Lilies

1.3K 75 19
                                    





Kaagad syang napabuntong hininga ng makita nya ako pagbukas nya ng pinto.

Kanina pa talaga ako nakatayo sa labas ng kwarto nya. Nag-iipon na naman ng lakas ng loob para harapin sya.

"Nagdala ka na naman nyan, alam mo namang sa basurahan lang din ang bagsak nyan." hindi ko mawari kung naiinis ba sya o nag-aalala base sa tono ng pagkasabi nya.

"Alam ko naman, but that doesn't mean I can't try, right?" sagot ko.

Tinignan nya naman ako na parang nayayamot.

Siguro ay naiinis na talaga sya sa kakulitan ko.

"Wala pa si ate Solar kaya pwede ka pang makapasok." humikab naman sya at napakamot pa ng ulo.

Pansin kong medyo magulo pa ang ayos ng buhok nya at lukot-lukot ang suot nyang t-shirt.

Siguro ay magdamag na naman syang nakabantay sa kanya.

"Bibigyan ko kayo ng ilang minuto, bibili lang ako pagkain sa labas." sabi nya. Binuksan nya namang mabuti ang pinto at tuluyan na akong pinapasok.

"Salamat, Hye."

Tinanguan nya lang ako.

Inantay ko munang maka-alis si Hyewon bago ako naglakad palapit sa kanya.

Inasikaso ko muna yung bulaklak na dala ko para sa kanya.

Ang paborito nya.

Lilies.

Hanggang ngayon pala-isipan parin sa'kin kung ba't ito ang paborito nya.

Mabilis kong pinalitan ang lumang bulaklak sa vase. Inilagay ko ang bagong lilies na binili ko doon parin sa suki nyang tindahan ng mga bulaklak.

Ng masiguro kong maayos na ang bulaklak ay naupo na ako sa upuang katabi ng kama nya.

Napatingin ako sa mga machines na naka-kabit sa katawan nya.

"Sorry, ngayon lang ulit ako nakapunta...ate mo kasi." nakangiting simula ko.

"Binili pala ulit kita ng paborito mong bulaklak." sabi ko. Bahagyang nilingon ko ang lilies na nasa vase.

"Diba lagi mo akong sinusungitan nun kapag di kita binibigyan ng bulaklak? Ngayon ba magsusungit ka parin? Lagi na kitang binibigyan..."

Sandaling natahimik ako.

Pinipigilan ko ang sarili kong wag maiyak.

Ayaw nya ng ganito ako eh.

"Sayang nga lang, kung kailan di mo mahahawakan at maamoy yung bulaklak tsaka kita binibigyan." I chuckled bitterly.

"Natapos ko na ang training ko...3 months nalang Min, magta-take na ako ng temporary vows ko." ipinatong ko ang kamay ko sa kamay nya.

"Min, p-please wake u-up." my voice cracked.

Tuluyan na akong umiyak.

Parang sirang plakang nagp-play sa utak ko lahat ng nangyari.

Ako ang may kasalanan pero bakit iba ang napaparusahan?

Hindi deserve ni Min ang mahiga sa kamang to at maikabit sa mga machines na to.

My Love From The ChurchWhere stories live. Discover now