Chapter 40: (part 3)

20.9K 290 34
                                    

-----------------

Chapter 40: (part 3)

Aril's POV

'Just act like nothing happened for the last five years. And you'll get used to it' umaalingawngaw ang sinabi saakin ni Jurris sa kwarto ko, Secreatry ko. Sinabi niya saakin yun nung isang araw.  Nakatingin ako sa Pusit na 'to..  Yung manika na ibinili saakin ni Lance dati. Yung nag fieldtrip kami sa Ocean park. Kahit lumang luma na ito, wala na nga ang isang mata nung octopus flushie na ito eh, Tinetresure ko talaga ang mga gamit na ibinibigay niya saakin. Lahat pinapahalagahan. 

Napabuntong hininga ako, umayos ng higa sa kama, nakatingin lang ako sa puting ceiling ng kwarto ko. "You're engaged with Cleo Beatrice, I should deal with that" Wala akong planong maghiganti. Bakit? Naalala ko kasi ang mama niya, Tita Lana. She's nice, nung mawala siya pinangako 'kong aalagaan ko si Lance.

Nagawa ko na ang dapat, umakto ako na walang pakialam......kahit ako'y nasasaktan.

Bakit pa? Napabuntong hininga ako at iginala ang tingin ko sa kwarto ko. Napangiti ako nung makita ang picture naming tatlo ni Ace at Drake.

Umupo ako sa kama ko at parang may nakapaa ang paa ko sa baba ng kama ko. May isang bagay akong natapakan, natatakpan ito ng mga papel na pinagdrawingan ko. Nilihis ko ang mga iyon at nakita ang isang lumang box, Biglang tumulo ang luha ko, "Memories?" basa ko sa box, biglang nanginig ang mga kamay ko. Bumalik lahat ng mga alaala ko last five years...

Kumabog ang puso ko nung binuksan ko na ang box, nakita ko ang mga paper planes na gawa ni Lance nung High school pa kami, ipinapalipad niya ito saakin, sa paraan na iyon siya nagpapasa saakin ng mga notes niya.

Hinawi ko ang ibang mga papel..

at napahawak ako sa bandang dibdib ko, ano ba 'to! 

Picture...

I saw a picture of Lance and......me

Dahan dahan kong kinuha iyon, by looking the picture, Masaya kami rito sa larawan...

Ano na ngayon? .....Masaya pa ba kami?

No.Because everything changed even the situation..

"Aril?" agad agad kong pinunasan ang luha ko, itinago ang box sa likod ko at tinakpan ng kumo't unan.

"Drake! Saglit lang ha? Magbibihis lang ako. Just wait here, mabilis lang ako.." sinenyasan ko si Drake ng saglit lang at pumasok na ako sa walk in closet ko, isinarado ko ang pinto at napasandal rito..

**Drake's POV

Bakit naman bigla siya nataranta? Umupo ako sa kama niya, parang may nauupuan ata ako? Tumayo ako at tinignan ko kung ano ang bagay na naupuan ko..

Tinanggal ko ang kumot at nakita ko ang isang average na box, Kinuha ko iyon at tumingin tingin sa paligid.. No sign of Aril kaya binuksan ko agad..

"Memories?" basa ko sa box, "Paper planes?" natawa ako, I know that Aril loves to collect things, Kahit maliit na bagay pa yan tinetresure niya. Habang tinitignan ang mga paper planes, may napansin ako... may nakasulat? Maingat kong binuklat ang papel..

Napakunot ang noo ko nung mabasa ang nakasulat sa paper plane na hawak ko, "Hintayin mo 'ko sa labas?" basa ko sa note.

"Kain tayo mamaya treat ko, Mcdo gusto mo?" lalo akong naguluhan, hindi sulat kamay ni Aril ito, ang panget kasi. Woah! Binasa ko pa ang ibang papaer planes na may sulat, "Buhatin mo ang bag ko?" Dafuq, ano yun?

"By: Mr. LDC Poging pogi?" sino iyon? May signature pa. Nahalata kong sulat ng iba iyon, dahil alam ko ang sulat kamay ni Aril.

I guess, luma na ito.. Ibinalik ko sa dating tiklop ang mga paper planes at ibinalik sa box, isasarado ko na sana ang box pero nakuha ng atensyon ko ang isang papel..

Picture? Nakatalikod ito, napangiti ako, Makikita ko ang picture ni Aril nung High school pa siya, maasar ko nga mamaya..

Kinuha ko iyon at hinarap ang larawan..

Aril with Lance? nakangiti sila rito at parang sayang saya na magkasama sila, kahit andaming dala ni Aril na gamit.. Nakangiti pa rin siya at parang hindi nahihirapan..

She seemed very happy those days, unlike now.. minsan lang siyang ngumiti, some of her smiles are fake, pilit lagi..

Ibinalik ko agad sa ayos ang box, baka ma-crumple ko pa 'to..

"Drake, ayos na 'ko. Halika na?" right timing!

"Uhh, oo. Sige tara na!" kinuha ko ang camera ko at tumayo na..

Si Lance kaya ang mga nagsulat nun?

Pupunta kami sa Fuentes Towers, doon kasi gaganapin ang meeting ng Fuentes Group. May project na bago...

Aril's POV

"We have this new project, magte-team up ang Fuentes Group at DC Corp. It's about the April Issue ng REandDangerous (REDandDangerous) Magazine sa Japan, Ang ating model na napili ay si Cleo Beatrice" tumayo si Cleo sa inuupuan niya, at nag bow. "...Lance dela Cruz, ang partner. At the one and only lovely Ms.Arilliane sa pag design, pick ng damit na imomodel ng Partners. Drake will be the one who'll be taking the pictures. It's all about the SummerificWinter collection" nagpalakpakan ang mga tao, bakit? Bakit...kami magkakasama.

"Bukas na ang flight sa Japan, ready na ang mga tickets, sarili niyo na lang ang dapat ihanda." Bawal ako umayaw sa project na ito,  Kay Mr. Tamaki ang project na ito, isa siya sa mga bigating publisher ng Mag.. 

xx--xx

Yung nasa side po pala ang gawa ni Sis LadyKazumi na cover ng IJHM! Salamat~

Please, read Shopaholic Stella nasa External Link, grabe! Gawa yan ng pinsan ko parehas kaming magaling gumawa bwahahah! Self proc. XD

I'm Just His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon