11

102 7 0
                                    

I do not know how to react as of the moment, literal ata na napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw. Masyado pa akong gulat sa nangyari at hindi ko alam ang aking gagawin.

Masyado akong nagulantang sa nangyari dahilan para lumipad ang aking isip sa ibang dimensyon, hinahabol ko na ito ngunit patuloy itong lumalayo na 'kala mo ay nakikipaglaro ito sa'kin.

Namamalikmata lang ba ako? Nananaginip ba ako? How I wish na I'm dreaming na nga lang talaga dahil sigurado akong gising na gising ang buong diwa ko.

My heart hammered inside my chest when I laid my eyes on him, ibang-iba ang tibok ng aking puso at ramdam na ramdam ko kung paano ito tumibok na aking ikinatakot. Hindi ko akalain na may epekto parin siya sa'kin kahit dalawang taon na ang nakalipas simula nung huli kaming magkitang dalawa. Akala ko kapag nakita ko siya ulit, wala lang, parang isang dahon na lumipad-lipad sa kalsada at nang maparaan sa aking gawi ay wala akong pakialam dahil wala naman akong gagawin doon.

The first time I saw him, I knew to myself that I wouldn't be able to get him out of my head, no matter how hard I try, he will stay inside of it all the time like a leech that wouldn't get off of its prey's skin. At ngayong nakita ko ulit siya, ibang-iba na ang epekto nito sa'kin, masyadong nakakatakot ang epekto na 'yon at iyon ang aking ikinababahala.

"Mommy."

Bumalik ako sa aking huswisyo at mabilis na umiwas ng tingin sakanya at inilipat sa aking anak na nakatayo na sa aming harapan, kitang-kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtingin niya kay Juwy at doon na ako nagsimulang kabahan lalo.

Shit, shit! Kailangan kong umalis na rito bago pa siya magtanong ng kung ano-ano! Hindi pupwedeng malaman niya ang relasyon niya kay Juwy! Kahit na alam kong may namumuo nang kung ano riyan sa kanyang isipan, ang mga kilos ko pa lang ay masyado nang halata at tanging mga tanga at absent-minded na lamang ang hindi makakapansin doon.

"I wanna eat those." Itinuro niya ang mga dessert na nakahilera sa mahabang table. Umiling ako at hinawakan ang kamay nito. "No, I'll buy you some food outside, we need to go." Hinila ko siya paalis pero hindi ito nagpatinag, oh my goodness, Juwy! Not now! Kailangan nating umalis dito!

"No, I want those! I want to eat stick-o dipped in chocolate!" Binuhat ko ito at mabilis na naglakad paalis at pumunta sa aming table, hindi na tinignan pa ang lalaking pinapanood kami.

Agaran kong napansin ang nababahalang ekspresyon sa mga mukha nila, lalo kila Ate, wala na roon ang aking pinsan at tanging si Marco na lang ang naroon kasama sila Ate at Kuya. Sina Ate Alexa at Ate Mina ay nakatayo at humahaba na ang leeg na akala mo ay giraffe na sila kakahanap sa'kin. Kumunot ang aking noo dahil doon dahil halata ang pagkataranta sa mga mata nila at nang makita nila ako na buhat-buhat si Juwy na nagsusumpong ay mukhang alam na agad nila ang nangyari.

"Chewy--"

"Uuwi na kami, Juwy's feeling sleepy." Sabi ko at kinuha ang tanging bag na aming dala na laman ang mga gamit ni Juwy sa aking kinauupuan kanina. "No, Mommy! I want to eat--"

"Una na kami." Hindi ko pinansin si Juwy at nagpaalam bago mabilis na umalis, hindi ko pinansin ang tawag nila Ate sa'kin at nagmadali pa lalo paglabas. 

"Mommy, no~" 

"Juwy please, I promise you, bibilhan kita ng marami ganyan, we just need to go." Umiling ito at pilit na bumaba, hindi nagtagal ay namuo ang luha sa kanyang mga mata dahil hindi napagbigyan ang kanyang gusto. Juwy naman, may balak naman ako na kuhanan ka noon pero may biglang sumawsaw at nasira ang plano ko. Wrong timing tsk.

"Chewy!"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at mas binilisan pa ang paglalakad, what the heck! Bakit kailangan niya pa akong habulin? Hindi naman kami naglalaro ah, mukha ba akong may itinago sakanya kaya hinahabol niya ako para bawiin yun? 

Well, obviously, itong anak niya ang itinago ko pero hindi ko hahayaan na magkakilala sila. Mukha niya! 

Nakarating din kami sa lobby kahit nahihirapan na ako sa paglalakad dahil una, nagsusumpong si Juwy at nagpupumilit na bumaba at pangalawa, may gagong halimaw na humahabol sa'min.

Nakita ko ang aking pinsan na kinawayan agad ako sa hindi kalayuan, napansin ko rin sa kanyang likuran ang aking kotse na dinala ko. Marahil ay hindi rin nila inaasahan ang kanyang pagpunta kung kaya't inihanda na ng aking pinsan ang aking kotse, mabuti nalang. 

"Come on!" Binuksan niya ang pinto ng front seat kaya mabilis akong sumakay doon, hindi na ito nag-abala pa na isara ang pinto kaya ako na ang nagsara kasabay ng mabilis niyang kilos na umikot agad papuntang driver's seat, pinaharurot niya kaagad ang kotse pagkasakay na pagkasakay niya. 

Habol-habol ko ang aking hininga at hindi inaalis ang aking tingin mula sa daan, ganoon din ang aking pinsan na masyadong pokus sa pagmamaneho at hindi pinapansin ang pag-iyak ni Juwy. Nakaalis nga ako pero nakita niya naman si Juwy! Shit! Bwiset na tadhana, sinisimulan na naman ang paglalaro, ni wala man lang pawarning! 

Hindi na kami pa dumiretso sa hotel kung saan kami dapat uuwi, diretsong nagdrive si Lisa pauwi sa Manila kahit malalim na ang gabi. Mukhang nababasa niya rin ang aking naiisip kaya't dumiretso na siya sa expressway. 

Hindi ko namalayan na nakatulog na si Juwy sa aking kandungan, masyadong okyupado ang aking isipan to the point na nakalimutan kong patahanin ang aking anak. I'm so sorry, Juwy, ayokong makita mo iyong ama mo na hindi inako ang responsibilidad niya sayo. Ayokong malalaman niya na lang bigla na iyong lalakeng humahabol sa amin kanina ay iyong ama niya. 

She's too young, she can't comprehend the situation fully at ayokong biglain siya! Baka isipin niya ay inilalayo ko siya sa kanyang ama dahil sa nakaraan namin, I don't want her to hate me. Hinding-hindi ko kakayanin iyon, mas kakayanin ko pa kung makikita ko silang dalawa ng aking pinsan na ikinakasal pero iyong kamuhian ako ng sarili kong anak? I can never take that.

Mag-aala-una na nang makarating kami sa aking condo, pagod ang aking pinsan mula sa pagmamaneho kaya roon ko nalang siya pinatulog. Tulog na itong dalawa kong kasama sa condo pero ako, gising na gising ang diwa. Disoras na ng gabi at dapat hindi ako nagpupuyat dahil gusto ko ay everyday productive ako. Ayokong tatambay lang ako sa buong araw at walang ibig-gawin. 

But how can I sleep kung binabagabag ako ng husto nung lalaking iyon?! 

Shit, everything's messed up. Alam ko... alam kong may posibilidad na pwede kaming magkita roon pero pinagkatiwalaan ko ang sinabi nila Ate na hindi siya pumupunta sa mga ganito as according to them, this is not his thing. Kasama nila siya sa buong dalawang taon na wala ako kaya sigurado ako, kahit papaano ay nakabisado narin nila ito. Pumunta ako sa kadahilanang wala naman siya roon pero bakit... bakit biglang naroon siya? Ano? Bigla siyang nagteleport doon? 

Imposibleng sinabihan siya nila Ate... o nila Kuya! Hindi nila iyon magagawa dahil haharapin nila ang hagsik ng galit nila Ate! At alam kong iyon ang pinakaayaw nilang harapin dahil hindi basta-basta magalit iyang sila Ate. 

At lalong imposibleng sinabihan siya ng pinsan ko, mas lalo si Marco dahil masama parin ang loob nito sakanya dahil sa kanyang ginawa. He neglected his own child at hinding-hindi ko makakalimutan iyon. 

Shit, so now what?

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon