Chapter 18: Orphanage..

26.1K 326 20
                                    

Chapter 18: Orphanage

3RD PERSON'S...

"Lance!  san na ba tayo? Are we there yet?" excited na tanong ni Aril kay Lance, nasa kotse sila ngayon ni Lance. Ang bagong kotse ni Lance na binili ng Ama niya bago umalis ng bansa. Ang Red Ford niya. Nakaupo si Aril sa Passenger's seat na ang pinapaupo lang ni Lance ay ang mga importanteng babae lang.

"La pa.." maikling sagot naman ni Lance habang nag-dridrive. Di alam ni Aril na pasulyap sulyap ito sa kanya dahil nakatingin siya sa view ng bintana ng sasakyan. 

"Anjan na ba tayo?" ulit na tanong ni Aril, di tagala siya makahintay, naeexcite siya kasi First time lang siyang ipapasyal ni Lance? First time nga ba? eh ano yung sa party ni Mich? Pero iba yun. HAHAHA!

"La pa" as usuall na sagot ni Lance, kakaumpisa palang ng byahe pero naiinip na agad si Aril.

"You sure?" pang-aasar ni Aril sa katabi niyang si Lance.

"Yepp.." tumigil ng saglit sa pagtatanong si Aril dahil medyo napagod na siya, at baka maubusan siya ng laway Hohohoho

*1 minute silence...*

"Are we there yet?" na-bored si Aril kaya naman inulit niyang kulitin si Lance, 'bored na bored na ako wala man lang akong magawa' sabi niya sa isipin niya

"Arghhhhh! Aril naman!" At ayun, nabanas na ng tuluyan si Lance sa kakatanong niya. Ang kulit kasi ehhh..

"Luhh! Inaano kita?" tanong ni Aril na parang inosenteng bata =3=

"Pwede bang tumahimik ka muna! kahit pagkatapos lang ng byahe na to.." Natakot si Aril kay Lance kaya sinunod niya na lang ang amo niya na tumahimik siya, upang libangin ang sarili tumingin na lang siya sa bintana instead na makipagdaldalan siya kay Lance..

"......." Di na siya sumagot, nagda-daydream na lang siya habang pinapanood ang mga kotse na nagsisi-andaran sa kalye

"Uhmmm.. Aril?" Tawag sakanya ni Lance, parang naguguilty siya na sinigawan niya si Aril.

"Hmmmm?" - si Aril na parang naghu-hum

"Dumaldal ka na nga lang." order sa kanya ni Lance

"...." pero di siya sinunod ni Aril, dipa rin ito umiimik. Nakatalikod kasi si Aril sa kanya at nakaharap sa  bintana ng sasakyan niya 'nagtampo kaya ito?' tanong ni Lance sa isipan niya

"Oyyyy" Kinulit niya ang dalaga pero wala pa ring response si Aril sa kanya

"...."

"Aril? gising ka ba?" Naisipan niyang baka tulog na ito kaya...

"..."

"Tulog nga " Doon niya nakumpirma na tulog ang kanyang katulong siguro dahil sa tagal ng byahe nila at pagod sa trabaho sa bahay niya.

Sinama ni Lance si Aril sa bahay ampunan nila, ang mama ni Lance ay mahilig sa bata kaya ito'y nagpatayo ng Orphanage.. Lahat ng pangangailangan ng isang bata ay narito na.. Sinama niya si Aril dahil hindi niya alam kung paano magpasaya ng bata kaya naman sinama niya, dahil alam niyang matutuwa ito. Mahilig rin sa bata si Aril, tulad ng kanyang ina ;D

I'm Just His MaidWhere stories live. Discover now