Crybaby Winter

1.3K 86 3
                                    




It's a secluded park malapit sa dati kong school. Inabot kami ng 30 minutes papunta rito since malayo-layo sya sa hospital kung saan kami galing.

I glanced at Winter who's peacefully sleeping sa passenger seat. Nakatulog sya on our way here. She must be really tired and sad.

Wala akong alam sa nangyayari but I think hindi deserve ni Winter ang ganuong hate.

I was about to reach for her cheek ng magising sya. Nilibot nya ang paningin sa paligid and her brows immediately creased.

"Nasaan tayo?" tanong nya.

"Park." I simply answered. Inalis ko na ang seatbelt ko at binuksan ang pinto sa tabi ko.

Sinalubong ako ng malamig na hangin. It's already 7 in the evening but it's not too dark pa naman since maraming poste ng ilaw ang nakapalibot sa park.

"Ba't tayo nandito?" tanong nya ulit ng makalabas na rin sya ng kotse.

"To puff some shits."

Napangiwi naman sya sa sinabi ko kaya natawa ako.

"Let's go sa may swing." kinuha ko ang kamay nya at hinatak sya papunta sa pwesto ng mga swing.

Mukhang masyadong maliit ang swing para sa'min pero naupo parin ako. I gestured her na umupo sa tabi ng swing na napili ko.

Hindi naman sya nag-reklamo pa at naupo narin.

Tahimik lang kaming naka-upo habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid ng park.

I wonder kung ano ang nasa isip ngayon ni Winter?

I received a text from Taeyeon kanina. Sobrang nag-aalala sya. Sinabi nya pa na I should watch Winter all the time because she's afraid na something might happen.

What is going happen?

"May ganitong park rin sa school namin nun na lagi naming pinu-puntahan."

Tinignan ko sya.

May kaonting ngiti sa mga labi nya before she continued.

"Masaya kaming naka-upo sa swing that time habang hinihintay si ate. Excited ako nun kasi kakatapos lang ng recording ni ate." she paused. Lumungkot ang ngiti sa mga labi nya. "Kinulit ko syang isama kami sa studio para pakingan yung outcome ng ginawa nya. Ayaw sanang sumama ni Min at ayaw rin ni ate baka kasi pagalitan sya ni ate Irene. But I was too persistent."

She chuckled bitterly at the memory.

"Wala silang magawa. They can't resist me." napayuko naman sya at pinahid yung mga luhang nala-laglag sa mga mata nya.

"Sumakay kami ng bus...bawal kasing mag-drive si ate. Pinili naming maupo sa dulo. Nagrereklamo pa nga si Min kasi mas gusto nyang maupo sa unahan." pumipiyok na sya.

"B-bigla nalang gumewang yung b-bus at bumanga sa barrier. Pagmulat ko duguan na si ate. Tumaob pala yung sinasakyan namin. Akay-akay ko si Min palabas ng bus. Mabilis akong hinila nung isang police officer leaving Min behind. Then a fire broke out, trapping Min and ate sa loob. Sinisigaw ni Min ang name ko calling for help. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya pero pinipigilan ako ng mga pulis. She's screaming and then...there's an explosion."

"Nagising nalang ako sa loob ng hospital and the first thing na narinig ko when I woke up was...patay na si ate and Minju's in comma."

She's in deep pain.

"Life ruiner, that's what they call me. Kasi sinira ko yung career ng ate ko pati narin pangarap ng best friend ko. Kung hindi ko sana sila pinilit ng araw na yun...k-kung hindi lang sana ako naging makulit.."

My Love From The ChurchWhere stories live. Discover now