Chapter 5

225 24 17
                                    

Chapter 5

"Alexandria!" tawag ni Anthony sa akin. Hindi ko siya pinansin, nahihiya parin ako hanggang ngayon dahil sa nagyari kaninang umaga, sa library.


Kanina pa niya ako kinukulit, tinatanong kung bakit nakangiti ako habang nakatitig sa kaniya.


Anong sasabihin ko? Na masaya ako kapag kasama ko siya? No way! Hinding hindi ko aaminin sa kanya 'yon. Kahit magunaw ang mundo-ko.


"Baka narealize mo gusto mo na pala ako, Alexandria, ah. 'wag kang mahiyang magsabi, ha." ang sabi niya, dahil sa kahihiyan iniwan ko siya sa library at hindi ko siya pinansin maghapon, kahit sa group activity namin kanina sa Entrepreneurship.


Pauwi na ako ngayon, nauna na kanina ang mga friends ko. May meeting kasi ako kanina sa Music club kaya mas late akong uuwi ngayon.



"Bakit?" bored kong tanong, suko na ako, kahit hindi ko siya pinapandin maghapon, hindi parin siya sumukong kauspin ako at mapansin siya, ngayon heto na, I really can't control my emotions, I'm too soft hearted. Kaya palagi akong nasasaktan, eh.


"Wala kang kasama, diba?" umiling ako. "Yes." masayang bulong niya na narinig ko ngunit hindi ko nalang pinahalata. "Sabay na tayo." sabi niya at kinuha sa akin ang mga folder na hawak ko, list yun ng mga junior member sa music club, ako kasi ang leader ng mga junior, kahit senior na ako. Iba rin sa senior, si Kuya Chris.


"No, ako na. Kaya ko naman." pagpupumilit kong kunin ang mga folder.

"Its okay. Namumula na yang braso mo, oh." sabi niya at nginuso ang braso kong namumula. Kanina ko pa pala buhat yun.


Habang naghihintay kami ng tricycle na mukhang hindi na darating, nagulat ako nang tumingin ako kay Anthony na nakatitig sa akin, hindi ko nalang 'yon pinahalata, baka akalain niya na may epekto siya s akin.


'Meron naman talaga.' sagot ng isang bahagi ng isip ko. Kaloka talaga to!


"Uhm... Pwede bang 'wag kang tumitig sa'kin ng ganyan?" nahihiyang sabi ko at nagbaba ako ng tingin.


"Bakit?" inosenteng tanong niya, hindi ba niya nahahalata na ilang na ilang na ako?


"N-nakakailang kasi." What if may dumi ako sa mukha, diba? Nakakahiya!


"Kahit siguro magdamag, hindi ako magsasawag titigan ka." echosero, wag ka, marami ng nagsabi sa'kin niyan.


Kinikilig ako. Char


"Sige mambola ka pa."


"Sa itsura kong 'to? Bobolahin ka?" may panunuya sa tinig niya. Aba?! 'tong lalaking to talaga, sarap hampasin ang ulo. Uy, 'wag ka ulo sa taas hindi sa, you know, HEHE char. "Hindi kita binibola, totoo naman, ah. Sa ganda mong yan? Imposibleng magsawa ako niyan."



Patuloy na ganon, binobola niya ako hanggang sa nagpag-isipan naming maglakad nalang hanggang sa stasyon dahil padilim na.



"Best friend mo ba talaga yung sina Shentle?"curious na tanong niya bigla, medyo malapit na kami sa stasyon ng tricycle. Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin, pero nakikita ko gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin at binabasa ang emosyon sa aking mukha.


"Oo." maikling sagot ko.


"Ilang taon na kayong magkakaibigan?" tanong niya ulit.


"Hindi ko alam, hindi naman ako nagbibilang ng ganon." I lied, twelve years. Twelve years of friendsip, love and sisterhood.



"Bakit?"



Sunshine In The DarkWhere stories live. Discover now