Chapter 3

156 13 0
                                    

Yna's POV

Nakanguso akong naglalakad sa hulihan nilang lahat. Tahimik lang ako kasi nagugutom na ako!

Hindi ko na nagawang makakain kanina dahil sa sobrang pagmamadali. Kumukulo na tuloy ang tiyan ko.

Tanghalian na kaya tapos wala pa akong umagahan. Kahit tubig ay walang laman ang tiyan ko.

Konti nalang talaga ay magiging pagkain na silang lahat sa paningin ko. Kailangan ko kumain!

Dumadagdag pa ang pagkapagod ko. Bwisit na buhay na ito! Mas maigi pang mamatay kaysa makaramdam nito. Pakiramdam ko ay ilang hakbang pa ay matutumba na ako.

Pero lumiwanag ang mukha ko at nagkaroon ako ng pagasa ng makakita ako ng puno na may bunga! Oh my gosh! Nasagot na agad ang dalangin ko.

Tumakbo ako papunta don. Wala na akong pakialam kung pagtinginan pa nila ako, basta gutom na ako.

Masaya pa akong tumalon talon para maabot yon dahil may kataasan din ang bunga at kailangan ko talunin.

"Magpakuha ka na! Gutom na ako." Inis na bulong ko habang masamang nakatingala dito.

Mas mataas ang tinalon ko sa pagkakataon na ito. Konti nalang ay mahahawan ko na yung prutas pero bigla iyon nasunog! Konti nalang talaga! Mga kalahati nalang ng daliri ko sa hinliliit yung pagitan.

Masama akong tumingin sa nagiisang holder ng apoy! "Bakit mo sinunog?!" Napanguso pa ako at maiiyak na.

Sumasakit na ang tiyan ko dahil sa gutom ko. Tapos kung kelan ako makakakuha na ng pagkain ay sinunog nya naman.

Hindi nya ako sinagot. Nagumpisa muli syang maglakad. Pero hindi ako papayag! Nawalan ako ng pagkain dahil sa kanya!

Binilisan ko ang lakad ko para habulin sya pero napigilan ako ni Princess Laine. Hawak nya ang braso ko.

"Don't! Niligtas ka lang nya." Seryong sabi nya.

Taka ko syang tiningnan. "Sya? Niligtas ako? Are you kidding me, Princess Laine? Mamamatay na ako sa gutom tapos sinunog nya pa ang pagkain ko." Mahaba ang nguso na sabi ko.

"That fruit is not a food. That's a poison that can kill you in just five seconds once you touch it."

What the hell! Muntik na akong mamatay ng walang kaalam-alam. Buti nalang pala ay sinunog nya yon kung hindi ay patay na ako ngayon.

"Thanks to him." Sambit ko sa isip ko.

Muli akong nagpahuli sa paglalakad habang malalim ang iniisip. Iniisip ko lang naman ang katangahan ko.

Nakakita ako ulit ng mga puno na may bunga pero hindi na ako nagsubok na pumitas alin man sa mga iyon. Ayoko na. Baka mamaya ay isa na naman yan sa mga lason.

"Ouch!" Sigaw ko.

Kung minamalas ka nga naman. Natisod lang naman ako sa isang ugat ng puno at dahil sa pagkagutom at pagod ko ay naout of balance ako kaya ito, nagdive ako sa lupa!

"Are you okay?" Nagaalalang tanong ni Sofia na tinulungan pa akong bumangon.

Imbis na tumayo ay umayos lang ako ng upo. Malapit na talaga akong umiyak. Ngayon ko lang naranasan ito!

"What is happening to you ba?" Tanong naman ni Aina.

Parang bata na tumingin ako sa kanya. "Gutom na gutom na ako!" Sigaw ko.

Ang tanga ko naman kasi. Bakit kasi hindi ako nakapaglagay ng pagkain sa bag ko kagabi?!

Dahil sa ginawa kong pagrerekmo na parang bata ay nagtawanan sila, mabilan sa masungit na prinsepe. Wala naman kasing nakakatawa eh.

Hidden PrincessWhere stories live. Discover now