Chapter 18

150 12 5
                                    

Yna's POV

Masakit ang ulo ko nang ako'y magising. Nang imulat ko ang mata ko ay agad na umikot ang paningin ko kaya muli ko itong ipinikit.

Nang sa tingin ko ay medyo umayos na ang pakiramdam ko ay muli kong iminulat ang mata ko.

Sumalubong sa akin ang puting kisame na aking pinagtaka. Kelan pa nagkakisame ang bahay ko?

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Agad bumalik ang alaala ko sa nangyari ng makita ko ang mga peste na naguusap usap. Mga nagtatawanan pa.

Agad akong tumayo kaya napatingin sa akin si Mady na nakaharap sa direksyon ko.

"Mabuti naman at gising ka na Yna. Kanina ka pa tulog diyan." Nakangiting sabi nya kaya nagtinginan din silang lahat sa akin.

Lahat sila ay napangiti nang makita akong gising na. Ang sarap tanggalin ng mga ngiti nila sa mga mukha nila.

"Anong ginawa nyo sa akin?" Masama ang tingin na tanong ko sa kanila.

"Kung makapagtanong ka naman ay parang pinagsamantalahan ka namin. Hoy asa ka." Walang kwentang sagot ni Tristan.

Agad naman syang binatukan ng kasintahan nya na si Megan. Yan ang napapala nya sa pagsasabi ng mga walang kwentang bagay.

"Hinigop ko lang naman ang hangin sa loob ng katawan mo gamit ang brilyante ko. Nawalan ka ng malay kaya madali.ka naming naisama dine. Ang galing ko diba?" Namamanghang sagot ni Laine. Bilib na bilib sa sarili.

"Hindi nakakatuwa ang iyong ginawa." Sagot ko sa kanya at bumaba sa higaan.

Masyadong delikado ang ginawa nya. Kung di nya agad naibalik ang hangin sa katawan ko ay maaari akong mamatay. Madaming mapapahamak.

"Maligayang pagbabalik, Yna." Nakangising sabi ni Travis.

Napairap ako sa kanya. "Hindi ako natutuwang nakabalik ako dito."

Nilisan ko na ang lugar na ito tapos ngayon ay ibabalik nila ako dito kahit na sinabi ko nang ayaw ko na.

Kahit hindi pa ako nakakalabas ay alam ko na nandito ako sa mundo ng mahika. Bumalik ang dating pakiramdam ko. Bumalik ang lakas ko.

Ang isang may kapangyarihan na tulad ko ay nanghihina sa mundo ng mga tao dahil hindi na ito sakop ng mahika na bumabalot sa mundo namin na nagbibigay sa amin ng karagdagang enerhiya.

Agad akong tumayo sa higaan ko upang lisanin ang kwartong ito. Hindi ko sila nais na makasama ng matagal.

Hindi pa ako nakakailang hakbang ay nahawakan na ni Travis ang braso ko. "San mo naman balak pumunta?" Nakakunot ang noong pagtatanong nya.

"Bitawan mo ako." Utos ko.

"Hindi ka aalis dito. Hindi ka na babalik sa mundong iyon." Bigkas nya.

"Huwag kang magalala. Hindi ako babalik don. Di ko sasayangin ang ginawa ni Laine para sa akin." Sarkastiko kong sabi na tiningnan pa si Laine. Agad naman syang napaiwas ng tingin sa akin.

"Saan ka pupunta?" Muling tanong nya.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. Bahagya ko pang nilapit ang mukha ko sa kanya. "Sa kaaway na kaharian. Baka don ay hindi nila ako palayasin kagaya ng ginawa nyo." Sagot ko sa kanya.

Tumalim ang tingin nya sa akin. Nakangisi ko namang binaklas ang kamay nya sa braso ko at saka sya tinalikuran.

"Hindi ka aalis Yna. Wag mo akong subukan! Di mo magugustuhang sumuway sa utos ko."

At anong tingin nya, matatakot ako sa kanya? Nagkakamali sya.

Binuksan ko ang pinto at akma na sanang lalabas ng biglang may yumakap sa akin.

Hidden PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora