2

146 9 0
                                    

Matapos ang isa't kalahating oras na byahe ay dumating narin kami sa resort. A beach resort to be exact. Matagal-tagal narin ang huling pagpunta ni Juwy sa beach dahil madalas ay nasa pool kami o kaya sa Lake Tahoe.

"Mommy, beach!" Nagningning ang mga mata nito nang makita ang dagat sa likod ng building na nasa harapan namin, ramdam ko ang pagiging excited nito dahil nagsisimula na itong magkulit.

"Calm down, baby. Pupunta rin tayo riyan." Paalala ko rito at nagtungo sa loob. "Good afternoon, ma'am." Bati nung receptionist sa'kin. "I made a reservation under the name Chewy Kim."

"Alright, please stay put while I check it, this will take a few minutes." Sabi nito at nagsimulang hanapin ang aking pangalan sa kanilang computer. Nagsimulang gumala ang mga mata ni Juwy sa lounge area.

She suddenly gasped as her eyes widened. "Mommy, it's--Tito Marco!" Nagkulit ito lalo kaya nagpasya ako na ibaba na siya. Pinanood ko siyang tumakbo sa lalaking hindi niya aakalain na iyon ang aming kikitain.

She hasn't seen Marco in person for almost seven months now. Madalang narin ang pagtawag nito dahil dumarami narin ang kanyang mga inaasikaso sa kanyang kompanya. Not to mention that his paperworks doubled after his and Lisa's company merged the year before.

"Careful, Juwy." Paalala ko nang muntik na itong matapilok dahil sa pagkakatakbo pero mabuti na lamang ay naibalanse niya agad ang kanyang sarili. Tumakbo ulit ito papunta sa gawi ni Marco at mabilis na niyakap ang mahahabang binti nito.

"I missed you, tito!" Masayang sabi ni Juwy sakanya, napangiti ako sa kanyang inaasal bago tumingin sa receptionist na tinawag na ang aking pangalan. "Here is your key to your room." Ibinigay niya sa'kin ang isang susi.

"Is he your boyfriend, ma'am?" Tanong nito at nilingon si Marco na nakikipagharutan na kay Juwy.

"No." Nakangiting sagot ko. "He's a close friend."

"Alright. Sorry for asking. Enjoy your stay, ma'am. Just call us whenever you need something."

"Thank you." Tumalikod na ako at naglakad patungo sa dalawa.

"Kanina ka pa?" Tanong ko. Umiling ito at tumayo, buhat-buhat na si Juwy na nakalingkis ang mga kamay sa kanyang leeg. "How was the meeting?"

"Okay lang." Tanging sagot ko. I don't find the meeting boring and I don't find it interesting either. It was just between the two.

"Mommy, swim." Sabi ni Juwy at ngumuso. "Later, okay? Let's organize our things first in our room." Sabi ko rito.

"Si Lisa?" Tanong ko. Alam ko ang sabi ng pinsan ko ay sabay silang pupunta rito sa Florida. Asan ang babaeng iyon?

Nagkibit-balikat ito na nagpakunot ng aking noo. "Huh?"

"Wala." Sagot nito at may sumilay na na ngisi mula sa kanyang labi. Magsasalita na sana ulit ako nang marinig ko ang boses ng aking pinsan na naging matinis, marahil ay narinig ang sinabi ni Marco.

"Pinaglololoko mo ba ako, Marco Evans?" Nanlilisik na ang mga mata ng aking pinsan na nakatingin kay Marco. "Magkasama pa nga tayo sa private plane tapos sasabihin mo na wala ako? Anong tingin mo sa'kin? Multo?"

"Tita Lisa!" Ngumiti si Juwy kay Lisa na mabilis ding nagbago ang ekspresyon nang tumingin ito sa aking anak na mabilis na hinila palayo sa bisig ni Marco. "Hi, our beautiful Juwy!"

"'Wag kang lalapit diyan sa Tito Marco mo ha, bad influence 'yan." Nakangiting sabi nito kay Juwy na hindi naman totally naintindihan ang kanyang sinabi.

"Bad influence, kung ikukumpara sayo, mas bad influence kapa."

"Shut-up." Inirolyo ni Lisa ang kanyang mga mata.

"The receptionist asked me if Marco is Juwy's father." Sabi ko at iginiya ang aking pinsan papunta sa elevator, nakasunod naman si Marco sa likuran namin.

"Anong sabi mo?"

"I said he's not. Pero ang sasabihin ko talaga dapat ay girlfriend niya ang pinsan ko." Ngumisi ako.

Can you imagine? Nagkatotoo iyong iniisip ko tungkol sa dalawang ito nung unang ilang buwan kong paninirahan sa America. I didn't expect na magkakatuluyan 'tong dalawa e mas malala pa sila sa aso't-pusa! Ganoon din ang reaksyon nina ate at kuya neverthless, suportado rin naman nila ang dalawa.

Wala rin silang naging problema sa parents nila dahil magkakakilala narin naman, hindi nga rin nila inaasahan na magkakadevelopan itong dalawa e mas daig pa ata yung mag enemy kung mag-away.

"Ah, dapat sinabi mo ex ko na ngayon." Sabi niya sanhi para mapantingin si Marco sakanya. Ayan kasi, bwinisit pa. Alam na nga kung paano gumanti kapag sinisimulan mo, iinisin pa lalo. "Naiinis kaba dahil kanina?"

"Ang manhid mo naman." Sabi ni Lisa at at lumapit pa mismo sa aking gawi. Napasabungot nalang ng mukha si Marco at nalaglag ang tingin sa'kin.

Nginisian ko rin siya. I mouthed, "Kawawa." to him na mas lalo niyang ikinainis. Itong lalaking talaga 'to ang napakasarap asarin eh! Lalo kung pikon na pikon na dahil sa pang-aasar ng girlfriend niya. Wala siyang magagawa dahil pati ang girlfriend niya ay sumasali ulit sa pang-aasar.

Pero may alam naman na 'yan kung paano paamuhin itong babaeng 'to. He can tame her in his own ways at ayoko nang idescribe pa iyon. Ang tanging masasabi ko na lamang ay nag-iingat naman ang dalawa.

Atsaka wala namang kaso kung mabubuntis na ang aking pinsan. Graduate na sila sa kolehiyo at kaya nang bumuhay ng isang masayang pamilya.

"Mommy." Tumingin ako kay Juwy na nakatingin sa'kin. Palubog na ang araw at heto kaming dalawa ay nasa may buhanginan habang pinapanood ang araw na unti-unti nang bumaba mula sa pwesto nito sa kalangitan simula kanina pang umaga.

Naghahalo na ang kulay kahel, lila, pula at dilaw sa kalangitan. Masyadong maganda at nakakakalma ang itsura ng kalangitan ngayonsa puntong gusto ko nalang itong tignan hanggang sa tuluyan itong kainin ng dilim.

"Hmm?" Sinuklay ko ng dahan-dahan ang buhok niyang nakalugay na nililipad na dahil sa malakas at medyo malamig na simoy ng hangin.

Itinuro niya sa hindi kalayuan ang magkasintahan na nag-uusap. "Are they fighting?" Tanong nito.

"No, they're just talking."

"But they were like this earlier." Umakto itong kunyari ay may galit sa'kin dahil nag-iba bigla ang mga mata nitong kalmado at inosente. Natawa ako sa kanyang inasta at kinurot ang magkabila nitong mga pisngi.

May saltik sa utak iyang Tita at Tito mo, Juwy. Ayan nagkadevelopan dahil magkasundo.

SIGTY [2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon