Chapter 9

129 10 0
                                    

We're starting to make our booth na. Binigyan ang bawat grupo ng tigiisang classroom para don gumawa ng booth nila. So there are only four booth.

Nakaupo lang ako dito sa labas ng room namin dahil wala naman akong maitutulong sa kanila. Nakagawa na si Mark ng Illusion at ginagawa na nila ang mga part nila.

Hindi lang naman ako magisa dito sa labas. Nandito din yung iba na wala din namang ginagawa kagaya ni Ian at Lort.

Yung costume naman namin ay sabay sabay daw kaming bibili kasi....ewan ko. Gusto nila eh.

Tiningnan ko ang loob ng room namin na wala namang laman. Wala ring holder sa loob. Eh kasi nga may illusion. Kung titingnan mo lang ang loob ay wala ka talagang makikita kundi ang normal na ayos ng room namin.

Makikita mo lang ang booth namin kung papasok ka sa pinto. At ito pa. Kapag pumasok ka ay mawawala ang pinto. There is only two way to go out. First is to find the exit and the second one is to give up.

Nacurious na ako sa ginagawa nila sa loob kaya naisipan ko na pumasok sa loob. Sigurado naman na makikita ko sila agad.

"Where are you going Yna?" Tanong ni Ian.

"Don't talk to me." Sabay irap ko sa kanya. Bwisit sya eh.

Naiirita parin ako sa kanya. Ngayon ay kilala na ako ng buong grade level namin at sa tingin ko ay buong academy. Sino ba namang hindi makakakilala sa akin eh pinagchihismisan na ako.

Keso daw ay may boyfriend na ako tapos lumalapit pa ako kay Travis tapos dinadamay ko pa ang ibang prinsesa at prinsepe.

"Hindi pa sila tapos diyan. Wag ka munang pumasok."

Muli akong napairap bago pumasok sa loob. Agad na napalitan ang paligid ko. Napunta ako sa isang lugar na madilim. Tanging mga apoy lang ang nagsisilbing liwanag na alam kong si Travis ang may gawa.

Agad akong kinalibutan. Mali yata ang desisyon ko ah. Dapat pala sinama ko si Lort para matulungan nya ako sa mga daan dito.

Tumingin ako sa likod ko pero agad akong napahampas sa noo ko ng makitang wala na don ang pinto.

"Fine! I give up!" Inis na sabi ko.

Lalabas ako tapos papasok ulit pero isasama ko na si Lort.

Inintay ko na mapunta ako sa labas pero ilang minuto na ay wala pa ring nangyayari. Nasa loob parin ako.

"Bakit hindi ako makalabas?" Tanong ko.

Naguumpisa na akong kilabutan dito ah. Bakit ba kasi ako pumasok dito? Syempre. Pinairal ko na naman ang katangahan ko.

Nagsimula nalang akong maglakad sa dilim. Wala pa naman akong dala kahit ano. Kahit ang sword ko. Paano kung nakapaglagay na pala si Ethyl dito ng mga scary creatures. Bwisit ka Yna!

Kung saan saan na ako pumupunta. Nakakatakot dito ah. Ang dilim. Bakit kasi naisipan pa ni Travis na gawing horror maze booth ito. Arghhh.

Lumiko ako sa kanan nang may dalawang likuan. Pinili ko ang kanan dahil sabi ng instinct ko ay pumunta ako sa kaliwa. Hindi ko pinagkakatiwalaan ang instinct ko kaya sa kanan ako pumunta.

Tamo! Wala na akong tiwala sa sarili ko dahil sa mga katangahan ko. Pinapahamak ko lang ang sarili ko.

Napahinto ako sa pagliko ng makita ko na may malaking gagamba sa lilikuan ko. Papalapit na sya sa direksyon ko kaya napatakbo ako pabalik sa pinanggalingan ko at sinunod ko yung instinct ko kanina na pumunta sa kaliwa. Sabi ko nga, dapat sa kaliwa ako pumunta.

"Nakapaglagay na nga sila ng kung ano ano dito. Ang malas ko talaga!" Inis na inis na sabi ko.

Napatigil ako ng may makita akong holder na nakatayo don sa don sa dulo. Tumakbo ako palapit sa kanya pero agad na napahinto ng makitang isa lang pala yong statue. Bwisit ka Carwin!

Hidden PrincessWhere stories live. Discover now