Chapter 2

3.4K 97 6
                                    


Kinabukasan sabado ng gabi.

Nasa club ngayon si Ellieoth na pag mamay-ari ng kaibigang si Kole.

Nasa isang mahabang couch sila naka upo habang na nonood ng mga babaeng nag sasayaw sa malaking stage lahat ng mga babae ay naka bikini, at bra lang.

Kasama niya ngayon ang mga kaibigan niya si Luke, Kole , Styles , Ed, Tyron at ang kakambal ni Styles na si Syler.

Abala sila sa panonood ng mga babaeng nag po-pole dancing sa harapan nila pero si Styles ay naka simangot dahil iniisip nito si Eve baka salubungin na naman siya nito ng sipa, o kaya baril pag pasok palang niya ng pinto ng kanilang mansyon. Pahamak kasi ang mga kaibigan niya lagi siya nalalagay sa alanganin.

Si Ellieoth naman ay seryuso lang sumisimsim ng alak sa goblet na hawak nito.

"Pare balita ko bumalik ka na naman sa dating daan, ano nangyari sayo? " Natatawang saad ni kole at tinapik ang balikat ni Ellieoth.

"Alam mo pare kung ako sa'yo  tumigil kana sa pang babae mo. Pahalagahan mo si Angelecca, tandaan mo si Angelecca ay bata pa, maganda, sexy at mabait. Maraming pwedeng sumalo sa kanya kapag pinabayaan mo siya ikaw rin maagawan ka ng buto ng ibang aso." Payo sa kanya ni Kole.

"Kaya nga sa gandang  yun ni Ecca, hindi palalagpasin ng mga kalalakihan ang katulad niya. Kahit nga siguro ako kung nag kataong single ako baka patusin ko siya." Sigunda ni Luke.

"Payong kaibigan lang  dude habang hawak mo pa ang isang bagay, pahalagahan mo dahil sa oras na maagaw ito ng iba sa mga kamay mo ay mahihirapan kanang bawiin ito."


Wika naman ni Ed, ito na yata ang kaibigan niyang maganda mag bigay ng payo bukod kay Styles, palibhasa ay isang babae lang talaga ang nasa puso nito at walang iba kundi ang kanyang asawa.

Nag pakawala ng malalim na hininga si Ellieoth. Isa pang gumugulo sa kanyang isipan simula pa kaninang umaga ay hindi siya kinakausap ni Angelecca ni tingnan siya ay hindi ginagawa ng babae.

Ginugulo ng babae ang kaniyang isipan umalis din ito kanina kasama ang mga anak nila nag tungo ito sa kanyang ama . Hindi niya alam kung naka balik naba ang mag iina niya.

"Oh.... Sh**t!" Usal ni Tyron.

Bumaling naman ang mga kakaibigan sa dereksiyon ni Tyron.

"May problema ba?" Tanong ni Kole.

"Si Angelecca ba talaga yun?" Mahinang usal ni Tyron at sabay turo sa babae. Sinundan naman nilang lahat kung saan naka tingin si Tyron.

Parang umalsa ang lahat ng dugo ni Ellieoth patungo sa ulo nito. Dahil sa kanyang nakita.  Agad kinuyom ni Ellieoth ang kanyang kamao, pakiramdam niya ay anong oras ay gusto niyang pumatay ng tao. Bakit ganito ang nararammdaman niya nag seselos ba siya?

"Kakasabi ko lang kanina pero ngayon tingnan mo may umaaligid-aligid na." Saad ni Kole at sabay iling.

Abala si Angelecca sa pakikipag sayaw sa dating kaibigan nitong si Ford. Kulang nalang ay mag yakapan ang dalawa .

Sinadya talaga mag punta ni Ecca sa club kung nasaan si Ellieoth sakto naman na narito si Ford.

Lalong kumulo ang dugo ni Ellieoth ng mapansin niya ang dalawang kamay ni Ford ay nasa maliit na bahwang ni Angelecca.

"Ang sama ng tingin ng asawa mo." bulong ni Ford sa tainga ni Ecca.

"Kiss me!" Utos ni Ecca sa kaibigan nito.

"What! are you sure?" Anas ni Ford.

"Yeah, please kiss me!"

Ilang beses napalunok si Ford bago tumungo at dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa labi ni Angelecca. Nang tuluyan na ito mag lapat ay hindi pa nag tagal ay tumilapon na ito sa dance floor. Lahat ng tao ay napasinghap tumigil sa pag sasayaw.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon