7

102 7 0
                                    

Kung may magtatanong sa akin kung ano iyong pinakaperfect na salita na babagay sa isang impakta na iyon, wala! Dahil hindi sapat ang isang salita lamang!

Feeling siya! Masyadong feeling! Masyado siyang pabibo! Masyado siyang mayabang! Masyado siya! At sumusobra na siya!

Dalawang araw na ang nakalipas pero nanggagalaiti parin ang dugo ko sa walang-hiyang iyon! And so what if she's from a top company in New Zealand?! Iyong kompanya ko nga pasok sa top ten companies in the world! Kahit iyong pwesto namin ay nasa top ten na lamang, atlis pasok parin!

How dare she insult me! How dare she say those words as if she knows me better than I do! Masyado siyang perfect! Akala mo walang tinatagong baho!

Nagpasearch ako tungkol sa impakta na 'yan pero maliliit na impormasyon lamang ang nakukuha ko sakanya, marahil ay pinababantayan na ako! At siya pa talaga ang may ganang magala-biktima rito sa ginawa niya ha?!

Inis na inis ako nung umalis pero pasalamat parin ako dahil naikalma ko ang aking sarili bago kami nagpatuloy ni Juwy sa paggogrocery.

Hindi ako nagkwento sa aking pinsan tungkol diyan, pati kila Mama at kila Ate. Mas magandang ako lang ang nakakaalam sa nangyari dahil alam kong hindi na papayag pa sila Mama na manahimik sila. I don't want that bitch to question my parents if they've already suceeded on making me a fine woman!

But they already did and people like her won't see it because they refuse to acknowledge it! I am a fine woman! And I am classy, too classy to fight with low women like her but she! She's an exemption! I stood down low just to have a mini fight with her in a public place!

I can't believe I stooped this low for someone like her.

Hindi ko man aminin sa aking sarili pero natamaan din ako kahit papaano sa kanyang sinabi. I still lack a lot of knowledge about business at karamihan doon ay lesson na ng mga third and fourth year college students. I admit that it is still hard for me to cope up with this, maraming bagay ang hindi ko pa talaga alam at on the spot na nagsisearch ako tungkol sa bagay na iyon.

Alam ko namang hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral pero marami akong natutunan, lalo na ang mga aral sa buhay. Napakabata ko pa kumpara sakanya pero mas malaki pa itong utak ko at napakalwaka ng pag-iisip.

Alam kong nabuntis ako ng maaga pero hindi naman pwedeng ganunin niya ako. Napapalaki ko ng maayos si Juwy, ang mga perang ginagastos ko sa aking anak ay pinaghihirapan ko at hindi na nanghihingi pa kila Mama.

God, why do people like this even exist?

Pilit kong pinapaalis sa aking isipan ang tungkol sa aming naging usapan sa mga nagdaan na araw. Nakalimutan man ng aking utak pero hindi ito malimutan ng aking puso.

"Mommy, cotton candy!" Itinuro ni Juwy ang isang matanda na nagtitinda ng cotton candy. Magdadalawang linggo na kaming nandito sa Pilipinas at sobrang nag-eenjoy si Juwy sa mga lugar na pinapasyalan namin. Nandito kami ngayon sa Manila Zoo dahil gusto kong makita niya ang iba't-ibang klase ng mga hayop.

Hindi naman sa ipepressure ko siya to learn all kinds of animals at once, gusto kong unti-unti siyang magkaroon ng kaalaman. She's turning three soon and I know she would get even curious with her surroundings.

Ibinili ko rin siya ng cotton candy, kinakain niya ito habang naglalakad kami sa kabuuan ng Manila Zoo. She's a bit frightened pero nananaig ang curiousity sa kanyang mga mata. She is very amazed with every animal she sets her eyes on.

"Did you enjoy it?" Tanong ko at ibinaba siya sa kama, alas-syete na ng gabi at kakauwi lang namin. Akala ko nga makakatulog ito sa pagod pero taliwas ng aking iniisip ang mangyayari. She's still energetic, hindi naman ito kumain ng tsokolate as her dessert when we ate on Max's.

