Chapter 12

126 8 0
                                    

Yna POV

"Peste kang prinsepe ka!" Sigaw ko sa walang hiyang prinsepe na basta nalang ako tinangay sa sala ng dorm ko. Nagpapalayas pa ako ng mga kasama nyang peste eh!

"Ang ingay mo!" Inis nyang sabi.

"Baliw ka pala eh! Kayo yung basta nalang pumasok sa dorm ko ng walang paalam tapos ikaw pa may ganang magreklamo. Saka anong karapatan mo na pakialaman ang gamit ko!" Inagaw ko sa kanya ang kumot ko na pinantakip nya sa akin.

Naupos sya sa couch ko na parang nasa sariling bahay nya sya. Ang kapal ng mukha. Peste.

"Be my maid." Seryosong sabi nya.

Tinitigan ko lang sya habang nagproprocess sa utak ko ang mga sinabi nya. Maid? Katulong?

Bumalik ako sa kusina at nadatnan ko na naman sila don na kain parin ng kain na parang bahay nila ito. Pero sa pagkakatapon na ito ay hindi ko sila pinansin. Nagderederetsyo ako sa lagayan ng kutsilyo ko at kinuha don ang pinakamatalas na kutsilyo ko at bumalik ako sa sala.

Itinutok ko ang kutsilyo sa mukha ng prinsepeng ito. "Mahal na prisepe, kung ako sayo ay lalayas na ako sa dorm na ito dahil kung hindi ay itatarak ko ang kutsilyong ito sa mukha mo. Naiintindihan mo ba?" Pagbabanta ko sa kanya.

Hindi sya natinag. Mas lalo lang lumaki ang ngisi nya sa akin saka direstyo na tumayo. Bumukas ang bibig nya para magsalita pero may nauna na sa kanya.

"Yna Aprodite Flores! What the hell are you doing?"

Sabay kaming napatingin sa likod ko kung saan nakatayo ang 6 na royalties at masama ang tingin sa akin.

Lumapit sa akin ang sumigaw na si Mady at inagaw ang kutsilyo na hawak ko. "Alam mo ba ang ginagawa mo?"

Medyo napaurong ako dahil sa talim ng boses nya. Halata ang pagkaseryoso nilang anim habang nakatingin sa akin.

Isang malakas na sampal ang tuluyang nakapagpaurong sa akin na galing kay Laine. "Hinayaan ka namin na mapalapit sa amin dahil may tiwala kami na hindi mo ito gagawin sa isa sa amin. Pero hindi ako makapaniwala na ikaw pala ang kauna unahang hindi rerespeto sa amin."

Natawa ako sa utak ko. Respeto? Sa pagkakaalam ko ay pantay pantay ang tingin sa mga studyante dito.

Biglang nanikip ang dibdib ko at bigla akong nahirapan huminga. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang nauubusan ako ng hangin.

Inangat ko ang tingin ko kay Laine. Nakataas ang kamay nya at nakatapat sa akin. Unti unti nya akong tinatanggalan ng hangin sa aking katawan.

"Tigilan mo yan Laine!" Sigaw ng kung sino.

Mas nahirapan akong huminga hanggang sa bigla nalang dumilim ang paningin ko at ang sunod kong naramdaman ay ang pagkatumba ko.

_________________

Isang puting kisame ang bumungad sa paningin ko ng imulat ko ang mata ko. Alam na alam ko ang lugar na ito. Ilang beses na ba akong napunta dito.

Sinubukan kong bumangon pero nagtaka ako ng hindi ko na maiangat ang katawan ko. Nararamdaman ko ito pero hindi ko magawang ma-control na parang may pumipigil sa akin.

Bumukas ang pinto kaya tiningnan ko kung sino ang pumasok. "Gising ka na pala." Seryosong sabi ni Headmistress.

"Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko?" Tanong ko agad sa kanya.

Napailing iling sya bago lumapit sa akin ng tuluyan. "Alam mo naman ang kaparusahan sa hindi pagrespeto sa mga royalties. Anak sila ng mga hari at reyna na namumuno dito sa mundo at dapat silang respetuhin pero tinutukan mo ng kutsilyo ang isa sa kanila."

Hidden PrincessWhere stories live. Discover now