Chapter 16: Missing...

23.8K 316 24
                                    

Chapter 16: Missing...

 

 

Someone's POV

 

 *Knock, Knock*

 


"Pasok.."
pumasok agad ako nung nagsalita na ang boss ko..

"Ano? may balita na ba?" tanong niya habang malalim ang iniisip. Ang boss ko ay isa sa pinaka mayaman na tao dito..

"S-Sir... sa asawa niyo po..." di ko maituloy tuloy ang sasabihin ko, baka kasi mabigla siya..

"Ituloy mo na Rafael.. Ayoko sa lahat yung pabitin" sabi niya na parang naiinis na, nakaupo siya sa Office table niya, madilim sa kwarto niya.. Sa Office niya.. 

"Nal-Nalaman ko po na sa Asawa niyong si Natalya Divina.." 

"ANO BA?! ITULOY MO ANG SASABIHIN MO, PINILI KITANG PRIVATE DETECTIVE para mahanap ang Pamilya ko... dahil ikaw ang pinaka magaling at umaasa ako na buhay pa sila.." bumaba ang tono ng boses ni Sir. Ariel, nakatingin lang siya sa isang picture, nakaharap sakanya kaya hindi ko kita dahil nasa harapan niya ako..

"Pa-patay na po si Ms. Natalya Divina..." sinabi ko na sa kanya

*BLAGGG*

"P-patay na?" napatayo si Sir Ariel sa nalaman niyang balita galing saakin..

"O-opo sir" sabi ko ng nakayuko, si Sir Ariel kasi walang Pamilya.. ang alam ko lang may asawa siya at isang anak.. Mayaman siya nasa kanya na lahat ngunit nakakalungkot isang pamilya na uuwian ay wala siya :(

Napaupo si Sir s aupuan niya at "Maari ka ng umalis.." sabi niya

Palabas na ako ng "Rafael, ibigay mo saakin ang way bukas kung saan ang libingan niya" malungkot na sabi niya at hawak hawak ang picture frame..

Tumango ako, pero humarap uli ako sa kanya "Wala pa po akong balita sa anak niyo po.." sabi ko

"B-buhay pa siya?" tanong niya at parang nabubuhayan na loob

"Sa ngayon po ang sagot na yan ay hindi ko maisasagot.." sabi ko at lumabas na ng kanyang opisina.

I'm Just His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon