1

200 9 0
                                    

Maganda ang aking gising ngayong umaga. Bukod sa liwanag na dala ng araw na tumama sa aking mga mata na lumusot sa mga kurtina na nasa bintana na tila'y hangin dahil sa sobrang galing makalusot ay sumalubong din sa'kin ang mga magagandang mata ng aking anak na nakatitig lamang sa'kin, marahil ay hinihintay akong magising. 

"Gyood morning, Mommy!" Masiglang bati nito kahit hindi pa ito nakakapag-almusal, tumawa ako at hinila siya papalapit sa'kin. "Good morning, baby." Hinalik-halikan ko ang mga malolobo nitong mga pisngi. 

"How's your sleep? Was it good?" May galak itong tumango at dumapa sa aking ibabaw. "Mommy, I'm hungry." Ngumuso ito, isa ito sa mga ginagawa niya kapag siya ang nauunang magising sa'ming dalawa.

I sometimes tend to oversleep which will leave my daughter whining and crying because of hunger. Ilang beses na iyong nangyari at laking pasasalamat ko talaga ay chinecheck din siya ng aming mga kasama sa bahay. 

She knows how to fully walk naman na but she's still having a hard time standing up kaya madalas ay gumagapang ito. That's what she's good at, ang gumapang nang napakabilis na animoy bulate sa sobrang bilis gumalaw. 

"You're hungry na?" Tumangot ito at ipinikit-bukas pa ang kanyang mga mata. Her doe beautiful eyes. Her doe eyes made her look like as an angel who came from above which I believe where she really came. Ang kanyang mahahabang pilikmata ay kinaiinggitan ng maraming bata, kahit nga iyong mga teens na nasasalubong namin kapag kami ay nagmamall. 

"Okay, let's get you something to eat." Umupo na ako mula sa aking pagkakahiga sa kama. Ibinalik ko siya muli sa kama at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nakakaya niya naman nang bumaba sa kama at wala naman akong aalahanin doon dahil kaya niya naring ibalanse ang sarili, bukod doon ay hindi katamtaman lang din ang taas ng kama mula sa carpet na nakalatag sa sahig kung saan nakapwesto ang kama namin. 

"Juwy Eloira." Tawag ko sa buong pangalan nito para kunin ang kanyang atensyon. "Let's go downstairs." Humawak siya sa isa sa mga paa ng aming kama at tinulungan ang sarili na makatayo. Dahan-dahan itong naglakad papunta sa aking kinatatayuan habang inaabot ang aking kamay na nakalahad na sa kanyang harapan.

Pagkababa ay masiglang binati ni Juwy ang mga kasama namin sa bahay, mabilis silang napangiti. Juwy is very close to our maids, kapag may ginagawa ako ay nakikipaglaro lamang siya sakanila sa kwarto niya o sa sala, madalas ay sa veranda kapag ginagabi ako dahil pumupunta akong New York para kunin ang papeles kay Marco na ipinadala sakanya nila Mama.

When Juwy turned two years old almost six months ago, roon na bumaba sa pwesto si Papa at ibinigay na sa'kin ang kompanya. He gave it so me secretly at tanging nakakaalam lamang ay ang aking pinsan, si Marco, at sina Ate at Kuya.

Si Marco ang katulong ko sa pamamahala. Ang pinsan ko naman ay siyang nagtatawag ng meeting kapag hindi ako nakakauwi.

I've been into Philippines for the first time in two and a half years for four times already. Walang nag-iingay sa aking pagbabalik dahil tahimik din naman akong bumabyahe pabalik.

Juwy has never been into the country, and she never asked about it either which is a good thing. Dadalhin ko rin naman siya sa Pilipinas kung saan talaga siya nakatira pero hindi ko maipapangako na magtatagal kami roon. 

I do not know how fate really works and I hate how it works very dirty. Sapat na ang naging karanasan ko at ayaw kong magaya ang aking anak sa'kin. 

Nung tanghali rin naman na iyon ay lumipad ako kasama si Juwy papuntang Florida para um-attend ng isang business conference. I have attended a lot of conference na kasama si Juwy.

She just sits beside her nanny outside waiting for me, nagdadrawing lang ng kung ano-ano sa dala niyang drawing pad. Kung kamukha lang nito ang ama niya, sigurado akong makakaabot agad sakanya ang balita kung nasaan kami ngayon. Juwy resembles me a lot at siguradong akong magiging ganoon din siya sakanyang ama kung sakali ngang mas nakuha niya ang facial features nito but luckily, hindi. 

Tumagal nang halos tatlong oras ang meeting at hindi na ako nagtaka roon, luckily, Juwy doesn't get bored too easily at kung nabored man siya, maghahanap lamang siya ng mahihigaan at makakain, tatahimik na siya at babalik sa pagdadrawing.

"Mommy." Agad na nagpabuhat si Juwy sa'kin nang makita akong lumabas. "Sorry it took a while." Ngumiti ako sakanya bago nilingon ang kanyang nanny na ibinabalik na sa loob ng mini backpack ni Juwy ang mga gamit na nilabas niya.

"You can go now." Sabi ko at inabot ang bag ni Juwy na kanyang inilahad. "Will do, ma'am."

"Bye, ate." Kumaway si Juwy sakanya. Nginitian niya ito bago naunang maglakad. 

"Mommy, where are we shaying?" Inosenteng tanong nito habang isinusuot ko sa kanyang balikat ang kanyang backpack. "At some resort, we'll be meeting someone there." Ngumiti ako bago naglakad palabas. 

"Really? Who?" Our driver opened the backseat door for us, sumakay muna ako bago sinagot ang tanong ni Juwy na hindi na makapaghintay kung sino ang aming kikitain. Masyado na itong nacucurious at kapag hindi ko pa ito sinagot ay iiyak ito at magtatampo. 

"Mommy, who?" Nakangusong tanong nito at pinikit-bukas pa ang mga magaganda niyang mata. Oh, baby, you don't need to do that, your eyes are already beautiful enough to charm everyone.

"You'll see." 

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon