Chapter 4

254 34 14
                                    

Chapter 4

IT'S been two weeks since Anthony and I officially introduced to each other. At sa loob ng dalawang linggo palagi may nambu-bwisit sa buhay ko.

Two weeks na rin na parang may napapansin akong kakaiba sa mga friends ko.

Two weeks na rin akong nananalangin na sana ulamis na si Lola dito sa pilipinas.

My two weeks became extra hellish. I've  been judge harshly.Palaging sa school at bahay sa weekdays at sa Sabado naman lumalabas ko madaling araw pa lang para magjogging tapos sabahay ulit, sa Linggo dumadalo ako sa pagsamba.

Mahirap... mahirap mamuhay sa mundong walang tumatanggap sa'yo, nakakapansin sa'yo at higit sa lahat, nagmamahal sa'yo.

Gustong-gusto ko nang ipaglaban ang sarili ko, pero hindi ko kaya.

Gusto ko sanang magsalita, na ang sakit sakit pero hindi ko kaya... hindi ko kaya dahil nirerespeto ko sila, dahil mahal ko sila, dahil... dahil wala pa 'daw' akong napapatunayan sa kanila at wala akong k—

Naputol ang pag-iisip ko nang may pumitik sa harapan ko. "Earth to sunshine." Epal talaga 'tong lalaking 'to.

"Ano!" singhal ko sa kanya. Monday ngayon at nandito kami sa may bench sa harap ng library dahil sa kulit ng lalaking 'to napalabas kami sa Organization and Management class namin, strikto pa naman yung si Sir Gerald, pero gwapo siya, ah.

Okay, balik tayo sa ggong ipo-ipo.

Tanga kasi, feeling close. Kairita sarap sapakin, simula nung dumating ang lalaking 'to sa buhay ko mas gumulo ang magulo ko nang mundo.

'Talaga ba? Sa gwapo ng nilalang na yan, gugulo pa mundo mo?' tanong ng isang bahagi ng isip ko. I mentally rolled my eyes. O. M. G. No. napasok ata ng malakas na ipo-ipong Galvin ang braincells ko.

"Iniisp mo na naman ba ako? Nandito lang naman ako sa tabi mo. Oh, dito lang ako, don't you worry baby, sayo lang ako." sabi ng ipo-ipong nagngangalang Galvin Anthony 'Turnado' Edrada, hmm. Ang gwapo ng pangalan pero ang hangin lang masyado ng may-ari.

"What?!" I glared at him.

"Don't 'what what' me, Sunshine. I know you like me." kumindat pa ang ggo.

"Uhm... I'm so sorry Mr. Edrada, gwapo ka sana pero ang hangin mo kasi at tsaka hindi kita type. HINDI. KITA. TYPE." I rolled my eyes at him at tumayo at naglakad patungo  sa library.

"Baby! Sunshine!"

"Don't 'baby' me! Ggo! Tangayin ka sana ni Lord!" sigaw ko sa kanya at nagmamadaling pumasok sa library.

"Baby, wait! Pag ako tinangay ni Lord mababawasan ang gwapo dito sa mundo!."  pasigaw na tugon niya dahilan para tumingin ang ibang estudyante na nasa malapit, nakakahiya. Kahit kailan talaga! kailan ba matatapos 'to,? he is always pestering me. Pagpasok ko dito sa school—no, noong sabado, kairita.

Sarap ialay kay Satanas. Si Satanas nalang pala tatangay sa kanya 'wag na si Lord, hehe.

Noong Sabado, nagjogging ako sa may Oval kasama ko si Diamond, nang makarating kami malapit sa may football field, biglang may bumuhat kay Diamond at tinakbo, dahil sa takot na baka magnanakaw yun dali dali kong tinanggal ang sapatos ko at... BOOM. Tinamaan siya sa paa at natisod, buti nga sayo.

Dali-dali akong tumakbo para kunin si Diamond, nang mabuhat ko siya humarap ako sa salarin, nakahiga siya at nakatingin sa p—

"Manyak! Why are you staring at my butt?!" singhal ko at sinipa siya, tinamaan siya sa gilid ng tiyan kaya napaigik siya.

Sunshine In The DarkWhere stories live. Discover now