Chapter 21: Ice Cream (part 1)

23.1K 278 13
                                    

Chapter 21: Ice cream (part 1)

Aril's POV

 

"Aril, gusto mo ba ng Ice cream?"  Tanong saakin ni Lance..

Isang linggo na ang nakalipas nung makita at makilala ko ang Papa ko, kapag naiisip ko iyon bigla na lang akong matatahimik at maiiyak. Di ko pa rin tanggap, gabi gabi akong nakatingin sa larawan ni Mama at kinakausap ito na parang baliw pero malay mo? Pinapakinggan ako ni Mama at sumagot siya. 

"Ha? Ice cream... wala ako sa mood kumain eh.." sabi ko, nasa swing ako ngayon. Si Lance ang kasama ko, dahil si Kevin ayun may problema sa pamilya.  Sa ate niya..

"Sus, di ka matakaw ngayon? Sige na.. treat ko naman ehh" sabi ni Lance habang nagstastart ng bumuwelo dahil magswiswing na siya.

Nakakapagtaka kay Lance, parang di na siya naging masunget saakin. Lagi siyang nakangiti saakin, lagi akong pinapangiti. Di na ako masyadong inuutusan. Minsan pa nga parang mas inaalagaan niya ako kesa sa ako ang mag aalaga sa kanya, parang di na ako ang katulong niya eh. Bumaligtad ata? O______O

Ako naman nakaupo lang sa siwng, pinasyal ako ngayon ni Lance dahil nag mumukmok nanaman ako sa kwarto ko pagkatapos ko gawin yung mga gawaing bahay ko. Eh sa nalulungkot ako kapag naalala yung mga pangyayari sa Pamilya ko.

Napatingin ako kay Lance na tumigil sa pag swing, walang masyadong tao ngayon dito sa park pero may mga mag gf at bf ang napasyal, pamilya at magkakaibigan..

Naiinggit ako sa kanila dahil, sila kompleto masaya.

"Oyyy! Lance, san ka pupunta?" tanong ko nung tumayo siya.

Nilingon niya ako at ngumiti saakin O//////O"Aril, laway mo natulo.. HAHAHA! Dyan ka lang.. may bibilhin lang" sabi niya. Oo nga no? Nginitian niya lang ako napatulo tuloy laway ko. Nakakahiya Bwichit =____________=

Nakatingin lang ako sa malayo, pinapanood ang mga bata na naglalaro sa playground..

"Aril oohh.." napatingin ako kay Lance na may inaabot na ice cream..

Dalawa ang dala niya isa para saakin at para sa kanya..

:)

Tinanggap ko naman "Salamat" sabi ko..

"Alam mo..." sabi niya habang umupo sa katabing swing ko..

"Ano?"

"............"

XX--XX

Si Lance nga pala yung nasa side :) Gwapo no? Ang sarapp niya-----Asdfghjkl i mean yung Ice cream HAHAHAHA. -CookieSmasherr

I'm Just His MaidWhere stories live. Discover now