Chapter 30: Cold

21.6K 265 21
                                    

Chapter 30: Cold

 

 

3RD PERSON'S..

 


Gabi na nung makauwi si Lance sa bahay niya, patay na lahat ng ilaw. Ayaw pa kasi siya pauwiin ni Michelle dahil sa dahilan nitong takot siya sa Hospital, kaya pinabayaan niyang makatulog muna bago umalis..

Hindi na siyang nag-abala pang kumatok dahil bahay niya naman diba?

Pagod siyang galing Hospital, dahil sa kaka-encourage kay Michelle na wag ng matakot sa mga doctors, peros sadyang maarte lang talaga, Ng makapasok siya..

 "Lance?" napalingon ang binata kung nasaan ang dalaga, nasa pinaka-puno ng hagdanan..

"Aril, ba't gising ka pa?" tanong niya sa dalaga..

"Hinihintay kasi kita.." napatingin sakanya si Lance na parang hindi sigurado sa narinig

"B-Bakit mis-----" balak pa sana ng binata ang mag-biro pero inunahan na siya nito.

"Hindi, paguusapan natin yung tungkol sa contract.."

"What about the contract?" -kunot noong tanong niya sa dalaga na naka-pajama's..

"Pag-uusapan? I guess tapos na ang Oper----"

"Tomorrow, let's talk about it tomorrow.." sabi niya at inunahan ng umakyat, hindi man lang siya sinabihan ng 'Goodnight' o 'Hello' man lang, naninibago si Aril sa pinakitang ugali ni Lance, and she felt something poked her heart..

"K-Kumain ka na ba?" tanong ni Arikl habang di pa umaalis sa pwesto niya, nandun parin siya sa pinaka puno ng hagdan, hindi rin siya tumingin sa tinatanungan niya..

Tumigil si Lance sa paglalakad sa hallway kung nasaan ang pinto ng kwarto niya, "Kumaen na ako, so don't bother"

"Ahh o-okay." atb tuluyan ng pumasok ang binata sa kwarto niya..at ni-lock ito..

*sigh*

 At dahil sa inasal ni Lance kaninang umaga, tinamad na siyang mag-luto..

Aril's POV

*kuro-kuro*

*sigh*

"Dapat pala kumaen na ako kanina" sabi ko habang tinititigan ang teddy bear na bigay saakin ni Lance nung 13th b-day ko...

*tok tok*

Oh si Lancew, ano kaya problema niya? nagugutom na kaya siya?

 Aishhh, napaka-bipolar..

Tumayo ako agad agad sa pagkaka-upo ko sa kama at pinagbuksan siya..

Pero nung mabuksan ko na, wala namang Lance? Asan na yung kumatok?!

Isasarado ko na sana yung pinto ng may nahagip ako, Mcdo?

May Supot ng Mcdo sa lapag ng pintuan ko, Happy Meal?

Napangiti ako at tinitigan yung pintuan ni Lance, kaharap lang kasi ng kwarto ko ito..

"Sus, nag-abala ka pa" sabi ko at kinuha na ang supot sa lapag..

 

3RD PERSON'S..

 Kinabukasan...

 

 

"So, Aril...tungkol rito" sabi ni Lance habang nasa sala sila ni Aril, nakaupo sa couch at hawak hawak ang contract..

 "Hmmm? Nabalitaan ko kase na kayo na ulit ni Michelle, tapos na yung Operation natin na Ibalik ang dapat maibalik"

"So, i-eend na ba natin to? kasi tapos na.."

"Yeah, parang ganun na nga, so diba may deal tayo jan?"

"But, after we end this.. Are you sure that you're going to live my house?" tanong ni Lance habang nakatingin sa kawalan

"Si-----Lance, i need to.. gusto ko mamuhay ng malaya, please" ayun lamang ang gusto ni Aril ang magpakalayo layo, ayaw na niyang maging isang katulong ng isang dela Cruz. Kung magtratrabaho man siya yung katulad na lang sa mga Fastfood, magiging isa siyang crew.

"Okay" sagot ni Lance at umakyat..

Iniwan ni Lance yung papel sa lamesa, yung Contract nila ni Aril na may pirma..

Si Aril, bumuntong hininga na lang..

"Hindi mo man lang ako pinigilan" sabi niya palihim..

Napaisip siya 'Ano na ba tong nangyayari saakin! Ang weird weird ko na, siguro dahil nag-iba na rin si Lance ng pakikitungo saakin Aishh' sabi niya sa isipan at bumuntong hininga uli

 

"Aish! Eto ang gusto mo Aril, kaya tanggapin mo.." sabi niya pa sa sarili niya, patayo na siya ng biglang may nag door bell..

 

*ding dong*

 

 "Hmmmp, wala namang sinabi si Lance na may bisita siyang darating" at pinagbuksan niya na ito..

Halos mahulog ang eyeballs ni Aril sa nakikita, si Michelle na nasa labas ng bahay nila wearing a big smile..

Tinaasan siya ng kilay nito at nagsalita "Hindi mo ba papapasukin ang girlfriend ng family friend mo?" maarteng sabi nito kay Aril ng siya'y pagbuksan

"Ahhh ehh, pasok ka.." so, totoo ngang pinutol na ni Lance ang tinatawag nilang 'ARILANCE'

Inunahan na siya nitong pumasok, umupo agad sa sofa..

"So, where's Lance?" tanong ni Michelle sakanya ngunit hindi nakatangin sakanya, sa Iphone niya ito nakatingin at parang may ginagalaw galaw..

"Nasa taas siya.."

"Oh? edi tawagin mo! Ikaw na nga lang nakikitira dito" at may binulong bulong pa si Michelle na hindi niya maintindihan

Tumungo na lang siya papuntang hagdan at tinawag si Lance..

While Michelle is wondering around habang tinatawag ni Aril si Lance sa kwarto nito..

Napatitig siya sa isang papel, nakalagay sa mesa kaharap ng sofa..

Kinuha niya ito at tumingin tingin, no sign of Aril and Lance kaya naman binasa niya ito..

Hindi siya makapaniwala sa nakikita, "This is it! Eto ang magpapabagsak sakanya" she murmurs..

And her lips formed an evil smile in a Michelle Alcantara's way..

****************************

I'm Just His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon