Chapter 14

142 9 1
                                    

Yna POV

"Mauna na ako sa inyo, tapos na naman ang oras ng trabaho ko. Marami pa akong kailangan gawin sa bahay." Paalam ko sa mga katrabaho ko dito sa cafe.

"Hatid na kita." Sabi ni Grin.

"Wag na. Malapit lang naman dito ang bahay ko."

"Nako girl! Magpahatid ka na, madami pa namang masasamang tao dito. Bago ka pa naman dito." Singit ni Riana.

Umiling ako. "Hindi na talaga. Kaya ko naman ang sarili ko. Sige na. Alis na ako." Naglakad na agad ako palabas ng cafe para para hindi na sila makatanggi pa.

"Magiingat ka, beautiful!" Sigaw ni Grin.

Bahagya nalang akong natawa sa tinawag nya sa akin. Sanay na ako sa kaniya. Yan na ang tawag nya sa akin simula ng dumating ako dito.

Naglalakad na ako pauwi nang maramdaman ko na may nakasunod sa akin. Tumingin ako sa likod pero wala na sya don, o mas dapat sabihing wala na sila don.

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa maramdaman kong muli na nasa likod ko sila, ilang metro ang layo pero sa pagkakataon na ito ay hindi ako lumingon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nadaanan akong isang eskenita kaya agad akong pumunta don. Sinigurado ko na walang bahayan bago ako humarap sa kanila.

Hindi ako nagkamali ng hinala nang makita ko sila. Alam na alam ko ang mga presensya nila at kahit na magtago pa sila ay hindi nila ako malilinlang.

"Kahit saan talaga ako pumunta ay nagagawa nyo akong sundan. Hanggang dito ba naman sa mundong ito ay guguluhin nyo ang buhay ko." Sabi ko sa kanila.

"Yna." Sabi ng isa sa kanila.

Napangisi ako. "Dapat ba kitang purihin at palakpakan dahil alam mo ang pangalan ko?"

Unti unti silang lumapit sa akin. "Sumama ka sa amin." Sabi nito.

Inilagay ko sa bulsa ko ang isa kong kamay at hinawakan ang bagay na iyon. "Tingin nyo mapapasunod nyo ako? Wala kayong karapatan na utusan ako."

Inilabas ko ang kamay ko habang hawak ang holen ko. "Invoco la mia spada!" I summon my sword!

Agad silang naghanda ng makita ang aking espada. "Mamamatay muna ako bago nyo ako mapasama sa inyo!"

Agad kong sinugod ang pinakamalapit na dark holder sa akin. Agad din na naglapitan ang iba sa akin at sinubukan akong patumbahin pero hindi ko sila hahayaan na gawin iyon.

Agad kong sinaksak ang isa sa tiyan bago sinalag ang espada na muntik na tumama sa aking mukha.

"Piste kang itim na impakto ka! Ang dami mong pwedeng tamaan pero mukha ko pa talaga ang sinubukan mong puntiryahin!" Sigaw ko sa kanya.

Agad akong lumapit sa kanya at isinaksak ang espada ko sa puso nya! Sigurado ako na yan ang pinakamasakit na heartbreak na naranasan nya! Literal na nawasak ang puso nya!

Hindi kagaya ng iba diyan na iniwan lang ng kasintahan nila ay nawasak na daw ang puso nila!

May lima pang buhay na nakatayo sa harapan ko. "Ganon ba talaga katakot sa akin ang pinuno nyo para magpadala ng pitong kukuha sa akin? Magisa lang ako oh!" Inis na tanong ko sa kanila.

"Sumama ka nalang sa amin!" Sigaw ng isa sa kanila.

Tumawa ako ng malakas. "Ano ako tanga? Kapag sumama ako sa inyo edi namatay ako kahit hindi ko pa oras. Where's your brain dude?"

"Ayaw mo talaga? May pagkakataon ka pa!" Sigaw nyang muli.

"Ano ba ang kailangan nyo sa akin? I'm just a healer dude! There's nothing special about my ability."

Hidden PrincessWhere stories live. Discover now