34

163 8 0
                                    

Nanggagalaiti sa galit niya akong tinignan, umuusok na sa galit ang kanyang mga mata at maya-maya siguro, susugurin niya na ako at iuuntog ang aking ulo sa counter. Akala niya ba hindi ko siya papatulan? Kahit magrambulan pa kami rito ngayon din, hindi ko siya uurungan. Pamilya ko na ang ginugulo niya, ilalagay ko siya sa dapat niyang paglagyan.

"Asan siya?"

"Andito ako tapos hahanapin mo pa ang malanding iyon?" inirapan ko si JK at pinunasan ang mga platong nahugasan ko na. "I didn't mean it like that." lumapit siya sa'kin. 

"Umalis na, hindi nakayanan iyong ganda ng mapapangasawa mo," sagot ko. "Baka naman you did something to her?"

"Wala pa naman, if she won't take my warning seriously after this, baka may gawin na talaga ako." sabi ko. "I told you! That girl likes you! She is willing to stoop low just to have you, JK Jeon! Isang malaking pagkakamali talaga na hinayaan mo ang malanding iyan na pumasok sa buhay natin!"

Hindi ako nagkamali sa mga nararamdaman ko sakanya. Siya pa itong makapagsalita kanina na akala mo siya ang may karapatan sa asawa ko! Parang ako pa yung malandi at gustong kumabet sa'ming dalawa! 

She's nothing but a low-class bitch whose conscience will not be affected because she's willing to stoop low to have a man who has a fiancee!

Buong gabi kong dinala ang galit sa babaeng iyon. Hindi ako matahimik kahit ilang beses nang sinubukan akong patahimikin ni JK. Gusto kong ipasunog ang tinitirihan niya ngayon! Gusto ko siyang saktan! Gusto kong may magawa sakanya na hinding-hindi niy malilimutan!

I grew so attached to our family that I will do anything to protect this. Kay tagal na hinintay ni Jk na mabuo kami ulit at may eepal pa? Aware naman ako na wala kami sa isang pelikula o libro pero bakit parang, ayaw pang ipagkait ang isang happy ending sa'min? 

Ano pa bang kailangan naming gawin para malasap na iyon? Hindi pa ba sapat itong nagkausap kami't nagkalinawan at nagkapatawaran? Kailangan bang mas may malala pa roon na pati buhay namin ay maiisipan namin isangla para lang mailigtas ang pamilya na 'to na ngayon lang nabuo?

Mas hindi ko kakayanin ang sakit na makukuha kung sakali mang mangyari ang kinakatakutan ko. Kahit pa man ilang beses na akong sinabihan ni JK na baliwalain ko lamang iyon, hindi ko magawa. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa mga susunod na araw. What if she goes beyond the limits just to have him? Imposibleng hindi niya magagawa iyan, sa tono pa lang ng boses niya habang nakikipag-usap sa'kin noong gabing iyon, nahihimigan ko na na hindi siya agad magpapatalo. 

She doesn't even care knowing she knows he has someone in his life already and he has a family. 

"Natatakot ako na baka kung ano ang maisipan niyan gawin at sirain tayo." sumandal ako sa pader. Nagtuloy-tuloy ang pag-aaway namin ni JK dahil sa babaeng 'to matapos siyang pumunta rito sa bahay. Alam ko naman na naiintindihan niya ang aking pinupunto pero hindi talaga ako mapakali! Feeling ko umo-oo lang siya para matigil na ako rito kahit alam kong hindi naman.

Naiiyak ako sa tuwing naiisip ko na muli kaming magkakahiwalay. Kakaiba ang ibibigay na sakit nito kung sakaling maging katotohanan ang mga iniisip ko.

Hindi lang ako ang masasaktan, kaming lahat, mas nasasaktan ako para sa mga anak namin, lalo kay Juwy. She just met her father! At merong nangangahas na kunin ito muli sakanya!

"Hindi ko na kakayanin 'yon..." tumakas na ang isang hikbi mula sa'kin. "H-hindi ko kaya," nagtuloy-tuloy na ang aking paghikbi hanggang sa maramdaman ko ang yakap ni JK.

"We've been through so many things, napaghiwalay na tayo, hindi ko na alam ang gagawin ko kung mauulit na naman--"

"Walang mauulit dahil hahadlangan ko agad ang magbalak na paghiwalayin tayo ulit." matigas niyang sabi. "Kikilos pa lang sila, naghihintay na agad ako sa gitna ng kalsada para harangan sila."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon