25

258 9 7
                                    

Tulala ako buong magdamag. Nakatitig lamang sa kisame ng kwarto. Ang mga mata'y pagod at gusto nang pumikit pero kahit ang pagsara ata ng talukap ng aking mga mata ay hindi ko na magawa at kinatamaran na.

Lunod na lunod na ako sa kakaisip sa nangyari kanina, hindi makapaniwala sa aking mga isiniwalat. Hindi man direkto ang aking pagsasabi tungkol sa pinakatatago kong sikreto ngunit sapat na iyon bilang kasiguraduhan na siya ang ama.

Tahimik.

Sobrang tahimik. Kahit anong ingay pa ng air conditioner na nasa aming kwarto na siyang nagbibigay ng lamig at hangin sa loob ay nakakalimutan kong nariyan pala at nagmimistulan nalang na parang bula na puputok at biglang maririnig ko kapag may humipan na ulit.

Naririnig ko na naman ang mga salitang binitawan niya, kusa akong napapikit, tila ninamnam ang mga salitang iyon pero ito'y kabaligtaran lamang nun, gustong-gusto ko na itong paalisin at kalimutan pero namalagi na ito sa aking isipan.

Masama na ba talaga ako dahil patuloy kong itinatago ang katotohanan sa sariling anak ko? Na patuloy kong tinatago na may ama siya at nariyan lamang sa kanyang tabi, at gustong-gusto na siyang yakapin?

Not every family always consists of three or more than, some of them consists of two, or even one.

JK and I can do co-parenting, I'll take that in consideration pero sa nangyayari ngayon, mukhang malabo nang mangyari 'yan. His words were stuck in my head like a leech, lalo na iyong parte...

Umiling-iling ako. Bumulong sa sarili na ang mga ideya na pumapasok sa isip ko ay hindi totoo at gawa-gawa lamang ng aking imahinasyon, na balang araw, ay may tsansa parin kaming dalawa na magsama.

Sapat na iyong isang linggo, Chewy. Sapat na iyon. Huwag kanang umasa pa, manghingi. Don't beg. Because the last time you did, you fell on bended knees.

Napadpad ang aking mga mata sa mahimbing na natutulog ko na anak, nakayakap ito sa paborito nitong stuff toy, maaliwas tignan ang itsura at may maliit na ngiti sa kanyang mga perpekto na labi.

My shoulders loosened as I went on staring at her innocent face. I made her believe that her family consists of a mother, Titas, and Titos.

But a father? That's missing in her knowledge. Kailanman ay wala akong nabanggit tungkol sa salitang iyan, o kahit pa iyong mga konektado na salita.

Sapat na ba ang rason na hindi ko siya hahayaan na makita ang ama niya dahil ayokong masaktan siya katulad nung nangyari sa'kin tatlong taon ang nakararaan kapag hinanap niya ang kanyang ama? She's just a child. A child fond of learning. Her level is unreachable, childs her age prefer playing than anything, discovering new things is way out of their league but my daughter... my daughter is different from them, so much. She's willing. Willing to learn.

And that's what I'm most scared of...

She's determined. 

I avoided joining her in events, especially family ones, ayokong makita niya na ang isang pamilya pala ay may lalaking kasama, hindi lang isang babae. At hindi maraming babae at lalaki. Pamilya parin naman ang tawag kila Ate ngunit hindi naman niya sila kadugo, they're not part of her family by blood, but by heart. Hindi iyon madaling makakapasok sa isipan ng lahat, ipagpipilitan nila na hindi naman namin sila kapamilya talaga, at pinalaki kong walang kasamang ama ang anak ko. 

I'd look like the bad guy in an instance in everyone's eyes for hiding the truth from my daughter when all I wanted is to prevent her from suffering the same pain, I still am suffering, for three years.

Hindi madaling magdesisyon para sa ganitong bagay, lalo na't sangkot ang aking anak, lalo na't masyado itong personal na problema. The mind of a child ged 3 is very easy to manipulate, they have no control over their feelings, they depend it on their parents. Isang paliwanag mo lamang tungkol sa bagay na hindi pamilyar sakanila ay mag-uudyok ito sakanila na alamin pa lalo ang tungkol dito. And that's the biggest problem with Juwy. 

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon