Chapter 5

2.4K 63 3
                                    

"Angelecca!"  Sigaw ni Voss habang papasok sa opisina ni Angelecca.

Naalarma ang sekretaryang si Carissa kaya tinawag niya si Gray sa bagong opisina nito.

"Can you please lower your voice. "

Pigil na sambit ni Angelecca.

Isang linggo ng nag ta-trabaho si Gray bilang isang vice president ng kompaniya ni Angelecca. At ngayong araw lang din dumating si Voss galing sa bakasyon nito.

"What's this ! tinanggal mo ako sa kompaniyang ito na wala akong kaalam-alam, bakit !. Nangagalaiting sambit ni Voss.

Talagang nag tatanong kapa' bakit hindi mo tanongin yang sarili mo kung bakit ka natanggal sa kompaniyang ito. Sagot ni Ecca.

"Alam mo Voss hindi lang ako ang nag disisyon na tanggalin ka, lahat ng board member ay gustong palitan ka. Paano ba naman kasi, hindi sila natutuwa sa performance mo. Sa tuwing nagkaka-problema ang kompaniya wala ka, ngayon malaki ang problema ng kompaniya nasaan ka ? nandon sa hongkong nag papakasya."

"You can't do this to me Angelecca." Gigil na wika ni Voss.

"Why not ? I'm a CEO of this company. May karapatan ako mag disisyon at isa pa hindi naman pwedeng kami lagi nag a-adjust sa'yo." Timbre ni Angelecca at nakipag tagisan ng titig kay Voss.

Ngumisi ang lalaki at nag lakad papalapit sa swivel chair kung saan naka upo si Angelecca.

"Oh, My Angelecca, You know what i admire you.Noon palang malaki na ang pag kagusto ko sa'yo alam mo ba yun. Wika nito at ngumisi.
Nakakainis lang malaman na ok na pala ulit kayo ng asawa mong gago. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi mo maiwan-iwan ang asawa mo na walang alam gawin ay saktan ka lang. Naririto ako Angelecca kaya kang mahalin at tanggapin."

"Mahal ko ang asawa ko  yun ang dahilan kung bakit hindi ko siya magawang iwan. At pwede ba lumayas ka sa opisina ko, lumayas ka sa kompaniya ko!"

Sigaw ni Angelecca kahit nilalamon na siya ng kaba at takot ay nanatiling matapang ang awra ng mukha niya, hindi siya maaring mag pahalatang natatakot siya baka anong gawin sa kanya ng lalaki.

Dumilim ang awra ng mukha ni Voss at matalim na tinitigan si Angelecca.

"Total pinapalayas mo na ako dito sa kompaniya mo gagawin ko na ang gusto ko sa'yo Angelecca!" Sa paraan ng sinabi ni Voss ay kinilabutan ng husto si Angelecca.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" Kandautal-utal na saad ni Angelecca.

"Ipapalasap ko sa'yo ang impyerno , halika rito!" Biglang hinaklit ni Voss ang braso ni Angelecca at hinila patayo kinaladkad niya si Angelecca patungo sa mahabang sofa at malakas na binalya.

"Hayop ka!" Naiiyak na sambit ni Angelecca ngayon ay tuluyan ng bumagsak ang luha niya.

"Hey, baby don't cry siguradong magugustuhan mo ang gagawin ko sa'yo i know mag eenjoy karin."

"Help!" Sigaw ni Angelecca.

Kahit sumigaw ka walang makakarinig sa'yo nakalimutan mo naba sound prof ang opisina mo." Nakangising turan ni Voss at inumpisahang tanggalin ang pag kakabutones ng white polo long sleeve nito.

"No, please maawa ka." Pag susumamo niya, oo gwapo si Voss pero hindi niya pinangarap na magahasa ng isang hayop na katulad nito. Natatakot siya paano kung magahasa siya nito, ano nalang sasabihin ni Ellieoth sa kanya.

Ayaw niyang madungisan ang pag kababae niya, walang pwedeng lalaking umangkin sa kanya tanging asawa niya lang ang may karapatan gawin ang bagay na ito.

Napalingon si Angelecca sa center table na katabi ng sofa kung saan siya naka upo ngayon.

Mabilis siyang gumapang patungo sa center table at kinuha ang vase na nakapatong doon.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon