Chapter 2

294 34 7
                                    


Chapter 2

WHEN we got home it's almost eight because there was an accident nearby.

I went straight to the kitchen and I was even more nervous, nasa bungad pa lang ako ng dining area nang makita ko si Lola na masaya at nakangiti, malakas pa ang kanyang tawa. Nandon din si Dad, Mom, ang dalawa kong kapatid and parents ni Pham, si Tito Victor and Tita Clariz.

Si Pham ay nasa labas pa. Kinakausap ng mga friends namin. Hanggang ngayon medyo galit pa ako sa kanya. Pano ba naman kasing hindi ako magalit, eh ilang beses ko siyang tinanong. Okay lang naman sa akin kung sinabi niya kaagad, diba? Kasi naman eh, yung feeling na-grrr. Nevermind.


"Good Evening, po." bati ko sa kanila. Tumahimik silang lahat at nabaling sa kin ang atensyon.


Akmang lalapit na ako sa kanila nang magsalita si Dad. "Why are you late, Alex?" there is an authority in his voice.


"I'm sorry Dad. Late po kasing natapos yung last class namin." sabi ko, naiilang na dahil sa mga mapanghusgang tingin nila sa akin. "And there's an accident nearby po kasi. Kaya natraffic po yung sinakyan po namin."


"Namin?" tanong ni Lola na may panghuhusga sa tono ng kantang pananalita.


"Opo."

"Sinong kasama mo Alexandria?" tanong din ni Tito Victor,there's a doubt in his manly voice.

"Si Ph-" I was about to tell them kung sino ang kasama ko nang magsalita ulit si Lola.

"You're late and you tell us that you're with someone? Babae ka pa naman, Alexandria! Ganitong oras ba umuuwi ang mga matitinong babae?" sigaw niya sa akin.


"Ma, tama na muna yan. Nasa hapag tayo." malumanay na sabi ni Mommy. "Alex, magpalit ka muna bago kumain." sabi niya sa akin nang hindi man lang tumitingin.


"Garry, Sandra, sabihan niyo yang anak niyo. Tatanda yang walang pakinabang sa pamilyang ito kung hindi niyo didisiplinahin." sabi ni lola sa mga magulang ko bago siya bumaling sa akin. "Ikaw naman, kababae mong tao, late ka na kung umuwi. Be mature enough to go home bago dumilim."

Tumango nalang ako.

Tumingin ako sa kapatid kong si Eleanor. There is a sympathy in her eyes while looking at me. I smiled at her bitterly at umiling bago tumalikod.

Habang mabagal na naglalakad patungo sa may hagdanan, nakasalubong ko si Pham patungo siya sa dining area. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa mabagal na paglalakad, nang biglang may nahulog na mainit na likido galing sa aking mga mata.

Nang makarating ako sa may hagdanan, narinig ko ang masaya silang nagtatawanan dahil sa pagdating ni Pham. It fckng hurts so much.

It hurts me a lot. Ang sakit na marining na masaya sila dahil nandito si Pham habang ako, ni isang ngiti wala. Puro nalang panghuhusga at pangmamaliit ang pinapakita nila sa akin. Ang sakit... ang sakit sakit na makita at marinig mo silang masaya nang wala ka na.

Sabi ko nga sa sarili ko na tanggap ko na pero hindi parin pala. Pati sarili kong pamilya, hinuhusgahan ako. Ever since nagkaisip ako, hindi ko man lang naranasang mahalin ng sarili kong pamilya. Ni isang beses hindi man lang nila nakita ang mga efforts ko. Palagi na lang Pham, si Pham ganito, ganyan, gayahin mo. T*nginang Pham yan!.

Nagkulong nalang ako sa kwarto at nagmukmok magdamag, naghihintay na kahit isa man lang sa kanila, puntahan at tanungin ako. Kung okay lang ba ako? Kung hindi ba ako gutom? Pagod ba ako?. Wala talaga eh. Naghintay. Naghintay ako sa wala.

Sunshine In The DarkWhere stories live. Discover now