She doesn't know Karina Yu

6.6K 128 107
                                    



"I swear to god Rina, kapag nalaman to ni Irene kakalbuhin talaga kita."

There she goes again. Kanina nya pa yan sinasabi bago pa man kami makarating dito sa convenience store malapit sa condo ko.

"Hindi nya naman malalaman kong hindi ka magsasalita, Yeri." i said as I scan the whole area.

Mukhang pwedeng pwede naman akong lumabas. Past eleven na rin kasi ng gabi. Dapat ay diretso kami ng condo ngayon after our shoot kanina kaya lang nagc-crave ako ng ice cream ngayon kaya naman sinabi kong dumaan muna kami rito.

"Alam mo namang may mata at tenga si Irene everywhere Rina. Pakiramdam ko nga nakatingin sya sa'tin ngayon." kinakabahang sabi nya habang palinga-linga pa dito sa loob ng van.

I chuckled.

"Masyado kang paranoid Yeri. Saglit lang naman ako."

She sighed bago iabot sa akin yung black cap and mask ko.

Kaagad ko itong sinuot. I was going to step outside our van na ng hilahin nya ulit ako.

"What?"

"Suot mo din yan. As your manager dapat na ingatan kita." sabi nya sabay abot sa'kin nung shades ko.

"Yeri, wala namang tao sa loob ng store maliban sa cashier, I don't think kailangan ko pa nyan."

Hindi nya naman ako pinakinggan at sya na mismo nagsuot ng shades sa'kin.

"Kahit na, mabuti na yung nag-iingat ako. Ayokong makatikim ng sermon kay Irene kapag may kung anong article ang lumabas."

I just rolled my eyes on what she said.

Right, right, I'm the famous Karina Yu. Kahit saan ako magpunta may disguise o wala, kailangan kong mag-ingat.

"Just give me 15 minutes." sabi ko nalang bago tuluyang naglakad papasok ng store.

Walang ibang customer.

It's a good sign.

Makakabili ako ng maayos.

Kaagad kong tinungo yung ice cream section nila dito.

Great! Ang daming ice cream sandwich ngayon.

My smile grew wide ng magsimula na akong kumuha ng ice cream sandwich. Two cookies and cream and then one rocky road. Kinuha ko rin yung isang natitirang tub ng cookies and cream.

Okay na to.

Masaya kong tinungo yung counter para magbayad.

Naabutan kong nagbabasa ng..
.bible?

Really?

Ngayon lang ako nakakita ng cashier na bible ang binabasa sa oras ng shift nya.

Weird.

Kaagad na nilapag nung cashier yung hawak nyang maliit na bible at hinarap ako.

She's cute.

"Ito lang po ba lahat?" she asked eyeing my items.

"Can I get those, too?" I asked. Sabay turo ko dun sa mga funko pop na nakadisplay sa likod nya.

"May card po ba kayo?" she asked politely.

"What card?" I asked confused.

"Kailangan po kasi ng suki card para ma-avail po yang mga yan Mam." she explained.

Bakit kailangan pa nila ng ganyan?

"Can I just pay for it? Kahit double ang price?" pagba-bakasakali ko.

My Love From The ChurchWhere stories live. Discover now