang ganda talaga ni Heaven, Pards"

"Kaya nga eh pero para sa'kin mas maganda si Godee"

Mga gagong toh. Nagbulongan pa sa harapan namin. Okay sana kung hindi namin narinig eh. Tss.

"Uhm... Pwede bang magpakilala sa inyo?"

Tanong nong payatot na halatang may gusto sa kambal ko.

"At bakit naman kayo magpapakilala sa kanila? Especially to my girlfriend Heaven."

Saad ni Sun. Sumunod pala ito sa'min. Nasa likoran naman niya yung mga kasama ng dalawang lalaking toh. Tapos na siguro ang pag-uusap nila roon sa office.

"Wha... What? Girlfriend mo si Heaven?"

Hindi nakapaniwalang tanong ni Dana. Hindi pa pala namatay toh. Hindi siya pinansin ni Sun dahil pumunta na ito sa tabi ng kambal ko at umakbay na naman.

"Yeah, She's my girlfriend. Hindi ba halata?"

"Ano... Halata naman... Talagang ngayon lang namin nalaman na may girlfriend pala ang isa sa Top Handsome Bachelor Worldwide."

Ani ni Dana. Kita ko pa kung paano kumuyom ang kamao niya at tinarayan ang kambal ko.

"Let's go! Mag group date muna tayo bago umalis ang twins dito sa S.U.,right Íťökö?"

The Badass TwinsWhere stories live. Discover now