Chapter 8

142 12 0
                                    

Yna POV

"What are we going to do na?" Tanong ni Carmela.

Hindi ko sya pinansin. Aba malay ko ba kung anong gagawin na namin dine. Nananahimik nga lang ako dito sa gilid kasi wala naman akong ideya sa gagawin.

Wala rin naman akong maiiambag diyan. Healer kaya ako. Taga gamot lang ako. Duhhhh.

Malinaw naman sa instructions na gagawa ng booth gamit ang mga abilities and gems. Well, pwede din naman gumamit ng ibang bagay pero wala pa namang inuutos ang leader namin.

"Introduce yourself and mention your abilities. We need to know what we can do with our abilities." Sabi ni Travis.

Napairap naman ako. Kailangan pa ba yon? Karamihan naman sa kanila ay kilala ko na. Yung iba lang na taga kabilang section ang hindi ko kilala.

"Hi. I'm Carmela Robles. Mind reader."

"Mark Lamber. Illusionist."

"I'm Lexter Mendel. I'm a portal maker."

"Ian Aleig. I have the ability of telekinesis. Future husband of Yna." Nakangising pagpapakilala nya.

Agad ko syang nahampas sa braso nya. "Bwisit ka talaga. Konti nalang talaga mauubos na ang pasensya ko sayo." Bulong ko sa kanya.

"Okay lang yan babe, tanggap kita kahit maubos pa ang pasensya mo." Tangina nya!

Lumapit ako sa kanya para bumulong. "Tingnan mo si Sofia. Katabi nya si Marlon. Gusto mo ba sabihin ko kay Marlon na ligawan si Sofia."

Natigilan naman sya. Ano ka ngayon! Wag mo akong subukang panget ka!

Nakangisi syang humarap sa akin. Nagulat pa ako ng pinisil nya ang dalawa kong pisngi.

"Subukan mo lang Yna. Malilintikan ka sa akin. Wag mo akong inisin."

"Yieeeeeeeee."

"Yung magbabe naglalambingan."

"Tama na! Nilalanggam na kami dito!"

Ngumiti din ako ng pilit. Pinisil ko din ang pisngi nya. "Tigilan mo ako Ian. Huwag mo akong gamitin sa kabaliwan mo."

Mukha mang naglalambingan kami dito pero don sila nagkakamali. Nagsasakitan na kami. Sobrang diin ng pisil na ginagawa namin.

"Stop playing. We're not here for that."

Parehas kaming napabitaw ni Ian sa isa't isa nang magsalita na sya. Tiningnan ko sya at agad napaiwas ng tingin nang makitang masama ang tingin nya sa amin.

"Continue." Muling sabi nya.

"Highblood ka kuya?"

"I'm Madelyne Scain. I have the ability of super speed."

"I'm Marlon Neilon. I have super strong ability."

"Lort Frein. Special eyes."

"Carwin Alern. I have rock ability."

"Ethyl Mense. I'm a spell enchanter and the future wife of Prince Travis."

Lahat kami ay natigilan sa sinabi nya at napangiwi. Future wife her face! Eww. Lakas ng loob nya sabihin yon at sa harap pa talaga ni Travis.

"You will never be my wife." Boom panis! WHAHAHAHAHA.

Tiningnan ko si ate mong girl na ngayon ay paiyak na. Yan napapala ng kakapalan mo ng mukha WHAHAHA.

Lahat sila ay napatingin sa akin. Oh. Anong ginawa ko? Hindi naman ako nagsasalita dito ah. Don't tell me na sinabi ko yon!

"W-What?" Nagaalangan na tanong ko.

Hidden PrincessWhere stories live. Discover now