Chapter 1

305 38 9
                                    

Chapter 1

"Hi, Alex. Good Morning." bati sa akin ng mga nakakasalubong ko pagpasok ng school namin.

"Good morning." I smiled at them at naglakad na patungo sa room namin.

Haist. Another long boring day in school with my best friends, fake friends, schoolmates, favoritism teachers and with my sipsip classmates.  

Nang makarating ako sa room namin, bumungad na naman sa  akin ang napakalaking name ng section namin, 11 ABM- Bill Gates,sino ba kasi ang naka-isip ng ganyang kalaki? Ang baduy ha, Sino pa nga ba? -Edi si—..

OH MY GOSH! speaking of the witch- este sipsip- este which.. Hehe nadulas ang dila ko..Peace.

Biglang sumalubong ang mga friends ko. Feeling na man nila ang tagal na noong huli kaming nagkita kita, eh, kahapon nga lang ang huli.

Unang sumalubong sa'kin ay si Chrisley, ang class mayor namin, na nakaisip ng napakalaking name section na nakapaskil sa harap ng room. Siya ang pinaka-maarte at pinaka-malandi sa group of friends namin. —Crossed fingers, sana hindi niya malaman toh—. So, eto na  nga, siya ang pinaka friendly sa amin at minsan sobrang nakaka-irita ang ugali. "Oh my, Alex. I miss you, mare. Ahhh!." napatakip ako sa tenga ko nang bigla siyang tumili at nagtatatalon habang yakap ako. Sabi na diba?!. Sarap sigurong ihulog sa impyerno ang babaeng to!.

"Stop it, Ley. Just tell me if you want to squeeze me!." patataray ko.

"I'm sorry, sis. Miss lang kita ng sobra kaya ganon." ngumiwi siya. Pasampal nga— ay 'wag nalang good girl pala ako hehe—, next time nalang kapag may time.

Binati rin ako ng iba kong mga friends, si Phamella the ML player/ pinsan kong feeling mabait. Shentle the sweet GF na palaging nananakit kapag kinikilig. Francine the Marupok. and Ella the I'm-Miss-Serious-Don't-Talk-To-Me/ Miss-Sungit. Oh diba, gayan ang mga iniisip ko sa mga friends ko. Sorry not sorry. Totoo na man kasi, eh. Char....

Kaming makakaibigan ay galing sa mga mayayamang pamilya, pero mas pinili naming mag-aral sa isang pampublikong paaralan para mas matuto kaming dumiskarte at mas maging mature, dahil sabi nila kaming mga 'rich kid' daw ay mga walang alam, wow ah... at palaging nagsusunog lang ng pera ang alam namin. Haist. Judgemental people.

Having my friends is a God sent, hindi man kami magkakapareho ng dugo, pero turing namin sa isa't isa ay pamilya. They are a blessing to me. They appreciate me, they give me the attention I've been seeking for, in all of these years, and the love of a family I've been dreaming off, since THAT day of my life.

I hope someday, the love and promises we have as a friends, as a sisters and as a family will stay until the end.

Bigla akong natauhan nang kinalabit ako ni Chrisley. Nang tumingin ako sa kanya, nginuso niya ang pintuan kaya tumingin din ako, at may nakita akong gold....

"Gold di— este Gold morning classmates." pasigaw na pagbati ni Chrisley sa mga classmates namin ng pumasok si Mia, isang gold dig- este classmate rin namin. Tumingin kaming lahat sa kanya.

"Hoy, babaita ka. Magsitigil ka ha. Class Mayor ka pa naman" bulong ni Stephanie, pero narinig parin naming malapit sa kanya.

"Oppss. Sorry for that. Hihi" sigaw ulit ni Chrisley. Napailing nalang ako at nagtungo sa upuan ko sa bandang dulo malapit sa may bintana, katabi ko si Chrisley at Pham.

Nakipagkwentuhan lang ako sa mga kaibigan ko hanggang sa dumating ang adviser namin, si Mr. Harvey Reas.

"Good morning class."

"Good Morning, Sir." bati namin at may narinig pa akong nagsabi ng 'baby' at 'babe', hindi ko sinasabing isa ako dun, ah.

"As what I've said last week, we will be having a seat arrangement at walang pwedeng mag-complain dahil..." tinignan niya kaming lahat. "dahil hindi pwede. If you have a complain to your seatmates, be my guest and leave my class. Understood?" he asked at pinasadahan ulit kaming lahat ng tingin.

Sunshine In The DarkWhere stories live. Discover now