Chapter 6

129 13 0
                                    

Yna POV

"She's so lucky talaga." Sabi ni Desserie.

Nakatingin sya sa harapan na parang may iniimagine. Kanina pa yan ganyan.

"What are you thinking ba?" Tanong ko sa kanya.

Nakasimangot syang tumingin sa akin. "I'm thinking about the girl na kasama ni Prince Travis kagabi. She's so lucky kasi nakayakap sya kay Princ Travis."

Natigilan ako sa sinabi nya. Pati ba naman sya? Nagpapaniwala sila sa mga chismis eh hindi nga kami magkayakap.

Umiwas ako ng tingin. "Bakit ba kasi masyadong big deal sa inyo yon?"

Kinalog kalog nya ang balikat ko kaya muli akong napatingin sa kanya. "Bes, kagabi lang nakita si Prince Travis na may kasamang babae bukod sa mga royalties. Kayakap nya pa! Sigurado akong girlfriend nya yon kasi wala naman syang kapatid."

Lawak ng imagination nito eh. Girlfriend agad? Eh lintek na yan. Hindi nga kami close non eh. Nagka-instant boyfriend agad ako. Wow naman!

"Hindi ba pwedeng friend lang sila?" Parang walang pakialam na tanong ko pero sa totoo lang ay may paki talaga ako.

"Sa ugali ni Prince Travis ay imposibleng magkakaibigan pa sya bukod sa royalties." Ay grabe sya makapanghusga ah.

"Mukha naman ata na mas imposible na magkagirlfriend sya eh hindi nga natin sya nakikitaan na malapit sa kahit sinong babae bukod sa royalties."

Mukhang napaisip naman sya sa sinabi ko. "Oo nga no. Kagabi lang naman sila nakita na magkasama pero pwede din na sa outside ng academy sila lagi nagsasama, right?"

Napairap nalang ako. Ang lawak ng imagination nya. Hindi ko mareach. Nahiya naman ako sa kanya. "Nandito ako sa harapan mo oh!"

"Hahanapin ko talaga ang babaeng yon. Sasabunutan ko sya hanggang sa makalbo sya. Sasampalin ko sya hanggang sa mamaga ang mukha nya at hindi na makilala. Tutusukin ko ang mata nya hanggang sa hindi na sya makakita. Humanda sa akin ang babaeng yon." Seryosong saad nya na may action pa.

Napalunok ako sa sinabi nya at bahagyang kinabahan. Dapat na siguro akong lumayo sa kanya. Ikamamatay ko kapag nalaman nya na ako yon.

Umurong ako ng bahagya palayo sa kanya na ikinatingin nya sa akin. "Bakit ka nalayo?" Nagtatakang tanong nya.

Iniwas ko ang tingin ko para hindi nya mahalatang medyo kinakabahan ako. "Ahh.... Ang init kasi eh."

Nagtataka syang inilibot ang paningin. "Are you serious? Mainit talaga? Medyo malamig nga eh."

Lintek ka talaga! "Alam mo kasi, magkaiba tayo ng katawan kaya magkaiba tayo ng nararamdaman."

Buti nalang talaga at dumating na yung prof namin kaya nakaiwas ako sa kanya. Ikakamatay ko ang paglapit sa kanya.

"I have a good news." Agad naman nagsigawan ang mga kaklase ko. Nagconclude narin agad sila kung ano ang good news.

"Siguro wala tayong pasok bukas."

"Oh baka pasa tayong lahat sa test."

"Oh baka naman may libreng pagkain." Sabi ni Carmela.

"Mukhang pagkain." Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya.

Napatingin sya sa akin at agad akong sinamaan ng tingin. Nginisian ko naman sya ng nangaasar.

Well, she's a mind reader kaya alam nya ang nasa isip ko. Hindi lang sya basta mind reader. Pwede nya rin marinig ang nasa isip ng isang holder kung gugustuhin nya.

Hidden PrincessWhere stories live. Discover now