Chapter 20: Comfort..

25.1K 318 20
                                    

Chapter 20: Comfort..

Aril's POV

Napayakap na rin ako sa taong yumayakap saakin.. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala..

"Anak.." naitulak ko yung matanda na nasa harapan ko..

"Ako ang papa mo.." masayang sabi niya pero nung tumingin ako sa singkit na mata niya..

Nakita ko lahat ng paghihirap ni Mama, laging umiiyak sa loob ng kwarto.. Halos mabaliw si Mama dahil kay Papa, di niya alam na sobra siyang mahal nito.. Laging tulala si Mama, at nasasaktan ako na iniwan kami ng tatay ko dahil may mas importante pa saamin.  Nakikita ko sa mata niya, lahat lahat parang nagbalik ang mga pangyayari, nung oras na binawian ng buhay si Mama..

Ang Ama ko na WALANG KWENTA.

"Wala akong Ama!"

Naramdaman ko na lang na may tumulo sa aking pisnge, marahas kong pinunasan iyon gamit ang likod ng kamay ko at humarap kay Lance..

"Aril!" narinig kong tumakbo palapit si Lance saakin at hinawakan sa balikat..

"Sir!" tawag sakanya ng kasama niyang si Rafael..

"Lance.." binigyan ko siya ng pilit na ngiti..

"A-aril.." hinawakan ako ni Lance sa kamay..

"U-Umuwi na tayo" at nanguna na akong maglakad..

Ansakit sakit sa pakiramdam na mawalan ng ama, oo. Pero ngayon bumabalik siya nung wala na si mama.. Si Mama lahat ang nagpalaki, nagalaga saakin at hindi ako iniwan..

Iniwan ni Mama ang pamilya niya dahil sa Papa ko, magkaaway ang pamilya nila dahil sa business.. Ang pamilya ng Mama ko ay isa rin sa may pinakamalaking Kompanya, itinakwil si Mama, mas pinili kasi ni Mama na sumama kay Ariel Fuentes.. ang aking ama, ako ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan, ngunit... Iniwan naman ni Papa si Mama dahil mas pinili nitong bumalik sa Pamilya niya, upang magbalik ang loob ng magpapamana sa kanya.. Pinagbubuntis palang ako ni Mama, iniwan niya na kami.

Di niya man lang ako hinintay.. Muntik na rin akong i-abort ni Mama dahil nawawalan na siya ng pag-asa, pero tinuloy niya ang panganganak saakin and she's very happy nung tinanggap niya na Bubuhayin ako. Dati pa nga, nung bata ako may nagpadala ng sulat na babalikan niya kami, kaarawan ko pa naman nun kaya sobra kong ikinatuwa na makikita ko na ang aking Ama. Ipapasyal daw kami sa Isang Carnival, ngunit nabigo ako. Si Mama pumayag na maging isang katulong sa Pamilya ni Lance para mabuhay kaming dalawa, hanggang sa bawqian siya ng buhay <//3

Di ko siya tatanggaping Ama, Wala akong kinikilala kahit Isa. </3

Lance's POV

Ang ngiti ni Aril ay napawi, nung marinig niya ang katagang "Anak.." sa kanyang Tatay? Nararamdaman kong Ama niya yun. Si Mr. Ariel Fuentes... di ko alam na siya ang tunay na ama ni Aril, isa siya sa mga investor ng Company namin sa business..

Nagulat ako ng maitulak ito ni Aril, nararamdaman kong galit siya. Hindi ko pa nakikitang magalit si Aril, at biglang itulak niya ito..

"Aril, ako ang papa mo.." sabi ni Mr. Fuentes

Bigla kong narinig na humihibi si Aril, at marahas niyang pinunasan ang luha niya

"Sir!" tawag kay Mr. Ariel nung kasama niya.

I'm Just His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon