16

113 5 0
                                    

Kahit hindi ko man aminin, alam ko sa aking sarili na nakaramdam ako ng takot sa huling sinabi sa'kin ng pinsan ko bago ako nagpaalam sakanila na uuwi na kami ni Juwy. Hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng kanyang mga salita. Kung ano-ano na ang aking iniisip para lang makumbinsi ang aking sarili na magiging maayos ang lahat, titigil na siya sa kanyang ginagawa but wake the fuck up, Chewy. Stop daydreaming, your life ain't fiction.

"Juwy, look at Mommy," hindi nagpatinag ang aking anak at nanatiling sa malayo ang kanyang tingin. Noong magising siya nung umaga kahapon ay hindi ako nito kinausap, alam kong nagtatampo ito but I never thought na aabot pala ng lagpas isang araw ang panunuyo ko sakanya. She did talk me yesterday pero tanging maliliit lamang na mga salita ang kanyang sinasabi sa'kin.

I know how important our mother-daughter bonding for her, dahil nga busy ako tuwing weekdays, hindi niya ako madalas na nakikita at tanging dalawang araw lang. And her weekend was ruined, excited na excited pa naman daw ito nung Sabado at maagang gumising para maghanda.

Bumuntong-hininga ako. "Mommy's very sorry for cancelling our bond, something came up with Mommy's company that's why I had to cancel it," I told her with my softest voice, akala ko ay titignan na ako nito pero hindi pala, ngumuso lang ito, pinapakita na hindi sapat ito para mawala ang kanyang tampo.

Tumingin ako sa relos ko at nakitang kalahating oras na lamang ang natitira sa'kin bago magsimula ang klase. Pwede naman akong um-absent ngayon pero ayokong mas mahirapan pa ako sa pag-aaral ko ngayon, maraming pwedeng mangyari sa isang araw na hindi ka pumasok at mahirap maghabol. And besides, kailangan ko pang kausapin si Ate Shirae tungkol dito, hindi ko na hihintayin pa na sa isang araw na lang kami mag-usap kung pwede namang mamaya.

"Mommy needs to go now, Juwy. I promise I'll make it up to you, ha?" Hinawakan ko ang kanyang maliit ngunit matabang pisngi at dinampian ito ng halik. "Be good, okay?" Tumayo na ako, tatalikuran ko na sana ito nang marinig ko itong magsalita.

"Is Juwy not important to Mommy anymore?" Nilingon ko ito at nakitang tinitignan na ako nito, ang mga mata ay maluha-luha na at nagbabadya na iyong tumulo. Lumuhod ako ulit at pinunasan ang kanyang mga mata. Oh, baby, you don't know how important you are to me.

"You are," Sagot ko.

"Then why didn't you pick me up?" Mabilis na tanong niya.

"Our company faced little problems while I was still in there, as much as I don't want to cancel our bonding time, I had to in order to resolve the mess as quickly as possible," As quickly as possible? Ni wala nga akong nagawa nung Sabado nung nagpakita siya at nagkulong lamang sa aking opisina.

She looked down, staring at the ribbon of her dress. "Mommy really need to go to school, Juwy. Let's talk soon, okay?" she nodded her head. "Let's go inside, Juwy. Tito Marco has prepared your chocolate fountain," sabi ng aking pinsan, tumango naman si Juwy at hinawakan ang kamay ni Marco. "Ingat," sabi ni Marco sa'kin bago iginiya papasok ang aking anak.

"Dinaig pa ako kung magtampo," komento niya. "Kakausapin mo si Ate Shirae mamaya?" tumango ako sakanya. "Mauna na 'ko, kayo na munang bahala sakanya," pagpapaalam ko bago tuluyang umalis.

Hindi mawala-wala sa aking isipan sa buong byahe ang pagkikita namin ni JK, kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyayari sa mga susunod na araw. O baka nga oras. Wala pa akong nabubuong plano sa aking isipan kung sakaling magkrus ang aming landas ulit, lalo na kung kasama ko si Juwy sa mga oras na iyon.

Anim na minuto bago magsimula ang klase ay tsaka ako nakarating sa aming campus, dali-dali kong kinuha ang aking bag at mabilisang lumabas sa'king kotse at ni-lock ito bago tumakbo papunta sa aking klase.

"Ba't ngayon ka lang?" Salubong nina Ate sa'kin, halos puno na rin ang aming klase pero may iilan paring bakanteng upuan, mine included. Siguro iyong iba ay dumaan saglit sa cafeteria at bumili ng makakain.

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon