Problem arises

989 48 18
                                    



May bigla nalang nagbago sa'min ni Winter and it's good, really good.

"Karina wag ka nga sabing kumain nyan dyan." suway ulit sa'kin ni Winter trying to grab the bowl of cereal na hawak ko. "Magkakalat ka na naman." complained nya.

Iniwas kong mabuti sa kanya ang kinakain ko. Napatayo pa nga ako mula sa pagka-upo ko sa couch.

"Winter hindi naman ako makalat ah." sabi ko. "And why mo naman ako pinagbabawalan kumain dito sa sala ko? Sa sala ko." I questioned her habang pinagdidiinan yung karapatan ko sa sala ko.

She huffed at tumigil sa harap ko.

"Anong hindi makalat?! Kahapon lang natapon mo yung bowl ng cereal na kinakain mo dito. Sa sala mo." annoyed na sabi nya.

"That was yesterday." mabilis kong sabi habang nakangiti sa kanya. I think mas lalo ko syang nainis kasi sumama na yung tingin nya sa'kin.

When I said na what shifted between us is good. I mean it.

Are we close? I think. I mean saan ka ba nakakakita ng isang celebrity na pinagagalitan ng kanyang P.A? So masasabi ko na we're really close na.

Do I like it? Definitely yes. Am I complaining? No. Sino bang magco-complain when it's Winter? Si Winter to.

A week after ng nalaman ko about sa condition ni Winter mas naging attentive ako sa kanya. Gusto ko yung lagi ko syang nababantayan. Na lagi nya akong nakikilala. It just scares me. What if one day she would never recognize me? That thought scared me.

Napabalikwas na ako at tuluyang umalis ng kama. I'm sure nag-uusap parin sila nila kuya Renjun at mga friends nya sa sala. Hinayaan ko muna sila since it's their time naman. Their time with Winter. Alam kong napaka risky talaga ng ginagawa ko but I can't help it. Ayoko namang makita na nalulungkot si Winter.

Kuya Renjun asked me kasi kung pwedeng pigilan ko muna si Winter na lumabas-labas ng condo. Kailangan daw muna talagang magpahinga ni Winter. Also I know na Winter's thinking about Minju, a lot.

Speaking of Minju. Ipinaalam na sa'kin ni Kuya Renjun ang plano nila to sneak Winter sa hospital room ni Minju before ito lumabas ng hospital. Obviously the two of them wants to see each other, badly. Magsisinungaling ako if I say na hindi ako nakakaramdam ng selos which is really weird kasi why would I be jealous?

This weird feeling I get from Winter. Should I acknowledge it? I think it's too early para mag-jump ako sa ganuong conclusion. Na maybe, I'm... I'm i—

"Karina—sorry." she apologize matapos makita ang gulat kong reaction.

I composed myself bago lumapit sa kanya.

"Pauwi na ba sila?" I asked.

Tumango sya.

"Hatid na natin sila sa pinto." sumunod nalang ako sa kanya palabas ng kwarto ko.

Naabutan naming nakatayo na sa sala si Kuya Renjun, Minseo and Yena. Kahapon sila Beom and Giselle ang nandito para kumustahin si Winter.

"Thank you Karina." sabi ni Kuya Renjun.

"No problem." sabi ko smiling towards them.

"Sa susunod tayo naman ang magkwentuhan Karina. Nakakahiya naman sayo na lagi ka nalang naming ginugulo rito."

"Sure Minseo. Don't worry okay lang naman sa'kin. You're here for Winter naman eh."

"Yun na nga eh!" malakas na singit ni Yena. She said sorry after nyang marealize na napalakas ang boses nya.

My Love From The ChurchWhere stories live. Discover now