5

99 7 0
                                    

Desidido na talaga ako sa aking mga plano. Kahit na ayaw ko ay tumuloy parin ako. I can't bear seeing my parents pretend their words doesn't affect them. I don't want them to think na this is their fault why I ran away. Umalis ako kasi hindi ko na kinayanan pa ang sakit, umalis ako para mabigyan ng maginhawang buhay ang aking anak.

Ang aking plano ay umattend sa meeting na mangyayari sa makalawa, tutal nagrereklamo sila kung nasaan ang CEO, sosorpresahin ko na lang sila para matahimik na ang mga bibig nila.

Pagkatapos nun ay igagala ko si Juwy sa  Manila bago kami bumyahe patungong America ulit, we'll be staying in the Philippines for a couple of days before going home.

Nung tinawagan ko ang aking pinsan at sinabi ko sakanya ang aking plano, ganoon na lang ang kanyang gulat dahil hindi niya inaasahan na uuwi rin pala ako kahit papaano. Sa sobrang gulat niya ay naikwento niya agad 'to kay Marco, laking pasasalamat ko at hindi kila Ate.

Agad niya rin naman kaming ibinook ng flight pauwing Pilipinas, nagsuggest pa ito na roon daw kami magstay sa condo niya pero humindi ako dahil nakapagbook narin naman ako sa isang hotel. Mas magandang doon nalang kami ni Juwy para iwas sa problema. I also informed my parents about my decision at wala na silang nagawa pa roon kundi ang suportahan ako.

"Mommy, it's hot." Namawis na kaagad si Juwy pagkalabas namin sa NAIA. Ala-una na ng hapon pero sobrang tirik parin ng araw. Hindi ba't tag-ulan na?

"Welcome to the Philippines, Juwy." Sabi ko nalang sakanya at pinunasan ang kanyang pawis. "Hot." She continued to whine. Hindi ko naman siya masisisi dahil ngayon lang siya nakapunta rito, hindi katulad ko na rito ipinanganak at sanay na.

"Look, it's Tita Lisa oh." Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Juwy nang itinuro ko si Lisa na iwinawagayway ang kamay niya sa'min at ngiting-ngiti pa. "Tita!" Sigaw ni Juwy, tila nakalimutan na bigla na nagrereklamo ito sa init ng panahon.

"Grabe! Halatang hindi sanay at pinagpawisan agad!" Komento ni Lisa at kinuha ito mula sa'kin. "It's her first time." Sagot ko nalang at inabot sakanya ang towel para mapunasan si Juwy.

Nagtungo rin kami sa kanyang kotse, dapat sila ni Marco ang susundo sa'min kaya lang tinawagan daw ng sekretarya niya na may kaunting emergency sa kompanya kaya itong si Lisa nalang ang sumundo sa'min.

"Sana roon nalang kayo sa condo, Chewy." Sabi nito at nagsimulang magmaneho. Si Juwy naman ay nakakandong sa'kin, wala kasing carseat si Lisa at hindi ko rin dinala ang carseat ni Juwy, hassle na at hindi ko kakayanin na buhatin pa iyon kasama ng aming maleta at si Juwy.

"Okay na kami sa hotel." Sabi ko. Hindi na ito sumagot at nagpokus na sa pagmamaneho. "Hanggang kailan pala kayo rito?"

"Sandali lang, siguro a week or two, ipapasyal ko si Juwy sa Manila kapag tapos na iyong meeting." Sagot ko. "Nako! Kung alam mo lang! Nanggigigil talaga ako roon sa isang babae! Kung makapagsalita kila Tita 'kala mo alam yung nangyari!"

Oo pati iyong inis mo roon sa babae kamo ay ramdam ko rin. "Anong pangalan?"

"Wala itong sinabi at nagpakilala lamg na isang representative ng malaking kompanya sa New Zealand. Baka ay naiinggit sa kompanya niyo kasi kahit kamuntikan nang malunod sa bankruptcy ay nakaahon parin kayo." Sagot niya.

There are a lot of big companies in New Zealand, kung magsesearch ako tungkol sa babaeng iyon sigurado akong aabutin ako ng ilang araw bago tuluyang mahanap kung saang kompanya nagtatrabaho iyong babae. Kaya hindi ko sasayangin ang aking oras na hanapin iyong babae, bahala siya. Hintayin niya lang ako sa meeting.

"Nako, baka mangitim ka kaagad!" Mabilis na dinala ni Lisa si Juwy papasok sa hotel kung saan kami magsestay. Tirik parin ang araw at baka nga mangitim ang aking anak, maputi pa man din ito.

Nagtungo ako sa front desk at sinabi roon na ako ay nagpareserve na ng isang Presidential Suite noong nasa America pa kami. Ibinigay niya rin naman sa'kin ang susi sa kwarto kaya pumunta narin kami roon.

"Gusto mo bang ibabad kita sa bathtub? Medyo pawis ka parin." Tanong ni Lisa kay Juwy na ang mga mata ay naroon sa mga numero sa gilid.

"No." Tanging sagot ni Juwy at hindi maalis-alis ang mga mata roon.

"Ayan, medyo malamig na kaunti, matutuyo narin ang pawis mo." Ibinaba ni Lisa si Juwy at hinayaan ito maglakad habang hawak-hawak ang maliit nitong kamay.

"Mommy." Nilingon ako ni Juwy na puno ng kuryusidad ang mga mata, the environment is very new to her. Kahit naiinitan ito ay gusto niya paring alamin ang nasa paligid niya.

"Ito naba?" Tumango ako kay Lisa na itinuro ang aming room. Lumapit ako roon at ipinasok ang susi sa keyhole.

"Let's go get some rest muna, Juwy ah--"

"SURPRISE!!!" Nasapo ko ang aking dibdib nang biglang may sumigaw at nagpasabog ng confetti. Muntik na akong mapatalon sa gulat at mapatili nang makita ko ang mga taong hindi ko inaasahan na sasalubong sa aming pagpasok.

"Sabi ko 'wag niyo na lagyan ng confetti, umiyak tuloy." Teka? Pakana 'to ng aking pinsan? Ibig-sabihin... nagsinungaling lang si Marco nung hindi siya makakasama sa pagsundo kasi tinawagan niya sila Ate na tulungan siya na magdecorate ng room namin?

"Hanggang ngayon pala iyakin parin." Napailing sila Kuya. "Magugulatin." Sabi ko at inakay si Juwy papasok, kumalma rin ito nang makita ang pamilyar na mukha nila Ate.

"Akala ko ba may emergency?" Tinaasan ko ng kilay si Marco na ngumisi lang sa'kin at inakbayan ang kanyang kasintahan na nakangisi narin sa'kin. Itong dalawang 'to...

"Meron, ito." Sagot niya. "Wala kaming nabanggit sakanila, si Tita ang nagsabi dahil akala alam din nila."

"May favoritism kasi." Pagpaparinig ni Ate Saeny sa'kin. I rolled my eyes playfully at her.

Matagal-tagal bago sila umalis, gabi na nung umalis sila at ang aking anak ay natutulog na sa aming kwarto, she drained her energy and she needs a good sleep to recharge fully.

"Do you want us to come with you?" Tanong ni Mama, hinaplos ko nang dahan-dahan ang buhok ni Juwy. "No need, 'Ma. Andyan naman si Lisa, kasama raw siya roon."

I heard her sigh. "Ayokong pati ikaw ang masabihan ng ganoon, Chewy. Okay nang kami--"

"Hindi okay sa'kin, 'Ma. She's judging you because I wasn't here. She's spreading false information to others at hindi naman pwedeng mananahimik lang ako. This is my responsibility, hindi pwedeng tatakbuhan ko na lang ito dahil ayaw ko o ano pa man."

Narinig ko ulit ang kanyang pagbuntong-hininga. She knows she can't do anything na. Alam niyang alam ko naman ang aking ginagawa.

"What if he sees you both?"

Natigilan ako. Natulala ako sa maamong mukha ng aking anak at pilit na hinanap doon kung may nakuha ba ito sa kanyang ama kahit sigurado ako na wala naman dahil simula nang ipinanganak ko ito ay napansin ko na agad na sa'kin niya nakuha ang kanyang mukha.

"He won't, 'Ma." Sagot ko nang makabawi.

He won't dahil makita ko lang ang kanyang anino, aalis na agad ako na parang isang piraso ng papel na mabilis na lumipad palayo kung saan man siya galing dahil sa hangin.

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon