Chapter 34: It's only a dream~

21.6K 301 31
                                    

******************************

Chapter 34: It's only a dream~

"No one dares! Walang magsasabi kay Lance tungkol rito! Got it?" sabi ni Michelle while giving her deadly glare.

"..." nakatingin lamang sakanya ang mga estudyante na nanonood kanina sa tinatawag niyang 'palabas' nila ni Aril.

"Answer me!" sigaw niya, hindi kasi umimik ang mga tinanong niya.

"O-opo" lahat sila'y takot kay Michelle, dahil ngayon...Hawak na ng daddy niya ang school na iyon

"Good to hear that! C'mon girls, dahil halfday lang naman ngayon...Let's go to the mall" sabi niya, agad namang sumunod agad ang grupo ng mga babae.

"Mama?" tawag ni Aril sa kanyang ina na papalapit sakanya. Kaya naman ay napatayo siya, Binigyan siya nito ng isang ngiti kaya naman napakurap siya. Totoo nga! Nasa harapan na niya ang kanyang ina..

Pero paano nangyari iyon? Sa pagkakaalam niya, nasa langit na ang kanyang mama...Paano nakabalik ito sa katawan niya?

"Aril anak.." napahawak siya sa may bandang dibidib niya at pinakiramdaman ang tibok ng puso niya, it feels good when your parents called you 'anak..' Kanina pa siya iyak ng iyak nasa lilim siya ng puno nakaupo, at nagiisa. Napagisipan niya na huwag munang umuwi dahil andoon ang amo niyang lalaki, masama pa rin ang loob niya na sinabi ni Lance sa kanyang kasintahan ang tungkol sa pagiging kasamabahay niya.

"Mama..." hindi niya na napigilan, tumakbo na siya papunta sa mama niya at niyakap ng mahigpit na parang ayaw niya na itong pakawalan dahil iniisip niya na she might lose her mother again. Naramdaman niyang niyakap rin siya nito.

"Aril, ang laki mo na.....nung huling kita ko sayo nung 12-13 ka palang" sabi nito sakanya "Nalaman kong nagkita na kayo ng iyong ama?" inangat niya ang ulo niya para makita ang mukha ng mama niya, nakangiti sakanya ito.

"Opo mama, nakita ko na po siya." sabi niya na walang kaexpression expression ang mukha. Kaya'y tumungo siya.

"What;s with the long face?" tanong nito sakanya at inangat ang ulo niyang nakatungo.

"Mama, hindi ko po alam na...na...." hindi niya matuloy ang sasabihin niya dahil bigla na lang bumuhos ang luha niya.

"*sigh* Aril.....gusto ko sabihin sa'yo na patawarin mo na ang papa mo. May rason siya kung bakit niya nagawa ang pangiiwan saatin ngayon. Naghihirap rin siya..." paliwanang ng ina sakanya.

"Mama, sa tingin ko po tama kayo. Kahit anong mangyari papa ko pa rin siya, kahit baligtarin ang mundo" nasagot na ang mga tanong na gumugulo sa isipan niya simula nung nakilala ang tunay na ama.

"Salamat sa Diyos at nagkaanak ako ng marunong umintindi, maganda at matalino" hinalikan siya sa noo ng mama niya at niyakap. Biglang may naalala ang dalaga kaya kumalas siya sa yakap ng ina pero hawak hawak pa rin niya ang kamay nito 

"Ma, valedictorian po ako"

"Mana ka talaga sa iyong ama, matalino.." nakangiting pahayag nito.

"Talaga po?"

"Oo babyAril, proud na proud ako sayo"

"I love you ma..."

"I love you too baby, patawarin mo na ang papa mo at bumalik ka na sakanya.."

At biglang napakurap nanaman siya dahil biglang nawala ang mama niya na parang bula, parang tinangay ng hangin.

"Ma?"

"Ma? nasaan ka na?"

****************

"Mr. Arellano, sigurado ka bang kahawig niya ang ate ko?" tanong ni Ace Alliane Fuentes sa Kaibigan niya.

"Ace naman, wag mo na akong tawaging Mr. Arellano. Drake na lang parang di tayo magkatropa. " sabi nito habang nakatingin pa rin sa babaeng natutulog sa Hospital Bed.

"Tsss.. papunta na daw si Dad dito. Hindi tuloy ako nakapunta sa practise namin." Si Ace kasi ay isang Singer, dancer at magaling umarte. Gwapo parang full package na, every girls dream.

Habang si Drake Arellano naman ay kaibigan ni Ace simula pagkabata. He has chinky eyes, at kapag nag english ng diretso nakoo! Baka pati ang tomboy ay mahulog ang undergarments! 

"Kahawig niya talaga yung nasa litrato eh, siya nga talaga! At dude ang ganda niya ha? Bata palang siya dun sapicture pero hindi magkakalayo ang features nun." hindi niya talaga maiwasang hindi mapatingin sa mukha ni Aril.

Tama kayo, si Aril nga ang nasa Hospital Bed. Kanina kasi pagkatapos niyang kunin ang Bussines Card ni Ariel Fuentes, ang tatay niya ay tumakbo siya. Nagaalala aagad si Drake kaya pinasundan na lang. Nagalit pa nga si Ace dahil may pupuntahan pa siya, buti na lang at sinundan nila. Bigla kasing napaluhod si Aril at nawalan ng malay. Kaya naman dinala nila sa Hospital...

"Asan siya?" napatingin sila sa isang llakeng pumasok sa kwarto.

"Tito Ariel, siya po yung nakita namin na nawalan ng malay..."

"Aril......Ace, siya nga.. Siya nga ang ate mo.."

Aril's POV

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, white ceiling?

Asan ako?

Nagulat ako ng may makitang lalaking nakatingin saakin, singkit at hindi ko ipagkakailang gwapo.

Teka siya ba yung Mr. Arellano? B-Ba't siya nandito?

"Hi" yung boses niya, ang lamig?

Cool lang.

"H-Hello?" sagot ko sakanya, naakwardan ako. Kaming dalawa lang ang nasa Hospi-----WHAT? Hospital anong ginagawa ko rito?

"Aril, nawalan ka ng malay kaya dinala ka namin sa hospit----"

""How did you know my name?" agad na tanong ko sakanya

"Uhmmm aish! Ako nga pala si Drake Arellano" tinatanong?

*eeeenggkkk*

Napalingon ako sa dalawang lalaki na nakatayo, teka siya yung nakasakay sa limousine kanina na tumawag kay ARellano? at yung isa naman........*gulp*

"Papa?"

**********************

Ace Alliane's story is THE HATER, nasa profile ko.. My works. Or just click the external link.

I'm Just His MaidWhere stories live. Discover now