Chapter 29

2.1K 47 0
                                    

Maraming taon ang lumipas, naging masaya at tahimik ang pamumuhay at pag sasama ni Angelecca at Ellieoth.

Nadagdagan pa ng isa ang mga anak nila Ellieoth, si Sadia Lielacc. Ang bunsong anak ng mag asawa. Ngayon ang kaarawan ng kapanganakan nito. She's turning now five years old, dito sa malawak na pavillion ginanap ang simpleng silibrasyon.

"Happy Birthday beautiful Sadia!"

Sabay-sabay na bati ng lahat ng bisita na naroroon sa kasayahan.

Hawak ni Angelecca ang cake na iihipan ng kanyang anak.

"Blow your candle and make a wish, my princess." Naka ngiting sabi ni Angelecca.

Pumikit ang magandang batang babae, sabay ihip ng kandila sa ibabaw ng cake. Nag palakpakan naman ang mga bisita.

"Maari ko ba malaman kung ano ang hiniling ng mahal kong anak?" Saad ni Angelecca.

"Gusto ko po ay maging masaya lang po tayong lahat. At palagi po tayong buo at mag kakasama nila Daddy, kuya Leo at ng tatlong kong magaganda ate." Masiglang usal ni Sadia.

"Aww,, so sweet naman ni bunsay." Anang ni Leo at niyakap at kinarga si Sadia.

"Ang bilis ng araw at taon, akalain mo iyon limang taon na si Sadia." Ani ni Angelecca kay Ellieoth.

"Gusto mo dagdagan pa natin."

Bulong ni Ellieoth sa tainga ni Angelecca at gumuhit ang pilyong ngiti sa labi nito.

"Mag tigil ka sweetie ang landi mo." Saway ng babae at palihim na kinurot ni Angelecca sa hita si Ellieoth. "Aray, masakit sweetie hahalikan kita." Malanding wika ni Ellieoth. "Tse, tumigil ka pasaway ka." Muling wika ni Angelecca.

Pinag mamasdan ng mag asawa ang kanilang mga anak, na ngayon ay dalagita at binata na, si Sadia naman ay masayang nag lalaro. Kasama ang mga anak ng mga kaibigan nila.

Alas singko na ng hapon papalubog na ang araw, nag kakasayahan parin ang lahat sa malawak na pavilion.

Pumasok muna sa loob ng mansion si Angelecca dahil may tumawag sa kan'ya.

"Congratulations Lyra i'm happy for you. Nakangiting bati ni Angelecca sa babaeng kausap nito sa cellphone.

Simula ng sumuko si Voss at pag bayaran ang lahat ng mga kasalanan nitong nagawa kay Angelecca, ay naging matalik na mag kaibigan si Lyra at Angelecca.

Masaya siya para sa kaibigan dahil sa wakas ay ikakasal na ito kay Voss.

Matanda ng twelve years si Voss kay Lyra. Kaya nag karoon ng conflict ang relasyon ng dalawa. Tutol kasi ang mga magulang ng babae, kay Voss dahil sa masamang nakaran ng lalaki.

Pero kahit gano'n ay hindi nag papigil ang dalawa.

Iba talaga ang kapangyarihan ng pag ibig.

Nang matapos ang pag uusap ng dalawa ay lumabas na ng pinto ng mansion si Angelecca.

" Sadia!" Rinig niyang sigaw ni Ellieoth. Agad na ginapang ng kaba ang babae. Patakbo siyang nag tungo sa pavilion nakita niya nag kaka-gulo ang mga tao. At mga kabigan nila, pati narin ang mga bodyguards.

"Anong nangyayari?" Kabadong tanong niya nanginginig ang tinig ng babae.

"Si-si Sadia nawawala ate Ecca." Si Ella ang sumagot.

"What!. Bulalas niya. "Paano? E' mag kakasama kayo. Paanong nawala ang anak ko!" Sigaw ni Angelecca.

"Kayo! Hindi niyo manlang binabantayan ang anak ko! Mga wala kayong silbi!" Sigaw ni Angelecca at isa-isang tinuro ang mga bodyguards at yaya ng mga bata.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon