Chapter 59

732 39 19
                                    

Ryder's POV

Hindi umuwe ang kambal dito sa Mansion kagabi. Naghihinala na si Blade sa kanila kung kasapi ba sila sa Calixtus. Ako rin naman, hindi ko maiwasang maghinala. Kasundo nila ang Slay De La Costa na iyon na anak ng isang Senator sa World Government.

'Commander din ang tawag niya kay Heaven.'

Malinaw na kasali sila sa Calixtus at matataas ang Ranking nila.

Nag-alala pa ako kay Worth. Bilang kaibigan niya dapat umuwe rin siya rito sa Mansion. Sa ibang lugar siya nagpalipas ng gabi.

"Let's go guys, mahuhuli na tayo sa klase!" aya sa'min ni Dana. Magaling na siya at mataray pa rin. "Dawn! Ano ba! Wear our proper uniform!" singhal niya sa kapatid na naka-civilian na naman. "Plinansya ko na nga iyon para hindi gusot gusot ang suot mo. Goshhh."

"Sorry heheheheh, My bad."
Tinarayan lang siya ni Dana na ikanatawa niya lang saka siya pumanik sa taas upang magpalit ng damit.

"Himala sumunod sayo yun?"
Puri ni Blade kay Dana na ikina-ikot lang nito ng mata.

"Duhhhh, ako pa rin ang panganay sa'ming magkakapatid at kailangan niyang sumunod sa'kin."

"That's our Dana!"
Ginulo ni Blade ang buhok niya na ilang oras niya yatang inayos iyan.? Nag-uusok ang ilong niyang tinignan ng masama ang leader namin.

"Don't ruin my hair, Hunterose!"

"Oh? The real Dana is back. Hahahahaha! Ayusin mo na lang ulit."
Ginulo pa lalo na ni Blade ang buhok niya kaya nagpapadyak siya sa inis.

"Gosshhh!!! Maligno ka!"

"Ako? Maligno? Sa gwapo kong ito?
Lapastangan ka, Dana."

"I don't care, Blade! Mauna na nga ako sa inyo! May sundo ako sa labas kanina pa naghihintay. Bye comrades!"

Comrades? Nagkamali siya ng tawag sa'min. That call sign are for the Monstrous Trio squad member's only.

Dahil nakapaghanda na ang lahat maliban kay Dawn. Sumunod na kami kay Dana. Naabutan namin siya kasama ang isang lalaki na tinatali ang buhok niya. Tokyo. Anong ginagawa ng kriminal na yan dito?
Sinulyapan ko si Jun na nag-iwas ng tingin sa dalawa.

"Bakuran mo. Now na." bulong ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin saka mabibigat ang hakbang na nilapitan ang dalawa. Hinawakan niya sa pulsohan si Dana.

"Let's go."
Marahan niyang hinila si Dana mula kay Tokyo na buong puso naman binitawan nito ang kaibigan namin. Nauna sila Jun at Dana naglakad habang magkahawak ang mga kamay. Edi wow. Sila na. Holding hands while walking. Medyo malayo na ang distansya ng dalawa sa'min ng lumabas na sila Blade at Dawn sa mansion. Sumama agad ang timpla mukha ni Blade ng makita si Tokyo.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito!" Napa-iling ako. Disgusto talaga ni Blade ang mga kapwa niya kriminal.

"Hi, comrades!"
Hindi pinansin ni Tokyo si Blade bagkus bumaling siya kay Dawn at ningitian ito.

"Helllooooo, Tokyoooooooooo!!!"
Makulit na bati ni Dawn sa lalaking kriminal na ito. Kaya lalong nag-alburuto si Blade sa inis. At iniwan na kami. Sumunod siya kanila Jun at Dana.

"Maldito pala ang Blade na yun? Akala ko pa naman siya na ang pinakabanal na tao sa buong mundo." saad ni Tokyo at tumabi sa'kin. Feeling close naman ang isang toh. Isang miyembro ng Calixtus kasabay namin sa paglalakad. One of the highest rank. Tokyo. Sikat sa buong mundo dahil sa mga Firearms Factories nila. Hindi ko alam na kaibigan pala siya nila Dana at Dawn. Wala akong matandaan na may connections ang mga Miller sa pamilya ni Tokyo. Maybe, sa kanila bumibili ng mga firearms si Tito Dusk.

The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon