Confessed

967 49 10
                                    








Agad kong tinignan si Winter. Irene must be crazy for planning something like this. She knows Winter’s past tapos bibiglain nya ng ganito? I may not have enough knowledge about her but I know for the fact na kinalimutan na nya ang tungkol sa pagkanta after ng nangyari sa ate nya. Selle and Ning mentioned it before, yung tungkol sa hindi pag-pursue ni Winter sa pagkanta.

Winter looked dumbfounded. Nakatayo lang sya malapit sa pinto at nakatingin kay Irene.

“Irene, what do you think you’re doing?” I snapped.

Bumalin ang tingin nya sa'kin pero sobrang bilis lang. She signaled something kay Yeri.

“Rina labas muna tayo.”

“No!” pag-angal ko. When Yeri held my arm.

Ayokong iwan dito si Winter and let Irene na ipaalala ang bagay na gusto ng kalimutan ni Winter.

"Rina let's go."

Sapilitan na akong hinila ni Yeri at successfully nailabas nya ako sa room.

“What the hell Yeri!” sigaw ko.

“Rina wag kasi.” hinarang nya ang sarili ng magtanggka akong bumalik. “Tsaka na tayo pumasok after nilang kausapin si Winter.”

“May idea ka na ba tungkol sa plan ni Irene, Yeri? Bago mo pa kami dalhin dito?” hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

“Kanina lang din ako sinabihan ni Irene. She’ll talk to Winter daw muna bago ka nya kausapin tungkol naman sa plans nya for you.” sabi nya. "Kumalma ka nga." Tumalikod ako sa kanya at napahilamos nalang ng mukha. Hindi ko na talaga masundan ang mga trip ni Irene. First she set me up on a drama and now, she's setting up Winter. Sa pagkanta pa talaga.

Sinusubukan nya talaga ako. Wala naman akong pake sa kung ano man ang binabalak nya pa sa’kin. Pero about kay Winter. Hindi talaga ako mananahimik nalang.

Nagpabalik-balik na ako sa paglalakad sa harap ng pinto. Gusto ko nalang padabog na pumasok bigla at kunin sya sa loob. Inaalala ko lang kasi si Winter. This is too much for her. Para na ring binabalik ni Irene si Winter sa past nya. I just wish na hindi ito maka-apekto ng grabe kay Winter kasi I swear kapag nalungkot na naman si Winter. I’ll never forgive Irene.

“It’s just a song Rina. Kakanta lang ng isang kanta si Winter bakit parang sobrang affected ka? Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa assistant mo?” pang-uusisa sa’kin ni Yeri. Tinignan ko naman sya ng seryoso.

“She’s not just an assistant to me Yeri, she’s more than that. And Winter doesn’t like singing kaya nag-aalala ako.” sabi ko.

“Ako ha, Karina nakakahalata na talaga.” Huminto ako sa ginagawa kong pagpapabalik-balik sa harap ng pinto at takang tinignan sya.

“Yang mga kinikilos at ginagawa mo for her…nakaka-panibago. It’s not like you. Hindi ka naman ganyan sa ibang tao lalo na sa nagta-trabaho lang for you.” She paused at seryosong tinignan ako sa mga mata. “May kailangan ba akong malaman?” she asked. Eyes not leaving mine.

Napalunok ako.

Yeri’s my manager and a family too ever since nagsimula ako sa industry na to. Kahit na madalas kaming nag-tatalo at nagbabangayan mostly sa mga bagay na ginagawa ko. She’s always there. Never nya akong pinabayaan. She also went through a lot lalo na noong nasangkot ako sa malaking scandal with Mark na muntik ng sumira ng career namin both last year. Ayoko na rin na maulit ang bagay na yun. Nangako ako sa kanya na hindi na ako magtatago ng sekreto sa kanya lalo na yung mga bagay na pwedeng maka-apekto sa career ko.

My Love From The ChurchWhere stories live. Discover now