Chapter 20

95 10 1
                                    


Yna's POV

Nakarating kami sa dorm nila at natagpuan yung anim na naguusap-usap sa living room. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Umupo si Travis sa pangisahang sofa habang ako ay nakatayo lang para makinig sa kanila.

"Sinabi ni Abaddon kanina na hahanapin nya ang may hawak ng light gem, dito lang sya naghanap, ibig sabihin ay maaaring nandito lang din ang may hawak ng gem stone." Sabi ni Laine

"Hindi ba't noon palang naman ay pinaghihinalaan na talaga natin na nandito lang din ang may ari ng brilyante ng liwanag dahil sa nangyari kay Rea." Seryosong sabi ni Cavin.

Rea? Yung umaway sa akin sa cafeteria? Nabalitaan ko nga ang nangyari sa kanya. Ilang araw ding usap-usapan yon.

"Ngunit ang babaeng gumawa non kay Rea ay ang babaeng naka-kapang pula. Pinaghihinalaan palang natin syang may hawak ng brilyante ng liwanag pero hindi pa tayo sigurado dahil maaaring kasanib sya ng mga dark holder at may kapangyarihan lang talaga syang maglaho." Namomoblemang sabi ni Mady.

Babaeng naka-kapang pula?

"Ngunit alam naman natin na ang mga brilyante lang ang may kakayahang magbigay ng kapangyarihang maglaho." Sabi naman ni Tristan.

Gusto ko na umalis dito. Nakakatakot na baka sa paguusap nila ay madiskubre nila na ako ang may hawak ng brilyante ng liwanag kahit alam kong medyo imposible pang malaman nila.

"Yna, maupo ka kaya. Bakit nakatayo ka lang diyan?" Biglang sabi ni Megan. Bahagya pa akong nagulat nang tinawag nya ang pangalan ko.

Kahit gusto ko na umalis ay umupo parin ako sa tabi ni Cavin-dahil yon lang ang bakanteng upuan-upang makinig sa iba pang sasabihin nila. Kailangan ko malaman lahat ng sasabihin nila.

Napadako ang tingin ko kay Travis na nakatitig sa pagitan namin ni Cavin kaya napalingon din ako sa gilid ko para alamin kung ano ang tinitingnan nya don ngunit wala naman akong nakitang mali.

"Yna, may sinabi ba si Abaddon sayo? Bakit ikaw ang pinuntahan nya?" Tanong ni Gino.

Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

"Ahhh........ H-hindi ko alam. Bigla nalang syang sumulpot sa unahan ko at sinakal ako habang tinatanong kung saan nya matatagpuan ang babaeng may hawak ng nawawalang brilyante." Pinilit kong ituwid ang pagsasalita dahil baka makahalata sila na nagsisinungaling ako.

Buti nalang talaga wala sa kanilang may kapangyarihang bumasa ng isip kun'di malalaman nila na nagsisinungaling lang ako.

"Ngunit bakit naman ikaw ang tatanungin nya?" Tanong naman ni Tristan.

Napakamot ako sa ulo ko at isa-isa silanh tiningnan. Nakatingin sila sa akin na para bang iniintay talaga nila ang sagot ko.

"Hindi ko alam." Tanging naisagot ko.

Nagsipagiwasan sila ng tingin sa akin na para bang wala silang nakuhang sagot mula sa akin na makakatulong sa kanila.

"Kailangan na natin malaman kung sino ba ang may hawak ng brilyante. Kailangan nating gumawa ng hakbang upang mahanap na natin sya." Seryosong saad ni Travis.

"Paano naman natin sya mahahanap eh wala nga tayong alam sa kanya. Hindi nga natin alam ang itsyura nya." Naguguluhang tanong ni Tristan.

"Kailangan nating malikom lahat ng tao dito sa akademiya. Gagawa tayo ng isang lugar kung saan walang liwanag. Hindi kayang tumagal ng brilyante ng liwanag sa dilim, kung sinong hindi tatagal sa loob ay maaaring sya ang prinsesa."

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Jul 08, 2023 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

Hidden PrincessDär berättelser lever. Upptäck nu