Sabagay, she's still a kid and they have lots and lots of energy.

"Yes, Mommy!" Humahagikgik na sabi nito habang inilalabas ang binili kong animal coloring book sakanya. Binuklat niya ang pahina at tumambad sakanyang mga mata ang isang hayop
na malaki.

"This is uh, ilepanti?" Kumunot ang kanyang noo, nakalimutan niya siguro ang tawag diyan eh tanong pa naman ng tanong sa'kin kung anong tawag daw roon sa malaking hayop na dalawa raw ang buntot.

Natawa ako sa kanyang tawag sa elepante. "Elepante." Pag-uulit ko.

"Ilipante?"

"No, it's e-le-pan-te." Dahan-dahan na sabi ko para masundan niya agad.

"E-le-pan-te." Panggagaya nito. "Very good, Juwy." Sabi ko bago nagbihis ng pambahay. We won't be eating any dinner na rito sa hotel, mga snacks nalang o kaya kung sakaling magrequest si Juwy ng makakain.

Juwy became busy coloring the animals in her coloring book, may mga pictures naman doon ng hayop na pwede siyang sundan kung paano kukulayan iyon. It's a twenty-page coloring book at sa tingin ko, baka bukas ay tapos niya na iyan at naghahanap na ulit ng bagong coloring book.

She's too dedicated that she didn't even notice that I take stolen photos of her. She's too cute.

Bumuga ako ng hangin, that thought crossed my mind again, akala ko tuluyan na itong mawawala pero hindi pala. Akala mo ito'y isang napakahalagang ala-ala na nangyari sa aking buhay at araw-araw ay binibisita ako.

What if she suddenly challenges my company? What if she suddenly challenges me for a battle? Marami siyang mapapala dahil mas marami siyang alam kaysa sa'kin na second year lamang ng college ang natapos. At lalong wala naman akong degree na nagpapakita kung gaano ako kahusay sa college life ko.

Marami siyang mapapala dahil makukuha niya ang boto ng mga tao, they would see me as a disgrace to my family. Masasabihan ulit ako ng kung ano-anong mga salita, lalo sila Mama. And my friends, even my cousin can't help me get out of this mess in case this happens, baka idamay pa sila nung mga nagalit sa'kin kahit wala naman akong ginagawa.

I sighed deeply, nahulog ang aking mga mata sa aking anak na nakasandal na sa headboard ng aming kama, patuloy parin sa pagkukulay. Nang mapansin niya ang aking pagtitig ay nag-angat ito ng tingin ag ipinakita sa'kin ang elepante na nakuluyan niya na, inilagay niya rin ang word na elepante sa ibaba nung drinawingan niya katulad nung sa picture na nasa gilid sa itaas.

Ngumiti ako at nagpakita nang two thumbs up sakanya, she crunched her nose and blew a kiss before continuing what she was doing.

Kung mag-aaral man ako ulit, I can give Juwy a very bright future na, hindi na iyong better lang, iyong bright na nga, best pa. And I can prove to that woman that underestimating is the biggest bad thing she ever did.

"Mommy, are we going home tomorrow?" Biglang tanong ni Juwy, ang mga mata ay nasa coloring book parin.

Hindi ako nakasagot. Bukas na ang katapusan ng aming bakasyon dito sa Pilipinas at uuwi kami bukas sa America nang ala-una ng tanghali, ayon sa flight na aking nakuha nung isang linggo.

"Mommy?" Muling tawag nito. Ngumiti na lamang ako sakanya bago binuksan ang aking laptop.

Nakagat ko ang ibaba kong labi, biglang may umapaw na emosyon sa aking dibdib at kinabahan ako ng kinabahan. Shit, please show me soon I am doing the right thing.

Lumalim ang gabi, at sa oras na iyon, nakatanggap ako ng tawag mula kay Ate Saeny, na alam na alam ko na ang dahilan kung bakit niya ako bigla-biglang tinawagan.

"Chewy, did you just signed up in our University? As a new third year college student under Business Administration course?"

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon