Chapter 10

136 13 0
                                    

Bwisit! Bwisit! Ang sama ng tingin nila sa akin! Ano na naman ba ang ginawa ko?

Naglalakad lang naman ako dito sa hallway pero yung tingin nila sa akin ay parang papatayin na nila ako.

Kulang nalang ay sigawan nila ako dahil sa sobrang galit nila. Ano na naman ba ang kinagagalit nila? Hindi ko nga sila kilala eh.

"Oh, the bitch is finally here. Gising ka na pala."

Tiningnan ko ang likod ko para kumpirmahin na ako ang kausap nya. Baka nasa likod ko pala ang kausap nya eh. Pero walang holder don!

"Ako kausap mo?" Tanong ko sa kanya.

"Tanga ka ba? Sayo ako nakatingin, malamang ikaw ang kausap ko!" Sigaw nya. Makasigaw ka ate ah!

"Sino ka ba? Anong kailangan mo?" Taka kong tanong sa kanya.

"Ako lang naman ang papatay sayo!" Sigaw nya

Mabilis akong napaurong dahil don. Teka lang ah! Anong ginawa ko sa kanya?

Bigla niyang itinaas ang kamay nya at bigla din naggalawan ang mga halaman sa tabi ko! Shit! Plant manipulator sya!

"How dare you na lapitan si Prince Travis!"

Prince Travis? Si Travis na naman? Sya na naman ang dahilan?

Itinaas ko ng dalawa kong kamay. "Teka lang naman. Baka nagkakamali lang kayo. Hindi ko sya nilalapitan. Hindi nga kami close eh." Tanggi ko.

Bumuka ang bibig ng babaeng nasa harapan ko pero hindi nya natuloy ang pagsasalita nang may isa pang epal na sumingit sa usapan namin.

"Sabi ko na nga ba! Ikaw yon Yna!" Sigaw ng nasa likod ko.

Humarap ako sa nagsalita sa likod ko at napataas naman ako ng kilay nang makitang hindi ko sya kilala. Sino naman ito?

"Tama! Ikaw nga ang kasama ni Prince Travis nung gabing nakita ko sya na may kayakap."

Natigilan ako at agad na kinabahan. Oh shit! Iba na ito! Lagot na talaga ako!

Hindi ko pinahalata ang kaba ko. "Baka naman nagkakamali ka lang? Imposible naman na ako yon. Hindi nga kami close ni Prince Travis eh." Tanggi ko sa kanya.

Nangaakusa na tinuro nya ako. "No! Alam ko na ikaw yon. Kahit hindi ko nakita ang mukha nung babaeng yon ay pinagmasdan ko naman ang itsyura ng likod nya. Mula ulo.." tiningnan nya ako pababa "hanggang paa. Kahit ang haba ng buhok nya ay inalam ko at parehas lang kayo ng haba ng buhok. Ikaw lang din ang nakakalapit kay Prince Travis this past few days kaya sigurado ako na ikaw yon!" Malakas na sabi nya.

Naagaw nya ang atensyon ng mga nakapaligid sa amin kaya nagsilapitan sila sa amin saka sabay sabay na nagsalita.

"Oh my gash! Sya yon."

"Sabi na malandi ang babaeng yan eh!"

"Kaya siguro sya lapit ng lapit kina Prince Travis ay para maging boyfriend nya ang isa sa kanila at maging part sya ng royalties pero dahil may mga girlfriend na yung tatlo ay si Prince Travis nalang ang nilalandi nya." Wow nahiya naman ako sa kanya ah! Ang lawak ng utak nya! Baka sya ang gumagawa non.

"Tama ka diyan girl!" Tangek! Mali sya.

"Wala akong alam diyan sa sinasabi nyo." Tanggi ko.

"What's happening here?" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Sofia.

"So nandito din pala ang isa pang tanga. Diba may gusto ka kay Ian? Yang babaeng yan ay nilalandi din ang taong nagugustuhan mo!"

Malalaki ang matang napatingin ako kay Sofia. May gusto sya kay Ian? Totoo ba narinig ko?

Hidden PrincessWhere stories live. Discover now