Chapter 41: Welcome to Japan!

22.4K 319 26
                                    

Magpapahinga ako ng isang linggo o mahigit. Gusto ko pagbalik ko madaming comments hahaha! *u*

ENJOY! :)

*****

 

Chapter 41: Welcome to Japan!

"Arillianne, ready ka na ba?" tanong saakin ni Drake.

Tinignan ko ang maleta ko, "Uhh.. Oo, kanina pa," inoffer niya saakin ang kamay niya

"Halika na" tinanggap ko ang kamay niya, sabay kaming naglakad papunta sa kotse niya, pinagbuksan ng pinto ng kotse.. 

"Salamat" sagot ko nung makasakay na kami, nasa passenger ako umupo, nginitian niya lang ako bilang sagot niya. I don't know but his smile is.....so....real? Unlike mine. *sigh* Minsan lang ako ngumiti, yung iba pilit pa. Simula nung nangyari na wala akong karapatan, unti unti ng nawala ang ngiti ko. 

Pero kapag ngumingiti siya, ewan ko pati ako nahahawa, napapangiti na rin ako. Hindi pilit..

Nagdr-drive na siya, bigla kong hawakan ang kamay niya, tinignan ko lang kung ano ang reaction niya.

Napangiti siya, "Bakit Aril?" he asked.

"W-Wala." sagot ko, aalisin ko na sana ang kamay ko pero hinawakan niya ng mahigpit iyon. Umiwas ako ng tingin, pinapakita nanaman niya yung dimple niya. 'Di ako makatagal! Ughh.

"Ba't ang pogi mo Drake?" natatawang tanong ko, pero nagulat ako dahil seryoso siya sa naging sagot niya sa tanong ko.

"Kasi, maganda ang future asawa ko. Kailangan pogi ako. At matagal na." kinindatan niya ako, binawi ko yung kamay ko. "Parehas na kayo ni Ace, nahawa ka na ba?" natatawang tanong ko.

"Siguro?" we both chuckled, paliko na sana siya ng daan pero pinigilan ko.

"Drake, two hours pa naman diba ang flight?" tanong ko, tumango tango siya "Oo, bakit?"

"Pwede ba tayong pumunta sa bahay ampunan dito banda?" turo ko sa isang daanan. Kumunot ang noo niya at sumagot "Bahay ampunan, bakit?" hinawakan ko siya sa braso at niyugyog. "Why? sige na!! Please, gusto ko lang bisitahin si Baby Hans, at yung mga bata. Dati kasi pumunta kami ni La----"

Bumuntong hininga siya at ngumiti saakin "Aril, sige.. Dederetso tayo dun, sino nga pala ang kasama mo dati nung pumunta ka?" nag drive na siya patungong bahay ampunan. Sasabihin ko ba? Bigla kong naalala si Lance pala ang kasama ko dati, siya nagturo saakin kung nasaan ang Orphanage. Napatungo na lang ako.

"W-Wala, mag drive ka na lang" I sighed.

***

"Aril, ikaw ba yan hija?" niyakap ako ni Mother Lloise. Nginitian ko sila at sumagot "Ako nga po," ngumiti rin sila, "Buti naman napabisita ka, limang taon ka naming hindi nakita, Sino 'yang kasama mong gwapong lalaki?" tinuro ni Mother Cynthia si Drake na nakatalikod. May kausap sa cellphone.

"Si Drake po.." nakangiting sabi ko, nagulat ako nung siniko ako ni Mother Lloise at ngumiti "Gwapo siya ha? Bagay kayo hija.. Teka, wala na ba kayo ni Lan---" nag 'shhh' sign ako kay Mother Lloise at niyakap ng mahigpit. Muntik na yun ah? Natawa na lang kami, naintindihan naman niya agad kung bakit ako nag 'shh' sakanya.

"Ikaw hija ha? Swerte ka." natawa ako sa sagot ni Mother Cynthia. Nakakatuwa, kahit matanda na sila.. masisigla pa rin.

"Ate Aril?" napalingon ako, nandito na ang mga bata.. at halos sakanila ay malalaki na. "Mga bata!" lumuhod ako sakanila at isa isa silang niyakap.

I'm Just His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon