Her Picture

943 52 16
                                    

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Kay Karina lang. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.

Hangang ngayon ay hindi parin namin napag-uusapan ang nangyayari sa'min. Iniiwasan ko parin sya. Iniiwasan ko parin na mapag-usapan sya.

Naguguluhan na natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa oras na magka-usap kami. Wala na akong tiwala sa actions at sa mga salitang kumakawala sa'kin. Pakiramdam ko pinapangunahan ako lagi ng nararamdaman ko preventing me to think what is right and moral.

Nagpabalik-balik na ako sa church para lang kumbinsinhin ang sarili ko na hindi tama ang ginagawa ko. Hindi kasi talaga tama. I'm convincing myself na di dapat ako magpadala sa kung ano man ang nararamdaman nitong puso ko. Pero the more na nakikita ko si Karina, nakakasama mas lalo lang lumalala tong nararamdaman ko.

Kinausap ko na kahapon si sister Claire. Katulad ng lagi nyang sinasabi, pag-isipan ko raw itong mabuti. Kung talagang ito ang gusto ko ang sagot ay nasa ticket na ibinigay nya kahapon.

Hindi ako mapakali lagi. Alam kong maaaring nasasaktan ko si Karina sa ginagawa kong pag-iwas. Pero kasi kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang lahat. Ayokong magpadalos-dalos kasi alam kong sa isang maling desisyon ko lang ay pareho kaming masasaktan.

Naisip ko tuloy bigla ang pangakong binitiwan ko kay Minju. Nakalimutan ko na ba ang pangakong binitiwan ko sa kanya?

May pangako akong binitiwan saming dalawa. Ayokong isa walang bahala nalang yun dahil lang sa nararamdaman ko ngayon.

Isa pa to sa iniisip ko. Hindi pa kami nagkikita ni Minju. Gusto ko na rin talaga syang makita at maka-usap. I really miss her. Pero hindi ko naman pwedeng ipilit nalang ang mga bagay-bagay. Kapag nakuha ko na ang permission ni ate Solar tsaka ko sya pupuntahan. Sinabi naman na sa'kin ni kuya Jun na nagka-usap sila ni ate Solar noong gabing nagising si Minju. Sinabi nya lahat kay ate Solar and sabi ni Kuya na he see some light sa ginawa nilang usap. So I just have to wait.

"Here." nawala ako sa iniisip ko ng magsalita si ate Yeri habang inaabot sa'kin ang isang energy drink na kapareho ng iniinom lagi ni Karina. Tapos may inabot din syang pack ng gummies sa'kin at isang maliit na paper bag.

Naguguluhang tinignan ko si ate Yeri.

"Pinabibigay ni Karina. Nag-aalala yata sayo. Okay ka lang ba?"

Galing kay Karina?

Napatingin naman agad ako sa kung nasaan si Karina ngayon. Napapalibutan sya ng ilang staff at kinakausap. Hindi ko mapigilang malungkot lalo.

Si Karina. Iniintindi nya parin ako kahit na iniiwasan at hindi ko sya kinakausap.

Nakayukong nagpasalamat nalang ako kay ate Yeri. Nagui-guilty ako bigla sa ginagawa kong pagtrato kay Karina.

She tried reaching out sa akin after that kiss. Ako lang talaga itong umiiwas. Parang ang sama ko lang gayong gumanti rin naman ako ng halik sa kanya.

After that kiss nag-reflect agad ako. Sa mga pinagga-gawa at pinagsasabi ko that night. Tsaka ko lang napagtanto na walang tama sa lahat ng ginawa ko.

Mali talaga.

Kaya hangga't maaari ay lumalayo ako sa kanya.










Nang magsimula na ang scene nila Karina naka-abang lang ako nang mabuti. I tried to focus on her voice para kahit papano ay masundan ko ang nangyayari.

Ang galing nya nga talaga. Kahit na boses nya lang ang naging basehan ko masasabi ko parin na hindi nagkamali ang mga tao sa pagsabing mahusay ang katulad nya.

My Love From The ChurchWhere stories live. Discover now