27

204 9 2
                                    

Gulat at hindi pa napoproseso sa aking utak ang kanyang sinabi ngunit nagpatuloy siya sa pagmamaneho, mas bumilis ang speed ng sasakyan ngunit may pag-iingat parin naman lalo na't experienced driver na rin siya at alam niya ang puwedeng mangyari once na mawala siya sa pokus.

Juwy wants to see me? Did I hear that right? Juwy wants to see me?!

Halos hindi ko na makontrol ang sarili dahil sa saya. He said it himself! My baby wishes to see me! Is she not mad anymore? Okay naba siya? Does she really want us to talk o niloloko lang ba ako ni JK. Hindi ko na maipirmi ang sarili at gusto nalang lumipad sa kinaroroonan ng aking anak.

But what if he's lying? What if he's just telling me lies? Pero imposible naman diba? Siya ang nakasama ng anak ko sa dalawang linggo, he could have explained it a bit kung bakit ko nagawa iyon dahil alam niya naman kung bakit.  He probably gave her an idea pero hindi parin naman tayo sigurado kung iyon nga ang kanyang ginawa. JK's mind is sometimes hard to read, kung kaya kong huwag magpakita nang emosyon, kaya niya rin iyon, mas maitatago niya lang ng maayos.

"Siya mismo ang nagsabi, she even reminded me not to forget it," biglang dagdag nito. "When did she say it?"

"Bago ako umalis,"

T-then that means, he's saying the truth! Totoo ngang gusto na akong makita ng anak ko!

Kaya pagkaparada niya sa garahe ng bahay nung dalawa ay mas nauna pa akong bumaba, ikinalma ko ang aking sarili bago naglakad papasok, si JK ay nakasunod sa aking likuran.

"Oh, andyan kana pala!" ang pinsan ko ang unang nakapansin sa'kin, nasa kusina siya at may suot na apron, mukhang siya ang magpresinta na magluto.

"Nakatulog kakahintay, nasa kwarto," mabilis na sagot niya bago pa ako magtanong kung nasaan si Juwy. "Napagod maglaro," dagdag niya pa. "Nagluto pala ako nang Afritada! Try and taste it!" hinila niya ako papunta sa may stove. Kumuha siya ng maliit na kutsara at tinanggal ang takip ng kaldero, medyo nagbabubbles na iyong Afritada pero hindi niya pa pinapatay ang kalan, mas masarap nga naman kasi kapag mainit mong kakainin ang ulam.

"It's my first time kaya pwede kahit bad comment," sabi niya at sinubuan ako. "Kahit hindi ko pa natitikman, alam kong hindi papasa sa expectation," napunta ang kanyang mga mata sa lalaking nanonood sa'min. "Sinong may sabi na kakain ka rito?"

"Juwy." simpleng sagot niya, inirapan siya ng aking pinsan. "Sulsol ka rin ng sulsol e no," umismid nalang si JK sakanya at naupo roon sa stool sa may kitchen island. "Kulang ba sa condiment?"

"Not at all, sakto lang ang lasa, masarap siya, considering it's your first time." tumili ito at niyakap ako. "Pwede na ba ako magtayo ng restaurant?"

"Kung gusto mo, ikaw naman ang bahala," sagot ko. "Si Marco pala? Hindi ko napansin sa salas." kakaiba na ang tingin na ibinigay sa'kin ni JK nang marinig ang pangalan ni Marco mula sa bibig ko. Nakakapaso iyon at kapag nilingon ko siya ay sigurado akong matutupok ako ng apoy.

Atsaka bakit ba ganyan siya makatingin?

Pagkatapos ng ilang minuto ay pinatay niya na rin naman ang stove at nagsalin ng ulam sa malaking bowl, ako naman ay tumulong sa paghahain sa mesa habang si JK ay ginising si Juwy. Hindi pwedeng makaligtaan niya ang dinner, hangga't bata pa siya, gusto kong masusunod niya ang pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Extra nalang iyong meryenda at midnight snack.

"Umuuwi lang 'yan si JK kapag nakatulog na si Juwy, tapos kapag umaga naman ay pagpunta niya rito ay gising na si Juwy at nakaabang sa may bintana," kwento ng aking pinsan, nakaupo na sakanyang upuan. "Buti at 'di ka nadidisturbo,"

"Anong hindi? Sawang-sawa na ako makita ang mukha niyan,"

"Pero rati..." inirapan niya ako. "Dati lang iyon, si Marco na ngayon."

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon