Chapter 1: I'm His Maid

70.5K 814 37
                                    

Chapter 1: I'm His Maid

 

Ba't ganun? parang ang tagal ng oras? gusto ko na umuwi..

"Recitation tayo ngayon! dahil tapos na ang discussion tignan natin kung may naintindihan na kayo, at para malaman natin kung sino ang nakikinig," sabi nung Teacher ko..

Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya, masyado akong inaantok, kulang pa kasi ang tulog ko.. Nakakainis kasi si Lance kagabi.. 

Si Lance kasama ko sa bahay..Anak ng Amo ko which is Amo ko na rin.. Mukha palang niya naiisip ko, naiinis na ako. Paano ba naman kasi! Kasalanan niya kung bakit ako inaantok ngayon, Jeez!

 Inalala ko yung nangyari kagabi, kung bakit ako puyat..

"Aril! Gawin mo nga 'tong homework ko!" sigaw niya sa may bandang pintuan ng kwarto ko.. Ayan nanaman siya! magpapagawa ng Homework.

"Okay!" sigaw ko at bumangon sa kama ko.. Nagkukusot ng mata bago ko siya pinagbuksan ng pinto..

"Anong subj--" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil wala ng tao.. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko, wala na si Lance. Tumingin ako sa baba at nakita ang Libro nakalagay sa lapag. Iniwan niya siguro? Anong siguro, OO!

Napakamot ako sa aking ulo, hindi dahil sa kuto, wala ako nun! Dahil sa pagkainis. Kinuha ko ung libro at pumasok sa kwarto..

Math..

 

Napaka-dali ng Math eh. Pagkabukas ko may note..

 

The Note says:

 

 

Aril gawin mo na lahat ng excercise at Activity jan sa book ko page 61-100 para pag pinagawa kami ng Activity sa School di na ako gagawa! :)

 

~

 

Ano ba naman yan.. Ba't ang tamad niya? dati di namn siya ganyan.. 61-100? Ayos lang siya aabutin ako ng umaga pag-ginawa ko yun.

Napakunot ang noo ko. Umupo ako sa upuan at inilapag ang libro sa table at sinimulan ko na ang activities niya.

Hanggang sa...

"hahahahahahaha, Lance wag diyan nakikiliti ako!" may narinig akong babae na tumatawa sa kabilang kwarto.. 

Si Lance siguro nagdala nanaman ng Babae sa bahay.. Siguro nanaman? Oo.

Napa-iling na lang ako, Di ako makapag-concentrate!

Lumabas ako ng kwarto at kumatok sa kabilang kwarto kung saan humihiyaw ang babae, ang kwarto ni Lancce, rude na kung rude, di ako makapag-concentrate sa paglalandiang ginagawa nila..

 

*Tok! Tok! Tok!*

 

"Anong kailangan mo?" sabi ni Lance ng nakabukas ang buttons ng polo niya..

Kanina nung umuwi ako ng bahay maayos pa toh ha?!

I'm Just His MaidWhere stories live. Discover now